Chapter 18

91 82 39
                                    


        Hindi alam ni Loreen ang gagawin niya kaya naman mas minabuti niyang lumapit sa bato at hawakan ito nang sandali. Doon nawala ang kaniyang mga nakikita, isa lang pa lang guni-guni ngunit nakakatindig balahibong pangyayari.

       "Loreen, ano ba Loreen. Bakit ganyan ang nangyayari sa'yo!" Bulong niya sa sarili niya.

        Mismong sarili niya ay hindi na rin alam ang mga nakakakilabot na pangyayari. May kutob na talaga siyang hindi lamang isang bato itong binigay sa kaniya ng matanda.

       Kahit masabi pa ng karamihan na ito ay maganda at pwedeng itago, para sa kaniya at kay Remie, hindi ito normal na bato. Ang normal na bato ay hindi umiilaw at mas lalong hindi nagpapakita ang kung ano-anong mga anino.

        Nang matapos si Loreen sa kaniyang paglilinis. Pagod ang kaniyang naramdaman kaya naman mas pinili niya muna umupo sa sopa at manood ng T.V.

       "Nakakapagod maglaba. Ang sakit ng mga braso ko." Reklamo naman ni Remie at agad na umupo sa tabi ni Loreen.

       "Yung damit pa ni Papa ang bigat tapos ang  laki, feeling ko pagod na ako feeling ko rin kailangan ko na talaga kumain tsaka feeling ko rin kaya mo naman ako gawan ng meryenda." Ang sabi ni Remie kay Loreen. Tumingin si Loreen dito na para bang sinasabi niyang may yaya ba ito.

      "Wala ka bang kamay? Paa? Feeling yaya mo ako? Sarap naman ng buhay mo. Ako rin pagod kaya mas maganda kung magpahinga muna tayo dito." Ang sabi naman ni Loreen.

       "Gutom na akooo!" Pagmamaktol naman ni Remie.

~••••••~

        "Maganda po ba?" Tanong ni Prinsesa Serenity sa kaniyang Ama at Ina habang siya naman ay pinagmamasdan ang kaniyang sarili habang suot-suot ang kaniyang bestidang isusuot sa kaniyang kaarawan.

        "Bagay na bagay sa'yo." Ang sabi ni Haring Vesonto.

        "Mas lalo kang gumanda, Serenity. Maghanda ka na at malapit na ang iyong kaarawan. Sana maging maayos ang araw na iyon at walang masamang mangyayari." Ang sabi ni Reyna Caelia sa kaniyang asawa at anak.

        "Walang masamang mangyayari basta't walang mag-iisip ng negatibo." Ang tugon naman ni Haring Vesonto.

       "Paano po si Anisa? Hindi po ba't... hinahanap niyo siya? May kinalaman siya sa pagkawala ng kuwintas?" Tanong ni Prinsesa Serenity sa kaniyang Ama.

        "Hindi naman porket hindi nakatira rito sa atin at kakaiba ang titig agad na nating pagbibintangan ang tao. Mali tayo sa gawaing iyon. Dapat imbestigahan muna. Maaari siyang pumunta sa iyong kaarawan at malaya niyang magagawa ang kaniyang gustong gawin ngunit kakausapin ko muna siya kung sakaling siya ay makakapunta." Ang paliwanag ni Haring Vesonto sa kaniyang mag-ina.

~••••••~

       Habang gumagawa at nag-iisip ng plano sina Haring Batromonio, Reyna Kanisha, Grovioza at Zelar, hindi nila matanggal sa isipan nila na gusto na agad nilang maghiganti.

     "Hindi pa sapat ang kaalaman natin upang sumugod at gawin ang ating plano." Ang sabi ni Haring Batromonio sa mga kasama niya.

       "Hindi natin masyadong alam ang mga pasikot-sikot sa kanilang kaharian at kung saan talaga nakalagay ang espada nila." Ang sabi ni Reyna Kanisha.

       "Ako na, ako na ang gagawa ng paraan doon. Basta tiyakin niyong ang mga dapat niyong gawin ay gagawin ninyo ng maayos at walang kapalpakan." Paliwanag ni Grovioza.

"Mauna na kami ni Zelar at madami pa kaming aasikasuhin." Pagpapaalam niya sa mag-asawa.

      Habang sila ay naglalakad napaisip na lamang si Zelar sa kaniyang kasama na si Grovioza.

       "Bakit gano'n ka makipag-usap sa kanila? Hindi ba't Hari at Reyna sila? Dapat galangin?" Tanong ni Zelar dito.

       "Hindi ko na kailangang magkaroon pa ng galang sa kanila dahil kilala naman nila ako hindi man sa itsura ngunit sa pangalan." Ang sagot ni Grovioza.

"At kadugo ko naman si Batromonio..."

        Nang makarating sila sa kanilang tahanan agad nilang nakita sa daanan ang imbitasyon galing sa pamilyang De Fleune.

        Nagkatinginan sila sa isa't-isa at agad na pumasok sa loob upang basahin ang imbitasyon.

        "Kaarawan ni Prinsesa Serenity at malapit na itong maganap. Imbitado tayo." Ang paliwanag ni Zelar kay Grovioza.

        Nakaisip si Grovioza ng paraan. Isa itong magandang kaganapan para sa kanilang plano at kilos na gagawin ukol sa kanilang paghihiganti.

        "Pupunta tayo at ating aalamin ang mga pasikot-sikot sa kanilang kaharian." Saad ni Grovioza kay Zelar.

       "Napakaganda ng umpisa ng ating kilos. Napakaganda..." Ngumisi si Grovioza at napaisip na lamang kung gaano kahangal ang pamilyang De Fleune.

~••••••~

        "I'm not happy for Anisa. She doesn't deserve all of these things happening in her life." Bulong ni Diane kay Elora.

        "Ako rin naman, kaso wala tayong magagawa, gano'n talaga ang buhay. Minsan masaya, minsan malungkot." Ang sagot ni Elora kay Diane na may halong dismaya.

       "Pumunta ka na kasi, Anisa. Wala namang masama kung susubukan mo." Ang sabi ni Heather, kanina pa nila pinipilit si Anisa na sumama.

      "I can't go! My life's in danger!" Ang sabi ni Anisa sa kanila na medyo tumaas ang boses.

        "Kung susubukan mo wala namang masama." Ang sabi ni Ysella.

        "What do you mean?! Something might happen it I kept going out there. They are after me! Are you all insane? You guys are stupid!" Galit na galit na sigaw ni Anisa.

Natahimik na lamang ang mga kasama niya at napatulala sa kaniya. Isang minuto ang lumipas at napabuntong-hininga si Anisa.

        "I'm sorry, I just can't take it anymore... I feel like I'm a prison that doesn't have freedom." Ang sabi ni Anisa sa dalawa.

       "If they caught you then tell them the truth that you didn't know anything about it." Ang sabi naman ni Heather.

        Tumingin si Anisa kay Ysella at kay Heather. Muli na lamang siyang napabuntong-hininga ngunit ngumiti ng bahagya.

        "If I am not really involve then I should speak to them." Ang sabi ni Anisa na sa ngayon ay may tapang na.

        Sa wakas at napapayag nina Heather at Ysella si Anisa na sumama. Agad silang lumapit kay Manang Felicia na gumagawa ng kanilang masusuot.

        "I'm... I'm going, Auntie Felicia." Ang sabi ni Anisa sa kaniya.

        Tumingin si Manang Felicia sa kaniya at ngumiti. Agad niya itong niyakap at tinanong kung ano ang disenyong gusto niya sa kaniyang bestida.

        "She's coming?!" Tanong ni Diane kay Heather.

        "Oo, wala namang masama kung gusto niya." Ang sagot ni Heather.

        "Di'ba wanted siya?" Tanong ni Elora, tumingin si Ysella dito ng masama.

       "Hindi siya wanted, mabuting tao siya. Napagbintangan lang naman." Ang sabi ni Ysella.

        "I'm not guilty. I am not involve. I'm just being me. Don't worry, I'll be fine." Gano'n na nga lang ang fighting spirit ni Anisa.

      Kung wala ka naman talagang ginagawang masama, bakit ka nangangamba?

        Wala nga ba talagang nagawang masama?

Adventures in Efarial ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon