Chapter 13

107 93 31
                                    


Tumingin si Grovioza sa dalawa niyang kausap at nag-isip. Nag-isip ng malalim upang malaman kung ano ang kaniyang sasabihin. Nang makapag-isip na siya, agad niyang binalik ang kaniyang tingin sa Hari at Reyna na kanina pa nag-aantay ng kaniyang sagot.

"Nako, hindi po. Pasensya na po kayo ngunit wala po talaga akong alam kung sino po ang kumuha at saan po napunta ang inyong kuwintas." Ang sagot ni Grovioza sa kanila.

Tila ba nawawalan na ng pag-asa ang mag-asawa na muli pa nilang masisilayan ang kuwintas na iyon. Hindi na rin alam ng Hari kung ano ang susunod na hakbang at plano na maaari niyang gawin upang masolusyonan ang salot na itosa kanilang buhay.

"Ngunit mahal na Hari at Reyna, kung ako po ay may nalaman at nabalitaan, agad po akong pupunta rito upang sabihin ang impormasyong aking makukuha." Agad namang sabi ni Grovioza sa dalawa.

Mabagal ang pagtango ng Reyna at bumuntong-hininga na lamang ngunit siya ay tutulong, tutulong siya sa abot ng kaniyang makakaya para sa kanilang kaharian at sa mga taong nasasakupan nila.

"Pasensya na sa abala, Grovioza. Salamat sa iyong pagbisita. Mag-ingat ka sa iyong pag-uwi." Ang sabi naman ni Haring Vesonto sa kaniya. Tumayo si Grovioza at agad na nagpaalam sa Hari at Reyna.

"Walang anuman po. Mag-iingat din po kayo, lagi." Ang huling sagot niya, tumalikod at naglakad papalabas.

~••••••~

       Habang kumakain ng tanghalian sina Anisa, Diane, Ysella, Heather at Elora. Biglang napakuwento si Elora sa kaniyang sariling buhay.

      "Where are Auntie Felicia and Uncle Conor?" Tanong ni Anisa habang hinahanap sila sa kaniyang paligid.

      "Nauna na silang kumain, may pinuntahan ata sila, kaaalis lang nila kanina." Ang sagot ni Heather habang kumakain ng saging.

       "So, hindi ko pa pala nasasabi sa inyo pero may asawa na ako at may anak na rin ako, Savannah ang pangalan niya. Hindi ko alam kung kumusta na ang anak ko. Nakakalungkot lang kapag naiisip ko sila. Nangungulila ako sa kanila." Malungkot na sabi ni Elora sa mga kasama niya.

      "Me either, I don't know what is happening there. I really miss my family. My children needs me so much. They are still small to be taken care by their dad I mean only by their dad." Ang sunod naman na sabi ni Diane.

       "Ako rin, kumusta na kaya ang Mama ko. Ang mga pasyenteng inaalagaan ko. Hindi ko na alam kung ano pa ang gagawin ko kapag hindi ako makabalik kung nasaan dapat ako." Sunod naman na nagsabi si Heather.

      "Alam ko sa ngayon wala tayo sa mundo natin. May mga ganito talagang kaso na nangyayari sa mundong tulad nito dahil may mga mangkukulam, salamangkero at kapangyarihan na nangyayari sa mga ganitong mundo." Ang paliwanag ni Ysella.

"Isa na ang mundo namin. Hindi pangkaraniwan ang pamumuhay ng mga tao ngunit isa lamang ang alam ko... hindi tayo mapupunta rito kung hindi tayo pinaglaruan ng isang mahiwagang nilalang." Ang dadag pa ni Ysella sa kaniyang paliwanag.

       Napatingin lang si Anisa sa mga kasama niya at tahimik na nakikinig ng maigi sa kanilang pinag-uusapan. Hindi niya gustong magsalita dahil sa gutom siya at ayaw na rin niyang makialam muna sa mga kasama niya. Hindi pa naman niya masyadong nakakausap ang mga ito kaya mas minabuti niyang manahimik na lag muna.

~••••••~

       Habang walang ginagawa si Loreen sa kaniyang kuwarto, naisipan niya munang magbasa ng mga libro ukol sa pantasya upang mas magkaroon pa siya ng kaalaman kung papaano niya itutuloy ang sinusulat niyang libro nang may magandang pagkakasulat.

       Nakakailang libro na rin siyang nabasa at isa na rin dito ang libro ni Terry Pratchett, ang The Colour of Magic. Nanood na rin siya ng dalawang pelikula ukol rin sa pantasya at mas epektibo naman ang kaniyang panonood.

       Maya-maya narinig niya ang pagbukas ng pinto at nakita ni Loreen si Remie na may hawak na pagkain at inumin. Pinakita ito ni Remie sa kaniya at ngumiti.

      "Alam kong gutom ka, kaya naman gumawa ako ng meryenda nating dalawa. Masarap 'yan. Mayonnaise ang palaman, favorite mo. Itong inuman naman ay chuckie. Masarap 'yan. Kain muna tayo." Pag-aaya ni Remie kay Loreen.

       Agad namang nilapag ni Loreen ang hawak niyang libro at tinitigan ang mga tinapay na ginawa ni Remie para sa kanilang dalawa.

       Kumuha si Loreen ng isang tinapay at agad na kinagat ito. Laking pasasalamat naman niya kay Remie dahil wala itong sili.

      "Taray naman, wala ng sili. Mabait ka na talaga ano?" Sabi ni Loreen kay Remie.

      "Oo naman, kaya ko lang naman 'yon ginawa kasi pinainom mo ako noon ng bagoong na sabi mo hot chocolate. Ikaw talaga ang kupal sa atin." Ang sabi naman ni Remie na may halong ngiti sa kaniyang labi.

        "Sino ba kasi yung sinulatan ng kung ano-ano yung buong math notebook ko kaya kailangan ko ulit gumawa ng bagong notebook para makapagpasa ng maayos?" Ang tanong ni Loreen ngunit alam naman ni Remie na siya ito.

      "Sorry na, nasiyahan lang naman ako kasi ang ganda ng sulat mo eh." Ang sagot naman ni Remie.

      At 'yon na nga, nagbatuhan ulit sila ng mga kalokohang ginawa nila sa isa't-isa ngunit kalmado lang sila dahil alam naman nilang hindi sila mag-aaway.

~•••••••~

       Habang naglalakad si Zelar at Grovioza papunta sa kanilang tutunguhin, mataray ang tingin at para bang may kaaway na susugurin ang mga ito.

        Tanging ang kanilang dala lamang ay ang kanilang katawan, katawan na hindi kinakailangan ng sobrang pagpapahinga upang lumakas.

       Nang malapit na sila, pinagmasdan ni Grovioza ang mataas na gusali mula sa baba hanggang sa ikataas-taasan nito. Ngumisi siya at muling pinagpatuloy ang kanilang paglalakad patungo sa mataas na gusali ng kahariang Promalon, ang kaharian ng kasamaan at kadiliman.

       Malayo ang kanilang nilakbay upang makarating dito, gano'n din naman ang Hari at Reyna na nandito noong sila ay nakipagdigmaan sa kabilang kaharian.

       ~•••••••~

       Nang makapasok sila agad silang inanyahan ng mga tauhan doon na maupo at antayin ang kanilang gustong makausap. Pinagmamasdan pa lamang ni Grovioza ang paligid nito, nararamdaman na niya ang lakas ng kampon nito.

     "Handa ka na bang... makikilala siya?" Inilagay ni Grovioza ang kaniyang tingin sa kaniyang kasama at tinanong ito ngunit ang tanging sagot lamang ni Zelar ay tango.

        Nakilala na ito ni Zelar ngunit hindi pa niya ito masyadong nakikilala sa personal.

       "Ano ang iyong kailangan?" Tanong ng isang lalaking malalim at malaki ang boses. Tumingin si Grovioza sa kaniya, ngumisi at nagtanong. Mga tanungan na kailangang itanong bago magsimula sa totoong usapan.

       "Kumusta...?"

Adventures in Efarial ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon