Chapter 48

73 61 41
                                    


Natigil na ang naririnig nilang pagsabog ng bomba, natigil na ang digmaan. Si Anisa ay hindi mapakali, gusto nang makalabas at pumunta sa palasyo ng Swatrimana sapagkat alam niyang mayroon nang hindi magandang pangyayari roon na nagaganap sa kasalukuyan.

"Let's go! Please! We have to go there!" Sabi naman ni Anisa na tila ba ay kanina pa namimilit.

"What are we going to do there?" Tanong naman ni Diane.

"Hindi pa tayo pwedeng lumabas, mapanganib pa sa labas." Ang sagot naman ni Ysella.

"Oo nga, mas mabuti kung dito muna tayo. Hindi pa tayo sigurado kung tapos na ang digmaan." Dagdag pa ni Elora.

Ngunit namimilit talaga si Anisa na pumunta sa palasyo.

"Please, listen to me. I have to do something in there." Pagmamakaawa ni Anisa, nagtinginan ang lahat ng kaniyang mga kasama.

"Ano ba ang iyong gagawin doon, hija? Delikado pa sa labas." Tanong ni Manang Felicia ngunit mapilit talaga ang dalaga.

"Please, for the last time I ask, please, let's go there and do something. I have a mission." Ang sagot naman ni Anisa, hindi na mapigilan ang kaniyang bibig na sabihin ang hindi dapat na malaman.

"Lagi ka namang gan'yan, akala mo may tulong ka pero ang totoo, wala!" Sigaw ni Heather na kanina pa nagtitimpi sa kakulitan ni Anisa.

"Tama na, huwag na kayo mag-away. Malalaki na kayo. Alam niyo na ang tama't mali." Ang sabi naman ni Manong Conor na sinusubukang itigil ang away na nagaganap sa pagitan ng dalawang dalaga.

Maya-maya ay hindi na napigilan ni Anisa ang pagtulo ng kaniyang luha na akala niya ay walang naniniwala sa kaniya at walang gustong tumulong sa kaniya.

"If you would just let me go out there with all of you, I swear, everything's going to be okay." Paliwanag ni Anisa sa kaniyang mga kasama.

"Talaga lang, ano kaya itong mga sulat na 'to galing daw kay Grovioza?" Tanong ni Heather habang hawak-hawak ang mga liham na ibinigay ni Grovioza kay Anisa na naglalaman ng lahat ng kaniyang dapat na gawin at ikilos.

Ngunit hindi na nagulat pa si Anisa, hindi na bago ang lahat sa kaniya. Sanay na siya na nahuhuli siya at pinapakialaman ang mga gamit niya.

"Read it to them if you want, read." Ang utos ni Anisa kay Heather ngunit hindi naman ito ginawa ni Heather.

"Sa tingin mo ba magagawa mo akong isa mong alipin? Hindi!" Ang sagot naman ni Heather na may halong palusot.

Bumuntong-hininga na lamang si Manong Conor sa inis dahil sa mga kasama niyang nag-aaway na lang lagi.

"Ano ba naman kayo! Tama na 'yan!" Sermon naman ni Ysella sa kanilang dalawa. Nakakunot pa ang noo nito.

"Walang magandang dulot ang inyong pinag-aawayan." Sunod na sermon naman ni Manang Felicia.

"Sige, pupunta tayo sa kaharian ng Swatrimana." Ang sabi ni Manong Conor.

     Mabilis na napunta ang atensiyon ni Anisa kay Manong Conor at natuwa.

"Kung kinakailangan, pupunta tayo ngunit ano nga ba ang gagawin natin doon, Anisa?" Tanong ni Manong Conor sa kaniya, tumingin si Anisa sa tabi niya, ang bolang kristal na pagmamay-ari ni Grovioza. Kinuha niya ito mula sa bahay ni Grovioza sapagkat ito ang habilin ni Zelar sa kaniya.

"I will tell you later if we are at the castle already." Ang tanging sagot lamang ni Anisa.

~••••••~

Adventures in Efarial ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon