Chapter 38

78 62 57
                                    


Hindi pa rin makapag-isip ang apat kung sasabihin ba nila ito sa pamilyang De Fleune dahil nanganganib ang kanilang buhay, magkakaroon ng digmaan ngunit hindi pa nila ito alam.

      Marami pang gustong sabihin si Anisa kaya naman hindi na muna nila ito sasabihin sa ngayon. Kailangan muna niyang masabi ang lahat ng kaniyang sikreto sa mga kaibigan niya.

        "Come on, Anisa! We have to tell them whatever this is." Ang sabi ni Diane, agad naman tumayo si Anisa at hindi sumang-ayon sa gusto ni Diane.

        "I am in danger!" Ang sagot naman ni Anisa, turo-turo ang kaniyang sarili habang nakatitig kay Diane.

        "Not just you! But also us! You started this shit now you end this!" Ang sumbat naman ni Diane at dito na nagkaroon ng away.

       "That's why I'm telling you all of my secrets for you to avoid this stupid things that is hapening!" Sigaw naman ni Anisa at dito na siya inawat ni Elora at si Ysella naman ay inaawat si Diane.

       "Ano ba naman kayong dalawa? Kayo ang matalik na magkaibigan dito tapos kayo pa ang mag-aaway?" Tanong ni Ysella habang pinapakalma ang dalawang nagkasagutan.

       "Look, I know... it's all my fault. Me, myself and I and I don't blame anyone. I am trying to fix this as soon as possible for you guys to be safe." Ang paliwanag ni Anisa, kalmado niya itong sinabi kay Diane.

       "Sana matagal mo na sinabi para hindi kami parang tangang nagtataka kung paano kami napunta sa mundong 'to." Dinig nilang lahat ang boses ng isang babae, nang tumingin sila kung saan nanggagaling ang boses, nakita nila si Heather.

      "Kung matagal mo na sana 'yan sinabi, hindi tayo naghihirap ngayon. Lalo na ako. Isa ka kasing traydor." Ang sumbat ni Heather kay Anisa.

       Hindi na makapagsalita si Anisa sa sobrang sakit ng kaniyang nadidinig mula sa kanila at sobrang hirap na ng kaniyang kinakaharap sa ngayon. Pinagtutulungan na siya.

       "I'm sorry, that's why I am here to-" Bago pa man masabi ni Anisa ang kaniyang sasabihin, sampal ang inabot niya kay Heather na hindi niya aakalain na magagawa niya.

       Napahawak na lamang si Anisa sa kaniyang pisngi at sa sobrang hiya ay hindi na niya kaya pang makatingin sa mga kasama niya.

      Matalas ang mga tingin ni Heather kay Anisa ngunit hinawakan na ni Elora ang mga braso nito upang hindi na makasakit pang muli.

        "Matagal na akong naghihinala sa'yo pero hindi ko lang pinapansin dahil alam ko naman na hindi ka gano'ng tao pero ngayon, iba ka na, ibang-iba ka na, Anisa." Ang sabi ni Heather kay Anisa. Halata sa mukha nito ang panggigigil kay Anisa.

       Hindi pa gaano kaayos ang pakiramdam nito ngunit sinubukan niyang makausap si Anisa pagkatapos niyang marinig ang lahat ng mga sinabi ni Anisa kanina.

       Tumulo ang luha ni Heather at tumingin kay Anisa ngunit si Anisa ay hindi na makatingin pa.

       "Hindi ka naging tapat sa amin, hindi ka naging mabuti sa amin... ngayon ka lang nagsabi sa amin na malapit na mangyari kung ano man ang mangyayari!" Sigaw ni Heather, humihikbi habang nagsasalita, ang mga kamay ay pinipigilan na masaktan muli si Anisa.

      "Tama na, Heather. Magpahinga ka muna at huwag mong pilitin ang sarili mo." Sermon naman ni Ysella kay Heather.

        "Loreen, she has the necklace. She took the necklace. She is the thief..." Ang sabi ni Anisa, mahina man ngunit dinig nilang lahat.

        "Loreen is the writer who made us. She did took the necklace. She has it, I'm telling you the truth." Sunod pang sabi ni Anisa.

      "Sino pa bang maniniwala sa kasinungalinan mong babae ka?!" Sigaw pa ni Heather.

      "Tama na, Heather." Bulong ni Ysella habang hinahaplos-haplos ang likuran nito.

        "Then where is she? We have to report it to the De Fleune family. The necklace belongs to them." Ang sagot naman ni Diane.

        "Loreen is in the real world with the necklace." Ang sabi pa ni Anisa.

       "Paano natin siya mapapapunta tito upang mabilis na maibalik na ang kuwintas?" Tanong naman ni Elora.

       Tumingin si Anisa kaniyang mga kasama at nag-isip ng maaari nilang gawin upang makuha ang atensyon ng kanilang manunulat na lumikha sa kanila.

~••••••~

"Remie at Loreen! Magmeryenda muna kayo!" Sigaw ng Mama ni Loreen ngunit hindi nila maiwan ang laptop na naglalaman ng kanilang babasahin.

Masyado na kasi itong misteryoso para sa dalawang dalaga. Hindi na normal ang mga nangyayari sa kanila. Hindi ito normal para sa mundong ginagalawan nila.

"Mamaya na lang kaya natin ituloy? Kinakabahan ako e." Ang sabi ni Remie kay Loreen, niyaya niya itong bumaba na at kumain pero hindi mapakali si Loreen sa binabasa niya.

"Kanina ko pa nakikita ang pangalan ko rito at sa totoo lang hindi ako makapagfocus, lahat ng sinabi at ginawa natin noong mga nakaraang araw ay nandito, walang halong biro, nandito lahat, Remie." Paliwanag ni Loreen kay Remie, kanina pa ito nakayakap sa braso ni Remie, takot na takot at kinikilabutan.

"Ngayon na natin masasabi na hindi ito nonsense. Hindi na 'to normal, Loreen." Saad ni Remie kay Loreen habang si Loreen naman ay nanginginig na sa takot at hindi na kaya pang magbasa.

"Tara na, kumain na muna tayo. Baka kailangan mo lang ng kain. Huwag mo masyadong isipin 'yan." Ang sabi naman ni Remie na nag-aalala na rin sa kaibigan niya.

Bago pa man sila makatayo mula sa kinauupuan nila, agad na umilaw ang bato. Parehas naman silang napatingin dito.

"Ano na naman 'yan?" Tanong ni Loreen na para bang naduduwal na at nahihilo kapag nakikita ang bato lalo na kapag ito ay umiilaw.

"Kalma ka lang, bato lang 'yan. Writer ka. Papatalo ka ba sa salot na batong 'yan?" Tanong ni Remie kay Loreen upang mas palakasin ang loob ni Loreen.

"Tama ka, bato lang 'yan." Nakumbinsi naman ni Loreen sa sarili niya at sinusubukang kumalma.

Muli namang naisipan ni Remie magbasa ng kahit kaunting dayalogo lamang mula sa kabanatang kanilang binabasa kanina. Si Loreen naman ay hindi na kaya pang tumingin, sinusubukan pa rin kumalma ang katawang lupa.

Sa unang basa ni Remie, normal lamang ang mga dayalogo roon ngunit nang makapunta siya sa gitna, kakaiba na ang kaniyang nakita't nabasa.

     Naroroon ang kanilang mga pangalan at naroroon din ang tungkol sa bato at kuwintas, ang kuwintas.

Nanlaki ang mga mata ni Remie at hindi niyang napansin na nagbabasa rin pala si Loreen, nang tignan niya ang kaibigan niya, hindi na nito mapigilan ang pagkahilo niya kaya naman pumunta si Loreen sa kaniyang kama at humiga.

Naroroon sa kabanatang iyon ang tungkol sa bato at kuwintas.

Bato na isa pa lang kuwintas.

Adventures in Efarial ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon