Chapter 42

78 63 63
                                    


Habang sina Loreen at Remie ay naglalakad, nakatuon ang pansin ng mga taong nakakasalamuha nila sa kanilang dalawa. Kakaiba ang kanilang kasuotan at hindi pa sila nakikita ng mga taong matagal nang nakatira rito.

Hawak-hawak ni Loreen ang kuwintas ngunit nang mapansin ito ni Remie tinapik siya nito. Napatingin naman si Loreen kay Remie at nanlaki ang mga mata ni Loreen sa kaniya.

"Itago mo! Itago mo yung kuwintas!" Bulong ni Remie kay Loreen at galit na galit.

Agad naman itong tinago ni Loreen sa kaniyang bulsa upang walang makakita sa hawak niyang ito.

Nakarating na sila sa mataong lugar ngunit hinahanap pa rin ang kahariang Swatrimana, hindi naman sila makapagtanong sapagkat sila ay nahihiya sa mga taong nakapaligid sa kanila.

      Maya-maya ay may humatak sa kanilang dalawa. Isang babae, nagulat naman sila ngunit pinagtuunan nila ito ng pansin sapagkat may sasabihin itong importante sa kanila.

        "Nakita ko kanina ang hawak niyong kuwintas." Bulong ng babae.

Ang babaeng ito ay ang nag-iisang amo nina Anisa at Zelar, si Grovioza.

       Agad namang nanlaki ang mga mata ni Loreen at muling nilabas ang kuwintas upang ipakita ito muli kay Grovioza.

       "Maniwala po kayo, wala kaming masamang gusto sa kuwintas na 'yan." Ang sabi naman ni Remie habang turo-turo ang kuwintas na hawak ni Loreen.

       "Ibabalik naman po namin ito sa may ari. Wala po talaga kaming masamang balak sa kuwintas na ito." Ang dagdag pa ni Loreen, nagmamakaawa pa. Natawa lamang si Grovioza sa dalawang dalaga na ipinagtaka naman ng dalawa.

       "Alam ko naman iyon na wala kayong masamang balak sa kuwintas, ang sa akin lang ay alam niyo ba kung saan dapat ibalik ang kuwintas na 'yan?" Ang tanong ni Grovioza, nagtinginan ang dalawang babae at hindi alam ang isasagot.

       "H-hindi po namin alam kung kanino pero ang alam po namin ay sa kahariang Swatrimana." Saad ni Loreen.

       "Sa pamilyang... De Fleune." Ang sabi naman ni Remie.

      Agad namang tumango si Grovioza at hinawakang maigi ang kamay ng mga kasama niyang bata.

       "Ngunit hindi po namin alam kung saan ang lokasyon ng kahariang iyon." Ang sabi pa ni Loreen kay Grovioza.

       "Mga hija, naririto na kayo sa kaharian ng Swatrimana, ang sinasabi niyo ba ay ang palasyo sa Swatrimana, kung saan naroroon nakatira ang pamilyang De Fleune?" Tanong naman ni Grovioza.

       "Opo, tama ka po." Ang sagot naman ni Remie, muling binitawan ni Grovioza ang mahigpit niyang hawak sa kamay ng dalawa at tumingin sa mga ito.

       "Ako nga pala si Grovioza, dito ako naninirahan at alam ko ang mga pasikot-sikot dito sa kahariang ito kaya naman kung nais niyo ibalik ang kuwintas maaari ko naman kayong tulungan makapunta sa palasyo ng pamilyang De Fleune," Ang paliwanag ni Grovioza sa dalawa. "Ngunit kung ayaw niyo naman ay hahayaan ko na lamang kayo." Dagdag pa ni Grovioza.

       "Hindi po, gusto po namin na tulungan niyo kaming makarating sa palasyong 'yon para maibalik na po agad namin ito." Ang sabi naman ni Loreen, pinipilit si Grovioza upang matapos na ang kanilang problema.

Tumingin si Grovioza sa mga mata ng dalawang babae sabay ngumiti sa mga ito at tumango. Masayang tutulong sa dalawa.

        "Kung gano'n ay magsimula na tayong maglakad." Ang sabi ni Grovioza.

Adventures in Efarial ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon