Chapter 9

130 104 61
                                    


"I'm glad you made me."

"Thank you for giving me a wonderful life."

"Thank you for giving me the best character I could ever imagine."

"Thank you... thank you for everything."

"But no thank you for killing me! For not giving me the life I wanted! The life that I deserve!"

"You deserve to die as well! You're a traitor!"

"You only made me to start a beautiful story but ended up killing me before finishing the story!"

"You're a traitor!"

"You're an idiot!"

"You don't deserve what you have right now! Die! Die!"

"Remie!" Dinig ang sigaw ni Loreen nang managinip siya ng masama.

      Napatalon na lamang si Remie sa kaniyang kama nang marinig ang boses ni Loreen na sumisigaw, humihingi ng tulong at humahagulgol. Tumingin siya sa kaniyang gilid at tumingin kay Loreen, nagtataka kung bakit pawis na pawis na naman ito.

      "Tawagin mo si Mama." Ang agad sabi ni Loreen kay Remie.

     ~•••••~

      "Ano na naman ba ang nangyari?" Tanong ng Mama ni Loreen sa kaniya habang si Loreen naman ay umiinom ng baso ng tubig.

      "Hindi ko po alam. Simula nung nasira yung laptop, lagi na lang akong nananaginip ng masama." Ang paliwanag ni Loreen habang nakatitig sa Mama niya na nakapamewang.

      "Laptop ka dyan... baka yung b-" Bago pa masabi ni Remie ang kaniyang sasabihin, nilakihan ito ni Loreen ng mata at tinangkaan pang sasapukin kapag nagsalita ulit.

      Pero 'di talaga siya nanununtok.

      "Baka naman nasobrahan ka na naman sa pagkain ng hapunan kanina kaya ganyan ang nangyayari sa'yo." Ang sabi ng Mama ni Loreen sa kaniya at habang sinesermonan siya hindi niya mapigilang tumingin sa kulay lila na bato.

      "Sige na matulog ka na ulit. Ano'ng oras na. Ikaw din Remie." Ang sabi ng Mama ni Loreen sa kanila at nang sinari nito ang pinto agad namang nilapitan ni Remie si Loreen sa kaniyang kama at umupo sa tabi niya.

      "Alam mo... may masama akong nararamdaman galing sa batong 'yan." Bulong ni Remie kay Loreen. Tinitigan nilang dalawa ng matagal ang lilang bato.

     "Gano'n rin naman ang nararamdaman ko kaso lagi kong nakakalimutan na itapon 'yan sa basurahan." Ang sabi naman ni Loreen at muli silang sabay na tumingin sa bato, pinagmamasdan at inaaral kung ano nga ba ang batong iyon.

      "Basta, bukas, itatapon natin 'yan. Wala naman 'yang silbi. Hindi na rin umiilaw." Ang tugon ni Remie, sabay tayo at lumapit sa kung saan nakalagay ang bato. Hinawakan at hinulog.

      "Hoy! Bakit mo hinulog?!" Gulat na tanong ni Loreen kay Remie, muling pinulot ni Remie ang bato mula sa sahig, hinawakan ito ng maigi at pinakita kay Loreen.

      "Bakit mo pa ito itatago kung isa lang naman itong bato? Batong walang kuwenta at hindi malaman kung ano. Ano ang ginagawa sa walang kuwentang bagay? Itapon at huwag na muli pang pulutin." Ang paliwanag ni Remie kay Loreen.

Adventures in Efarial ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon