Chapter 33

95 62 46
                                    


"Mga hija." Nang madinig ng limang babae si Manang Felicia agad silang tumingin dito at nakitang may dala itong mga bagahe.

"Manang Felicia? Saan ka po pupunta?" Tanong naman ni Elora na nagtataka kung bakit may dala silang bagahe.

"Ay, pupunta kami roon sa bahay ng pangatlong anak namin. Doon muna kami maninirahan ngunit panandalian lamang." Ang sagot naman ni Manang Felicia.

"Mag-ingatan kayo rito mga anak at huwag niyong pababayaan si Heather. Masama pa rin ang kaniyang pakiramdam." Ang sabi naman ni Manong Conor, binitbit ang mga bagahe nila at dinala na ito sa kanilang sasakyan, makalumang sasakyan.

"Huwag kayong mag-away-away at si Heather, alagaan niyo siya. Payakap nga sa mga tinuring ko ng anak." Ang sabi naman ni Manang Felicia, agad silang yumakap sa kaniya isa-isa at nang pumasok muli si Manong Conor niyaya siya ni Manang Felicia.

"Yakapin mo naman ang mga bata at matagal natin silang hindi makikita." Ang sabi ni Manang Felicia, pinipilit ang kaniyang asawa. Kahit na ayaw ito gawin ni Manong Conor, ginawa na lamang niya.

Hindi siya mahilig yumakap sa mga kung sino-sino lamang ngunit para sa mga batang iyon, ginawa na niya dahil tinuring naman na rin niya itong kaniyang totoong mga anak niya.

Pagkatapos ng kanilang pagyayakapan, agad na silang sumakay sa kanilang sasakyan at umalis. Hindi na ito bago sa mga babaeng naiwan, malalaki naman na sila at ang iba ay mga Nanay na sa kanilang mga sariling mundo kaya naman kaya na nilang mabuhay nang sila-sila lamang.

Pinagmamasdan ni Anisa ang bawat kilos ni Diane, nagbabaka sakaling siya ay pansinin nito ngunit hindi man lang siya tiningnan ni Diane at patuloy lamang ito sa pagkilos.

Napabuntong-hininga na lamang si Anisa at tinuloy ang kaniyang pagtatahi sa nasira niyang bestida.

~••••••~

Ang dalawang babae naman na sina Elora at Ysella ay pumasok sa loob ng kuwarto nila at pinagmasdan ang kaibigan nilang may sakit. Hindi pa rin nila alam kung ano ang dahilan kung bakit siya nagkaroon ng sakit ngunit para kay Ysella, nasobrahan lamang ito sa pagkilos kaya napagod at nagkasakit.

"Kawawa naman si Heather. Alam ko isa siyang Nurse ngunit alam naman natin na nagkakasakit din ang mga tulad naming nag-aalaga rin ng may sakit." Ang sabi ni Elora.

"Totoo. Hindi ko na alam kung ano pa ang gagawin ko kung hindi pa gagaling si Heather. Ang hirap kapag ganito ang sitwasyon. Wala naman tayo sa kung saan tayo nararapat." Ang sagot naman ni Ysella habang hinahaplos-haplos ang kanang kamay ni Heather.

"Alam ko naman 'yon e, na wala tayo sa mundo natin. Alam ko naman na hindi ito pangkaraniwan pero ang hiling ko lang sa ngayon, sana makabalik na tayo sa sari-sariling nating pamumuhay." Ang sabi naman ni Elora.

      "Hindi ko na alam kung ano ang nangyayari sa pamilya ko lalo na sa anak ko. Maliit pa ang anak ko para hindi ako makasama." Paliwanag ni Elora kay Ysella. Maya-maya bumukas ang pinto at nakita nila si Anisa na pumasok.

"Anisa? Kumusta na? Ang tahimik mo na naman." Tanong ni Ysella sa kanilang kaibigan. Nilagay muna ni Anisa ang bestida niyang katatahi lamang sa loob ng aparador at umupo sa tabi ni Elora.

"I'm fine. I'm just really sad for Heather." Ang sagot naman ni Anisa habang pinagmamasdan ang kaniyang kaibigan.

Unti-unti nang nanlalambot ang kaniyang puso, sa nakikita niya sa sitwasyon niya at ng mga kaibigan niya, nanlalambot ang kaniyang puso sapagkat awang-awa na siya sa mga nangyayari sa kanila.

"Anisa... kung may problema ka man, huwag kang mag-aalangan na sabihin iyon sa amin. Nandito naman kami para tulungan ka." Ang sabi ni Ysella kay Anisa ngunit si Anisa ay hindi na kaya pang titigan ang mukha ng kausap niya.

"Hindi ka naman namin pababayaan, lahat naman tayo may pinagdadaanan. Kaya natin 'to harapin." Pagbibigay lakas loob ni Elora.

      "Alam naman natin na wala tayo dito sa sari-sarili nating mundo kaya dapat nagtutulungan tayo." Ang sabi pa ni Elora, niyakap niya si Anisa at pinatong ang kaniyang ulo sa kaliwang balikat nito.

"If only I could help... I'm just really running out of ideas. Like, how to go back to your own lives without me not going back to where I used to be." Ang sabi ni Anisa ngunit nagtaka naman ang dalawa.

"Bakit naman ayaw mong bumalik kung saan ka galing? Hindi ba't iyon ang dapat na mangyari sapagkat doon naman talaga tayo nabibilang?" Sunod-sunod na tanong ni Ysella.

Ngunit nang itaas ni Anisa ang kanina pa niyang nakayukong ulo, luha ang sumalubong sa dalawa niyang kaibigan ngunit may ngiti ito sa kaniyang labi.

"I... don't w-want to go back t-there anymore. I am happy in what's happening in my present life." Ang sabi naman ni Anisa.

"Sure ka ba na ito talaga ang present life mo? I mean, mayroon tayong sari-sariling buhay at malamang sa malamang hindi ito ang present life natin." Ang sabi naman ni Elora at dito pa mas lalong napaiyak si Anisa.

"I'm so sorry. Sorry for what is happening to all of you. I'm so sorry. It's all my fault." Ang kaniyang iyak ay naging hagulgol na. Hindi na napigilan pa ang kaniyang nararamdaman para sa kaniyang mga kaibigan at lalo na sa para sa sarili niya.

"Hindi, hindi Anisa. Wala kang kasalanan. Hindi ka nagkaroon ng kasalanan. Tahan na." Mahinhin namang sagot ni Ysella rito at niyakap ito ng mahigpit.

Habang umiiyak ay naiisip pa rin ni Anisa na kasalanan niya ito, lahat ng mga nangyayari ay siya ang may kasalanan. Wala ng iba kung hindi siya lamang.

If only I could sacrifice myself for the rest of you to go back to where you belong, I will do it but I cannot do it anymore. It's done, it's all done. Everything is settled. I'm sorry...

~••••••~

"Ina, kumalma ka lang." Ang sabi ni Prinsesa Serenity sa kaniyang Ina na kanina pa galit na galit.

"Paano ako kakalma?! Ang Ama mo, hindi marunong makinig! Wala ba siyang tiwala sa akin? Sa atin? Kahit kailan talaga, mas gusto pa niya mapag-isa." Sigaw ni Reyna Caelia at maya-maya napaupo na lamang ito sa sahig.

Nahihilo at hindi makahinga. Nagulat na lamang ang kaniyang anak at kita sa reaksiyon nito ang pagkataranta niya.

"Ama! Tulong! Tulungan niyo kami!" Sigaw ni Prinsesa Serenity habang humahahulgol.

Nawalan na nang malay ang kaniyang Ina bago pa man ito buhatin ng kanilang mga guwardiya. Ang iba nilang katulong ay agad na tumulong sapagkat ito ay hindi iisang simpleng problema. Buhay ang nakataya rito.

"Ama... bakit, bakit... a-ano ang nangyari sa kaniya?" Tanong ni Prinsesa Serenity habang umiiyak.

"Tahan na anak, magiging maayos din ang kaniyang pakiramdam. Kumalma lang tayo." Niyakap ni Haring Vesonto ang kaniyang anak upang pakalmahin ito.

Alam naman niya na siya ang dahilan kung bakit iyon nangyari sa kaniyang asawa. Punong-puno na siya ng pagsisisi at punong-puno na rin siya ng kasalanan, sa kaniyang pamilya.

Adventures in Efarial ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon