Chapter 5

169 142 125
                                    


      "Akala mo wala ka rito sa diary ko? Nalagay na kita." Ang dinig ni Loreen na sabi ng kaniyang matalik na kaibigan na si Remie.

      "Ang ingay mo naman, puro ka talak. Kainin mo bulak dyan nang matahimik ka." Naiinis na sabi ni Loreen dito. Kanina pa kasi siya nagsusulat sa diary niya, malapit na siyang makatapos sa unang entry niya pero dahil magulo at makulit si Remie, natatagalan tuloy siya.

      "Tapos na ako, natalo ko pa ang isang dakilang writer sa pagsusulat." Manghang-manghang sagot ni Remie kay Loreen.

      "Huwag ako, ilang sentences lang naman sinulat mo." Ang sumbat naman ni Loreen habang tuloy pa rin sa pagsusulat ng kaniyang entry.

      "Basta ako... tapos na..." Pahabol pa ni Remie.

      "Mananahimik o patatahimikin?" Inis na inis na tanong ni Loreen at napansin naman ito ni Remie kaya hindi na lang siya nagsalita at muling bumalik sa paghahawak ng kaniyang cellphone.

    ~••••••~

      "Ama, ilang beses ko na siyang sinubukang kausapin at paaminin pero hindi talaga siya nagsasalita ng matino." Natatarantang pagpapaalam ni Serenity sa kaniyang Ama.

      "You wouldn't know something spectacular will happen." Sabi ng babaeng nakakulong mula sa preso at sabay tawa ng nakakakilabot.

      "Nawawalan na ata 'yan ng bait eh." Ang sabi ng isa sa alipin ng pamilyang De Fleune.

      "Ano ang ginagawa mo rito? Balik sa trabaho!" Sigaw ng Hari sa alipin nila.

      "Pasensya na po, mahal na Hari." Paghingi ng tawad nito at muling bumalik sa kaniyang pagta-trabaho.

       "If you won't speak, you will never leave this place for the rest of your life." Bulong ng Prinsesa sa babaeng nakabilanggo.

      "Might as well join me." Ngumisi ito at bakas sa kaniyang mukha ang masamang pagbibiro.

     "You will die here and you will never live peacefully again." Ang sumbat naman ni Prinsesa Serenity, sinusubukang kumalma.

      "Oh please, stop saying the word 'die', I already felt that before, stop messing around." Mayabang na sumbat ng babae, hindi na maintindihan ng Prinsesa ang pagkakaroon niya ng ganitong ugali at hindi niya rin alam kung bakit gano'n ang kaniyang mga pinagsasasabi.

      Muli siyang bumalik sa kuwarto niya at sa paglalakad niya papunta sa kaniyang kuwarto nakita niya ang mga tauhan ng kaharian na kausap ang kaniyang Ama.

      "Ama?"

      "Magkakaroon ng isang digmaan, ang Hari ng kahariang Promalon ay gusto ng digmaan upang makuha ang makapangyarihang espada ng kaharian natin, ang kahariang Swatrimana." Paliwanag ng kaniyang Ama sa kaniya.

      Napaupo na lamang ang Prinsesa sa kanilang sopa at napaisip. Gulong-gulo ang utak at hindi malaman kung paano ba lahat malulutas ang mahihirap na problemang kanilang nasasagupa sa mga panahon na ito.

      "Hindi pwede, hindi pwede! Iyon na lamang ang tangi nating kapangyarihan sa ating kaharian. Ang kuwintas wala na rin. Hindi ko na alam kung paano natin ito malulutas." Ang sabi mg Reyna sa kanila.

      "Lalaban tayo, lalaban... hindi natin alam kung kailan ito magsisimula ngunit kailangan nating maghanda." Ang sabi ng Hari sa lahat pati na rin sa kaniyang mga tauhan at alipin.

      "Kakayanin natin 'to. Hindi pwedeng manalo ang kasamaan sa kabutihan. Ang kadiliman sa kaliwanagan at ang kamalian sa tama." Ang huling sabi ng Hari habang pinagmamasdan ang kaharian at ang mga lugar na nasasakupan nito.

Adventures in Efarial ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon