Chapter 46

71 62 37
                                    


      "Gusto ko na lumabas dito at kumain ng masasarap na pagkain. Tingnan mo naman yung pagkain natin na binigay nila, parang pagkain ng aso." Arte ni Remie kay Loreen.

      "Gusto ko na kumain ng inihaw na bangus." Ang sabi naman ni Loreen na pawis na pawis na ro'n sa loob ng kulungan.

       "Para kang basang sisiw, sobra naman 'yang pagpapawis mo." Saad ni Remie.

       Si Loreen naman ay hindi na makagalaw sa sobrang lagkit niya dahil sa pawis, sobrang init din doon sa kulungan nila kaya naman sobra ang pawis nila.

       "Ang init kasi tsaka hindi ako sanay sa sobrang init, sensitive ang balat ko." Sagot naman ni Loreen kay Remie habang ito ay pakamot-kamot sa mga braso niya.

       "Taray naman ng best friend ko, RK." Biro ni Remie habang tumatawa ngunit si Loreen ay napabuntomg-hininga na lamang.

      Sobrang init na ng nararamdaman ni Loreen kaya naman hindi na niya kaya pang ngumiti o tumawa sa mga sinasabing biro ni Remie sa kaniya, gusto man niya pero wala siya sa magandang kalagayan para ngumiti.

       "Loreen, alam ko naman na nalulungkot ka dahil sa nangyayari sa atin. Sorry kung nagalit ako sa'yo ng sobrang kahapon. 'Wag ka na malungkot." Ang sabi naman ni Remie, tumingin lang si Loreen kay Remie at pumikit.

      "Alam ko naman na kasalanan ko ang lahat. Alam ko naman na ako ang may mali. Sorry kung naisama pa kita sa mga katangahan ko. Hindi ko naman alam na gano'n pala ang mangyayari." Paliwanag pa ni Loreen, wala naman nang nagawa si Remie kung hindi ang yakapin ang kaniyang kaibigan ng mahigpit upang kahit papaano ay mawala ang lungkot na nararamdaman ni Loreen.

      "Kaya natin 'to. Hindi tayo susuko." Ang bulong pa ni Remie kay Loreen.

~••••••~

      Agad na pinuntahan ni Zelar ang dalawang babae sa piitan, madilim na roon sa ngayon at tahimik na ang dalawang babaeng nakakulong dahil wala na siyang naririnig na nagsasalita at nag-uusap.

      Nang makita niya ang dalawang babae, sila ay magkayakap. Agad naman siyang lumuhod upang buksan ang kulungan. Nagulat na lamang ang dalawa nang makita nila si Zelar.

      "Sino ka?" Tanong ni Remie, nagtataka kung ano ba ang ginagawa ni Zelar doon.

       "Ako si Zelar, 'wag kayo mag-alala. Ilalabas ko kayo rito." Ang sabi naman ni Zelar habang sinusubukang buksan ang kulungan gamit ang iba't-ibang susi na nakita niya sa loob ng palasyo.

       "Baka naman ang pagtulong mo para makalabas kami rito sa kulungan ay may kapalit? Sabihin mo na habang maaga pa, pwede naman kaming tumanggi." Ang sabi naman ni Loreen habang pinagmamasdan si Zelar na binubuksan ang kulungan para sa kanila.

       "Hindi ko gusto ng kapalit, tinutulungan ko lamang kayo. Kung ayaw niyo, pwede naman na hindi ko na ito buksan at iwan na lamang kayo dyan." Ang sagot naman ni Zelar na medyo nainis sa sinabi ni Loreen ngunit ngumiti si Remie sa kaniya.

      "Hindi! Joke lang! Buksan mo na! Parang awa mo na. Salamat na rin pala." Ang sabi ni Remie kaya naman tinuloy ni Zelar ang pagbubukas ng kulungan nila. Tumingin si Remie kay Loreen at tinapik ang braso nito na may halong masamang tingin.

      Nang mabuksan ni Zelar ang kulungan. Agad niya silang pinalabas doon at muling binitbit ang espada, nakita naman ito ni Loreen at nagtaka siya.

      "Nakita ko 'yan sa librong binasa ko, bakit mo hawak 'yan? Sa pamilyang De Fleune 'yan." Pagtataka naman ni Loreen kay Zelar, nanlaki ang mga mata ni Zelar ay handa nang magsalita ngunit inunahan siya ni Remie.

       "Hindi! Wala siyang sinasabi! Pasensya ka na, Zelar." Inunahan na ni Remie magsalita si Zelar sa kadahilanang gustong-gusto na nitong makatakas at agad naman niyang pinitik si Loreen ng patago sa tainga nito.

      "Ang ingay mo naman." Bulong ni Remie kay Loreen habang si Loreen naman ay nakahawak sa tainga niya kung saan siya pinitik ni Remie.

      "Ano ba!" Inis na bulong pabalik ni Loreen dito ngunit pasalamat na lamang sila dahil hindi sila narinig ni Zelar na nagbubulungan dahil naglalakad ito sa harapan nila.

~••••••~

      "Ano na kaya ang nangyayari sa asawa ako roon?" Tanong ni Reyna Kanisha sa sarili niya habang umiiyak, sobrang nag-aalala ito sa kalagayan ng kaniyang asawa.

       Hindi niya mapigilang isipin si Haring Batromonio, gustong-gusto na niya itong makita sapagkat nalulumbay na siya.

      "Ano ang gagawin ko? Gusto ko na makita ang asawa ko...?" Tanong ni Reyna Kanisha sa sarili niya habang nag-iisip na nauwi sa pagkataranta.

      Hindi na niya mapigilan pa ang mga paa niya, agad na siyang tumayo at nagpunta sa kaniyang kuwarto upang kunin ang kaniyang kapa at puntahan si Haring Batromonio.

      "Kailangan ko siyang makita, kailangan ko siyang tulungan." Ang sabi ni Reyna Kanisha sa kaniyang sarili habang tumatakbo ito ng mabilis.

      Nang buksan niya ang tarangkahan ng kanilang palasyo, agad na siyang tumakbo papalayo sa palasyo, malakas ang buhos ng ulan sa ngayon at napakalamig ng hangin. Wala siyang makita kung hindi ang bawat pagpatak ng tubig-ulan.

      Malayo pa ang kaniyang lalakbayin kaya mas binilisan niya pa ang kaniyang pagtakbo, hindi na niya kaya pa ang lamig na nararamdaman niya sa kaniyang katawan ngunit gustong-gusto na niyang makita ang kaniyang asawa.

      Ngunit napapagod din siya, nahihilo na rin at nalalamigan dahil panahon. Hindi na niya alam ang kaniyang gagawin. Nagkamali siya ng inisip at desisyon. Nagkamali siya sa mga sinabi niya. Kaya naman napasigaw na lamang siya, sigaw na kahit sino ay walang makakarinig kung hindi siya lamang.

      "Batromonio!" Sigaw niya habang umiiyak. Nagsisisi sa lahat ng kamalian niya. Napaupo na lamang sa damuhan at humihikbi, nawawalan na ng pag-asa at nalulumbay.

~••••••~

      "Dito ka lang, Serenity. Huwag ka na lalabas. Kailangan kong tulungan ang iyong Ama." Ang sabi ni Reyna Caelia sa anak niya ngunit pinigilan siya nito.

      "Delikado roon, Ina! Hindi ko gugustuhin na sumabak ka sa digmaan. Ang bilin pa ni Ama sa atin ay huwag tayong lalabas kahit ano ang mangyari. Lalaban siya, lalaban sila... ngunit sila lamang. Tayo ay rito lamang sa loob." Pagpapaliwanag ni Prinsesa Serenity na may halong pagkakataranta.

       "Dito ka lang, saglit lamang ako. Babalik ako, pangako." Mahinahong tugon ni Reyna Caelia sa anak niya at agad itong iniwan sa kuwarto nito.

       Sa kabilang dako naman ay nagtagumpay si Reyna Kanisha, nakapunta na siya sa kaharian ng Swatrimana, nakita niya ang kaniyang asawa ngunit hindi siya nagpakita rito.

      Mas kinakailangan niya sa ngayon ay ang mainit na tahanan ngunit wala na siyang magawa kung hindi ang pumasok sa loob ng palasyo ng Swatrimana, ngunit doon siya sa bintanang nakabukas pumasok.

      Nang makapasok siya, agad siyang tumingin sa loob niya at nadinig ang boses ng isang babaeng gulat na gulat at nagtatanong.

       "Sino ka?!" Sigaw nito at nang madinig ni Reyna Kanisha ang boses nito, naalala niya ang lahat ng mga alaala niya noong dalaga pa lamang siya.

     Humarap siya sa kung saan naroroon ang babaeng nakatayo at agad naman niyang tinanggal ang nakatalukbong sa kaniyang ulunan, nang makita niya ang babaeng ito na si Reyna Caelia, nginitian niya ito.

      "Sino ka?! Sumagot ka!" Sigaw ni Reyna Caelia. Hindi siya nakilala dahil nag-iba ang itsura nito ng kaunti.

      "Ako 'to, ang kaibigan mong iniwan sa kawalan at trinaydor mo." Ang tanging sagot ni Reyna Kanisha ngunit nawala na ang ngiti sa kaniyang labi nang sabihin niya iyon.

Nang masabi niya iyon, sa kaniyang matalik na kaibigan na naging sanhi ng kaniyang kalungkutan at galit.

Adventures in Efarial ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon