Chapter 39

81 62 95
                                    


      Nang tumahimik ang limang magkakasamang babae, tumahimik din ang kanilang paligid at naging kalmado ang bawat isa. Tanging ang hangin lamang na pumapasok mula sa bintana ang kanilang nararamdaman sa kanilang mga balat at nadidinig ng kanilang mga tainga.

       Hindi pa rin makapaniwala si Anisa na nagawa iyon ni Heather sa kaniya ngunit naiintindihan naman niya kung bakit gano'n na lamang ang nagawa ni Heather sa kaniya. May mali rin siya at tinatanggap niya iyon.

Lumipas ang ilang mga minuto ngunit wala pa ring naiisip na gawin si Anisa. Siya lamang ang inaasahan ng iba pa niyang kaibigan sapagkat tanging siya lamang ang nakakaalam lahat ng pangyayaring nangyayari sa kanila sa ngayon.

"Kung sino ang may kagagawan, siya ang dapat mag-isip." Dinig ni Anisa na sinabi ni Heather, iba na ang tingin nito kay Anisa at para bang gusto na naman nito manakit.

Ngunit wala pa ring maisip si Anisa na gawin. Ang isa naman na si Diane ay tahimik lamang na pinagmamasdan ang mga bagay-bagay sa labas ng kanilang bintana. Nawawalan na rin ng pag-asa na muli pang magiging maayos ang kaniyang pamumuhay.

"The writer who made us is Loreen..." Sinimulan ni Anisa ang pagsasabi ukol sa manunulat nila. Ang ulo ay nakatungo at hindi mapakali ang dalawang kamay sa kakagalaw.

"She made us, we are only fictional. We are her characters in different stories with different genres." Ang sunod pang tugon ni Anisa ngunit nakatingin lamang ito sa sahig, hindi kayang tingnan ang mga kasama niya.

     Iniisip pa niya ang kaniyang mga susunod na sabihin upang mas malaman pa ng iba ang kaniyang nais na ipaalam sa kanila. Ukol sa kanilang mga istorya o kuwento na ginawa ng kanilang manunulat at ang mga katapusan ng mga ito sa loob ng istoryang iyon.

"Diane, the title of your story is My Innocent Girlfriend wherein you had a good ending. Readers loved you so much. I felt a little jealous." Napangiti si Anisa sa kaniyang nasabi sa huli, hindi dahil masaya siya kung hindi dahil nadidismaya siya sa kanilang manunulat.

      "Ysella, though you only had a very short story, shorter than my story, readers loved you as well. You also got a happy ending. I wonder what happened the Ethan's mother. I hope dhe accepted you as Ethan's wife." Ang paliwanag naman ni Anisa at sa mukha ni Ysella, nalungkot din ito para sa nararamdaman ng kaniyang kaibigan na si Anisa.

     "Going to Heather, she is the most popular leading lady known by our writer's readers. Her story made everyone smile, laugh, cry and many more feelings to mention." Ang paliwanag ni Anisa, natutuwa habang kinukuwento sa kanila ang mga magagandang katapusan ng kanilang mga istorya.

"Her story caught the attention of many readers. I'm glad because though you didn't got that guy named Jax, you still had a great happy ending, the best ending I've seen so far." Ang sabi pa ni Anisa, naiiyak na sa sobrang tuwa ngunit may nararamdaman pa rin itong lungkot at inggit.

"And for you Elora..." Bago pa man simulan ni Anisa ang sasabihin niya kay Elora, ngiti na ang bumalot sa labi ni Anisa.

      Dito na tumingin si Anisa kay Elora. Nakangiti at ang ekspresiyon ng mukha ay masaya.

"I really love your story, a fantasy story with lessons, moral lessons to be understood by the readers. I am glad as well, very happy for you because you also got a good ending from your story." Ang sabi naman ni Anisa, wala na siyang masabi pa. Magaganda ang kanilang mga katapusan.

"And our writer is precious, really precious. Really talented because she made us. Please, love her. Without her, we will not be made." Paliwanag ni Anisa. Ang kaniyang ngiti sa labi ay nababalot na ng luha.

Adventures in Efarial ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon