Chapter 32

99 62 102
                                    


Muling bumisita si Grovioza sa palasyo nina Haring Batromonio at Reyna Kanisha ngunit ang Haring Batromononio lamang ang nakita ni Grovioza.

Napansin ni Grovioza na ang Hari ay may malalim na iniisip at walang interes para makipag-usap sa kaniya. Dito naman nainis si Grovioza ng tuluyan.

"Mahal na Hari? Kumusta na po ang ating plano? Kung kailan tayo susugod? At kung kailan tayo magwawagi?" Tanong ni Grovioza kay Haring Batromonio, nang matauhan ang Hari, agad niyang binigyang atensyon si Grovioza ngunit ang mukha ay nagtataka.

"Ano ulit ang iyong sinasabi?" Tanong ni Haring Batromonio.

"Kumusta ang ating plano? Kung kailan tayo susugod? At kung kailan tayo magwawagi?" Tanong ulit ni Grovioza.

Natawa ang Hari sa sinabi ni Grovioza ngunit hindi alam ni Grovioza ang dahilan kung bakit ito natawa.

"Ano po ang nakakatawa sa aking sinabi?" Tanong ni Grovioza, pinipigilan lamang ang kaniyang inis dahil Hari ang kaniyang kausap.

"Kailan ba naging plano ang... pagwawagi?" Tanong ni Haring Batromonio.

Hindi naman alam ni Grovioza ang nais nitong iparating sa kaniya dahil para sa kaniya, plano naman talaga nila ang magwagi dahil paghihiganti ang kanilang gagawin dito.

"Hindi ba't plano natin ang magwagi? Sapakat ang ating gustong gawin ay paghihiganti? Tama ba ako, Haring Batromonio?" Tanong ni Grovioza sa Hari.

"Hindi lahat ng naghihiganti ay nagwawagi at hindi lahat ng nagwawagi ay naghihiganti, ang ibig sabihin nito. Gagawin ang plano, ang paghihiganti ngunit wala nang saysay sa atin ang pagwawagi dahil hindi lahat ng naghihiganti ay mabuti ang ginagawa pabalik." Ang paliwanag ni Haring Batromonio. Nainis si Grovioza ngunit hindi na siya nakapagsalita pa dahil umalis na ang Hari.

"Gustong magtagumpay sa plano na paghihiganti ngunit ngayon, nag-iiba na ang isip? Iba ka talaga Reyna Kanisha, iba ka talaga." Ang bulong ni Grovioza sa sarili niya habang nakikita niya si Reyna Kanisha na papalakad palapit sa kaniya.

Maya-maya nang nasa harapan na ni Grovioza ang Reyna, agad niyang hinablot ang kamay ni Grovioza at dinala ito sa labas ng kanilang palasyo kung saan silang dalawa lamang ang makakarinig ng kanilang pag-uusap.

"Hindi ba't sinabi ko na sa inyo na maghihiganti tayo ngunit walang idadamay na inosente?!" Galit na galit na tanong ni Reyna Kanisha kay Grovioza.

"Hindi, lahat ng pwedeng madamay ay idadamay. Walang mangyayari kung maaawa tayo sa mga mangmang na iyon." Bumitaw si Grovioza sa pagkakahawak sa kaniya ng Reyna at tinitigan ito ng masinsinan.

"Kaya nga tayo maghihiganti hindi ba? Dahil gusto natin ibalik sa kanila ang pinadanas nila sa atin?" Tanong ni Grovioza kay Reyna Kanisha ngunit sampal lamang ang natanggap ni Grovioza mula sa Reyna.

Napahawak si Grovioza sa kaniyang pisngi at mabilis na ibinalik ang kaniyang mga mata kay Reyna Kanisha. Kita niya sa mga mata nito ang galit na nararamdaman niya sa ngayon hindi lamang kay Grovioza pati na rin sa Hari.

"Walang idadamay na inosente rito!" Sigaw ng Reyna.

"Kung sino ang pinag-iinitan, iyon lamang! Walang madadamay kung walang kasalanan! Walang madadamay! Wala!" Galit na galit na sigaw ni Reyna Kanisha kay Grovioza.

Ngumisi si Grovioza at nagmatigas sa harapan ng Reyna. Tinaas niya ang kaniyang kilay at ngumiti.

"Lahat ng nasa kahariang iyon ay idadamay, inosente man o hindi. Madadamay lahat upang makamit ang ating ninanais na makaganti." Bulong ni Grovioza rito at umalis na kahit walang pasintabi sa harapan ng Reyna.

Bago pa sumapit ang hating-gabi, nakauwi na ng bahay si Grovioza. Iniisip pa rin ang kanilang sagutan kanina ng Reyna ngunit walang mas hihigit sa dapat niyang ninanais na mangyari dahil una sa lahat, siya ang nag-umpisa ng planong ito, at ang iba ay sabit lamang.

Nang ibigay ni Zelar ang hapunan ni Grovioza, tinitigan niya ito ng matagal ngunit hindi ito napansin ni Grovioza. Iniisip ni Zelar kung ano nga ba talaga ang nasa isip ni Grovioza, kung ano ang mangyayari sa mga susunod na araw.

~••••••~

         Malamig ang gabi at nasa labas si Diane, nagpapahangin. Gusto nang muli makabalik sa kaniyang dating buhay. Si Anisa naman ay nakita siya na nakaupo sa labas, tinabihan niya ito at nang mapansin ito ni Diane, nagsalita na si Anisa.

        "I'm sorry if I did something wrong." Ang sabi ni Anisa kay Diane. Tumingin naman si Diane sa kaibigan niyang alam niyang madaming sikreto.

         "You don't really have to say sorry." Tumingin si Anisa kay Diane at ngumiti, akala'y sila ay nasa maayos na sitwasyon na.

         "All you have to do is tell your secrets that we must know because I can sense it. You are hiding something from us that is or are important, that we really need to know." Ang sabi naman ni Diane, tumingin si Anisa sa baba at lungkot ang kaniyang naramdaman.

        "Tell it. I am forcing you. You must tell it. I know, we are not from this world. This is not the world where we used to live before." Ang sabi ni Diane

"This is not magical! This is mysterious! I can't be here anymore! I have my own family there and I don't know what is happening to them right now so please Anisa, tell me what's going on with you." Ang sabi ni Diane na ang tono ng kaniyang boses ay galit at dito na niya napansin ang umiiyak niyang kaibigan, pinupunasan ang kaniyang luha at humihikbi.

        "Look, I'm sorry... I just got carried by my emotions." Mahinhin namang tugon ni Diane sa kaibigan niya, niyakap niya ito na para na rin niyang anak at kapatid.

         "I'm sorry, I'm sorry Diane. I'm so sorry for not being brave and honest. I'm very sorry... I failed as a human, an honest human being." Hagulgol naman ni Anisa.

        At ang gabing iyon ay tumatak sa kanilang dalawa. Hindi ito nalaman ng iba pa nilang kaibigan. Ang gabing iyon, ang magtatak sa kanilang dalawa bilang magkaibigan.

~••••••~

        Hindi pa rin alam ni Loreen kung bakit nagkaroon ng sariling dayologo ang kaniyang kuwentong sinusulat. Kani-kanina lamang ay muli siyang bumangon sa kaniyang pagkahilo sa kadahilanang siya ay nagulat at nagtaka sa kaniyang nasaksihan sa kuwentong kaniyang sinisimulan pa lamang.

       "Ano ba 'to? Bakit may mga nakasulat na?! Ano ba 'to? Nahack na ata account ko e." Puro tanong ang nasa isip ni Loreen at hindi na niya malaman kung ano pa ang dapat niyang gawin.

        "Naka-kastress naman talaga. Ano ba 'tong mga 'to!" Inis na inis na sabi ni Loreen sa kaniyang sarili.

       "Hindi ko naman 'to sinulat. Wala pa ako sa chapter na 'to bakit nandito na agad ako?! Pesteng buhay naman..." Napabuntong-hininga na lamang si Loreen at kumalma saglit.

        Maya-maya may nakita siyang umiilaw sa likod ng laptop niya. Nang dahan-dahan niyang ibinaba ang ulo ng laptop, muli niyang nakita ang batong kanilang tinapon ni Remie noong mga nakalipas na araw pa.

        Dito nanggagaling ang ilaw at muling nagtaka si Loreen, hindi niya alam kung ano ba ang nangyayari sa kaniya, guni-guni ba?

        "Ano na naman 'to? Bakit nandito na naman 'yang bato?" Tanong niya sa sarili niya.

Matapos ang ilang minuto, nalaman niyang hindi ito isang guni-guni lamang. Totoo ang kaniyang nakikita. Nagbalik ang bato na kanilang tinapon na.

At iyon ang naging dahilan ng pagkawala ng malay ni Loreen.

Adventures in Efarial ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon