Chapter 6

151 118 96
                                    


       "Nakakapagod pumunta sa iba't-ibang libro at buhayin ang mga patay na karakter ng mga walang kwentang manunulat na 'yan." Ang sabi ng matanda kay Zelar.

Naiintindihan ni Zelar ang mga pinagsasasabi ng matanda dahil matagal na niya itong nakakasama.

       "Kuhaan mo nga muna ako ng tubig, gusto ko munang magpahinga." Ang sabi ng matanda kay Zelar habang ito ay nagpapahinga at nakatitig sa kaniyang mahalagang kagamitin.

       Habang pinagmamasdan ang bolang kristal at ang mga mukha ng mga babaeng bibiktimahin niya, hindi niya maiwasang matuwa. Magkakaroon na naman siya ng kasapi sa kaniyang grupo at sa hinding matagal na panahon, maghihiganti na rin siya.

       "Sandaling panahon na lamang at malalaman niyo na kung ano nga ba ang ginagawa niyo dito. Kung ano ang silbi niyo sa mundong ito." Ang sabi ng matanda habang pinagmamasdan ang mga masasayang mukha ng apat na babae, na sina Heather, Elora, Diane at Ysella.

      "Hindi niyo lang alam, ang isa ninyong dapat na kakampi ay hindi kakampi sa inyo sa kadahilanang hindi niya tanggap na siya ay namatay at ngayon na alam niya na kayo lamang ang nagkaroon ng masasayang katapusan sa libro, kampi siya sa akin at kami ay maghihimagsik sa inyo." Ang bulong ng babaeng iyon sa kaniyang sarili. Muling narinig ang kaniyang tawang nakakakilabot.

      "Ibang anyo rito, ibang anyo sa ibang libro at ibang anyo sa totoong mundo. Mga hangal!" Tawa lang na nakakakilabot at nakakatakot ang maririnig mula sa kaniya.

~••••••~

       "Napakaganda naman po ng hardin niyo, punong-puno ng magagandang halaman at pananim." Papuri ni Elora sa hardin ng mag-asawa habang tumutulong sa pagdidilig ng mga halaman.

      "Oo, matagal na namin itong tanim. Bata pa lamang ang mga anak ko, nagtatanim na kami rito. Mahilig kasi ang mga anak ko sa mga halaman lalo na ang panganay ko." Ang sabi ni Manang Felicia sa kaniya. Muling naalala ang kaniyang anak na wala na.

      "Talaga po? Mahilig rin po kasi ako sa halaman at iba't-ibang pananim. Ang Tita Je ko po, tinuruan akong magmahal sa kalikasan." Ang sabi naman ni Elora kay Manang Felicia ngunit ang matanda ay malalim ang iniisip at malalim ang tingin kay Elora.

       "Saan nga ba talaga kayo nanggaling? Kahit kailan ay hindi ko pa kayo nakita rito." Ang sabi ni Manang Felicia kay Elora. Napatigil si Elora sa kaniyang pagdidilig at bigla na lamang kinabahan si Elora sa tanong nito.

      "K-kasi po... sa ano... s-sa... sa malayo po kami nakatira. Napunta lang po dito dahil may proyekto po kaming dapat na gawin, importante po kasi iyon." Ang paliwanag naman ni Elora na hindi naman talaga totoo. Mabilis ang pagtibok ng puso at nanlalaki ang mga mata.

      "Ngunit wala naman kayong dalang pera o kahit anong mga kagamitan?" Sunod na tanong ni Manang Felicia na nagtataka pa rin ng sobra.

      "K-kasi po, pinagmamasdan po namin kung may mga bukas-palad pa pong mga tao rito na maaaring tumulong sa amin sa loob ng mga ilang araw, linggo, buwan o kaya naman po taon." Nahihiya na si Elora sa kaniyang mga pinagsasasabi ngunit kailangan niyang sumagot dahil kahit siya ay hindi rin alam kung paano sila napunta sa mundong iyon.

      "Gano'n ba? Mabuti na lang at nakita ko kayo. Hulog din kayo ng Diyos sa amin dahil bukod sa masisipag at mababait, marunong rin kayong magmahal at magtulungan sa isa't-isa." Napatango na lamang si Elora sa mga sinasabi ni Manang Felicia, nagpapasalamat na hindi na nasundan ang huling tanong sa kaniya.

~••••••~

      Habang pinagmamasdan ang bintana sa kaniyang kulungan, masayang inaalala ng babae ang kaniyang mga magagawa sa mundong ito hanggang sa buhay siya. Madidinig mo ang tawa at kaluskos ng kaniyang mga kamay at paa. Iyon lamang ang maririnig mo sa buong magdamag ngunit hindi mawari ng mga tauhan doon kung matino pa ba siya o talaga nang nasiraan na ng bait.

      Maayos naman ang kanilang pakikitungo sa kaniya, pinapakain pa rin siya ng masasarap at may palikuran para sa kaniya na siya lamang ang maaaring makapasok, may mga damit din siyang maisusuot sa bawat araw ngunit isa lamang ang mali sa kaniya, ang hindi makapagsalita ng totoo at nararapat dahil alam niyang marami siyang masasaging tao lalong-lalo na ang taong tumulong sa kaniya ng lubos.

      Nakatitig lamang siya sa iisang direksyon at nakangisi. Emosyon ay halo-halo na at hindi na malaman ang dapat pa niyang maramdaman.

      "I am Anisa..." Bulong niya habang nakangisi. Nanginginig ang katawan sa panghihina.

      "Your greatest nightmare..." Dagdag pa niya ngunit sa mahinang boses lamang.

      "You let me died, then I will let you be dead as well." Bulong niya sa sarili niya sabay ngisi.

       "Hindi!" Napasigaw na lang si Loreen sa hindi maintindihang panaginip. Tumingin siya sa tabi niya at nakita si Remie, payapang natutulog.

      Pawis na pawis siya, kahit na nakabukas ang aircon ay pawis na pawis pa rin. Kaya naman agad siyang tumayo at bumaba sa hagdan at pumunta sa kusina upang uminom ng tubig.

      "Ano'ng nangyari sa'yo?" Nagulat na lamang siya nang marinig niya ang boses ng kaibigan niyang si Remie.

      "Nakakagulat ka naman! Kanina tulog ka lang ah." Ang bulong ni Loreen kay Remie.

      "Syempre gumising ako kaya 'di na ako tulog ngayon." Sagot naman ni Remie na kumuha rin ng sarili niyang tubig.

      "Bakit gano'n? Ang sama ng panaginip ko..." Bulong ni Loreen kay Remie.

      "Baka naman binangungot ka lang." Sagot naman ni Remie.

      "Hindi eh, iba kasi... parang... parang gusto akong patayin parang pinapatay ako ng mga salita niya sa panaginip ko." Paliwanag ni Loreen kay Remie.

      "Dreams are just dreams, walang ibig sabihin ang mga 'yon. Siguro napadami ka lang ng kain kaninang hapunan kaya kung ano-ano na naman pumapasok sa isip mo. Tara na, matulog na tayo." At muling umakyat si Remie sa kanilang kuwarto upang muling magpahinga.

      Hindi pa rin mapakili si Loreen kahit na ano ang gawin niya. Sinusubukan niyang hindi isipin ngunit kusa itong pumapasok sa isipan niya.

      Muli siyang bumalik sa kanilang kuwarto at muli niyang nakita ang lilang bato na umiilaw. Nanlaki ang mga mata niya at hindi maintindihan kung ano na naman ang nangyayari. Lumapit siya kay Remie at ginising ito ng ginising ngunit nang magising ito agad niyang tinuro ang bato.

      "Remie! Remie! Yung bato!" Ngunit nang tignan niya muli ang mukha ni Remie, mukha ng isang babaeng matanda ang nakita niya.

Ang matandang babae na nagbigay ng lilang bato sa kaniya noon sa gubat.

       "Huwag!" Sigaw niya.

       "Remie! 'Wag!" Muli siyang nagising nang nakita niya si Remie na ginigising siya.

       "Ano ba Loreen? Ano na naman ba ang nangyari sa'yo? Hindi ka na siguro natulog noong nagising ka ng madaling araw?" Tanong ni Remie sa akin.

      "Kain na ng almusal!" Sabi ni Remie sa akin.

      "Oo, susunod ako." Sabi ko naman sa kaniya. Hinahabol pa ang kaniyang paghinga.

      Nang makaalis siya muli niyang nakita ang bato at napabuntong-hininga. Hindi malaman kung ano ba ang batong iyon at kung bakit sa kaniya ibinigay ng matanda iyon.

Adventures in Efarial ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon