Chapter 7

139 112 62
                                    


"Is this like a lockdown or something that only 1 or 2 people can go outside to buy foods?" Tanong ni Diane kay Ysella habang siya ay nagtutupi ng mga damit. Tumango si Ysella sa kaniya ay iniligpit ang mga hanger na nagamit.

"Yes, hard to accept but that's the reality. I don't really feel safe here but we just came here so we must know what is really our purpose here, in wherever we are." Ang paliwanag ni Ysella kay Diane, hirap man sa pagsasalita ng Ingles ngunit kinakaya, mas lubos na maiintindihan ni Diane ang kanilang mga sinasabi kung ito ay nasa lengguwaheng Ingles.

"I wonder how are the two doing, Heather and Elora." Ang sabi ni Diane, medyo may kutob na. May masamang mangyayari.

"Ayos lang sila, hindi naman siguro ngayon ang digmaan at sana 'wag na talaga itong matuloy. Marami ang maaapektuhan lalo na ang mga bata." Ang paliwanag ni Ysella, matapos niyang mailagay ang mga bestida at damit sa loob ng aparador agad na pumasok si Manong Conor, kinakabahan at nagugulat na ikinataka naman ng dalawang dalaga.

"Bakit po? Ano po ang nangyari?" Tanong ni Ysella habang ang mga mata ay nanlalaki at medyo masama na ang kutob.

"Nasaan na sina Heather at Elora?" Tanong ni Manong Conor sa kanila.

"They went outside to buy foods." Ang sagot naman ni Diane, narinig ito ni Manang Felicia kaya naman dali-dali siyang lumabas at tumakbo ngunit pinigilan siya ni Manong Conor.

"Felicia! Dito lang kayo sa bahay ng mga bata. Walang lalabas at kapag narinig niyo na ang pagsabog ng bomba, manatili kayo sa silong ng ating bahay. Walang pupunta sa kabilang bahay dahil mas delikado roon." Pinapasok sila ni Manong Conor sa silong ng kanilang bahay at dali-daling hinanap ang dalawang babaeng namamalengke pa.

~••••••~

Pagsabog ng bomba at mga tunog ng espada ang narinig ng dalawang dalagita. Nagulat na lamang sila nang marinig ito, hindi alam kung ano ang nangyayari dahil nagkakagulo na.

"Heather! Ano'ng gagawin natin?!" Natatarantang tanong ni Elora, hinawakan ni Heather ng mahigpit ang kanang kamay ni Elora at tumakbo pabalik sa kanilang bahay, malayo man ngunit kailangan makabalik dahil kung hindi, masama ang mangyayari sa kanila sa labas.

"Heather!" Nadinig ni Heather ang sigaw ni Elora nang mawala ang higpit ng pagkakakapit ni Elora sa kaniyang kamay. Hindi na niya makita si Elora, sa sobrang dami ng taong nagtatakbuhan at natataranta.

"Elora! Elora! Elora!" Sigaw niya ngunit walang sumagot. Hindi na niya malaman kung ano pa ang dapat gawin kaya tumakbo na lamang siya, tumakbo kung saan man siya mapadpad at makasilong, doon na muna siya.

Tago rito, tago doon ang ginagawa ni Heather dahil may mga kalabang may dalang espada ang kaniyang nakikita.

Huli na nang mapansin niyang malapit na ang mga kalaban ngunit makakatakas siya kung walang maririnig na yapak ng mga paa.

Nang makatakas siya agad siyang tumakbo papunta sa kanilang bahay. Malayo man ay kailangan na niyang makabalik, pagsabog ng bomba at mga patay na tao ang kaniyang nakikita at naririnig.

Sa kaniyang pagtakas at pagtakbo isang babae ang nakita niya, ang babaeng bilanggo na nakatakas na rin. Tumingin siya rito ng matagal at hinawakan ang kaniyang kanang kamay.

"Huwag ka dyan! Delikado dyan!" Sigaw ni Heather sa babae ngunit pilit pa rin itong tumatakas sa kaniya kaya wala nang nagawa si Heather kung hindi itakbo na lang silang dalawa kahit na mahirap. Para sa kanila, para sa kaisa-isa nilang buhay.

"Let me go! Get off of me!" Ang sigaw ng babae ngunit hindi ito pinapansin ni Heather. Buhay nila ang nakasalalay rito kung hindi pa sila kumilos ng mabilis at alerto.

~••••••~

"Manang Felicia! Manong Conor!" Sigaw ni Heather. Agad na binuksan ang pinto ni Elora at nang makita niya si Heather, mahigpit niya itong niyakap.

"Ayos lang ako, ayos lang." Nanghihinang tugon ni Heather sa kanila.

      Nakita nila ang babaeng bilanggo na nakatakas mula sa palasyo. Ito ay si Anisa. Mga mata ng kaniyang kasama ang kaniyang nakikita, nakatitig lamang sa kaniya.

"Hija? Dito ka muna, 'wag ka mag-alala. Lahat kami ay mababait." Ang sabi ni Manang Felicia sa babae.

"Teka, ikaw yung babaeng kinuha ng mga guwardiya." Ang sabi ni Ysella at nanlaki ang mga mata ng babae.

"Who are you?" Tanong ni Diane sa kaniya, napatingin siya kay Diane ngunit nahihiya pa rin.

"I... I'm... Anisa." Ang sabi ng babae sa kaniya. Hindi man nila kilala si Anisa mas mabuti pa ring doon muna siya, ang sabi ni Manang Felicia.

~••••••~

"Naiintindihan mo ba kami kapag ganito kami magsalita?" Tanong ni Elora kay Anisa, mabagal na tumango si Anisa.

"Just like you, she can understand Filipino language." Ang sabi ni Ysella kay Diane.

"Bakit ka nga pala hinuli ng mga guwardiya? Ano ba ang ginawa mo?" Tanong ni Heather sa kaniya, natahimik lang ito at hindi alam kung ano ang masasabi.

"They accused me of stealing something valuable to them but the truth is I... I don't really know what they are talking about." Mahinang tugon ni Anisa.

"Baka naman kasi may alam ka kaya ka nila dinukot." Ang sabi naman ni Ysella.

"I don't know, I just... I don't want to talk about it. Please, keep me here for a moment. I don't want them to take me away again and lock me in their dungeon." Nagmamakaawang sabi ni Anisa sa kanila.

Nagkatinginan ang mga babae at muling tumingin sa kaniya. "Kung wala ka namang masamang gagawin sa amin at wala ka namang masamang balak, dito ka na muna sa amin." Ang sabi naman ni Ysella.

~••••••~

Tanging ang malamig na hangin na lamang ang naririnig sa silong ng kanilang bahay. Habang pinagmamasdan ang mga kasama niyang tulog, ang tanging kaniyang naiisip ay ang kaniyang malayang pamumuhay.

Hindi na niya gusto pang bumalik sa kung saan siya nanggaling dahil alam niya sa sarili niya na ang kinahahantungan ng kaniyang buhay sa isang libro sinulat ng kaniyang manunulat.

Naaalala na lamang niya ang mga pangyayari at kung paano siya naghirap doon, malaki ang galit sa manunulat niya at pati na rin sa mga nakasama niya sa kuwentong iyon.

Muli niyang pinagmasdan ang mga mukha ng apat na babae, ang mga babaeng tanging binuhay ng kaniyang manunulat.

Pinagmasdan niya ang unang babaeng nilikha ng kaniyang manunulat. Si Diane, dito na siya napuno ng galit at inggit.

Tanging siya lamang ang nakakaalam ng lahat, lahat ng kinahantungan ng buhay ng mga babaeng ito dahil sa tulong ng kaniyang nakikilalang babae na tinulungan siyang makabangon mula sa kaniyang masakit na nakaraan at ang babaeng iyon rin ang nagsabi lahat, lahat ng kasakiman at sakit kay Anisa na muli niyang nadama.

At siya lamang ang nakakaalam kung ano nga ba ang kanilang ginagawa sa mundong kanilang nilalakbay ngayon.

"Sleep well... my dear friends. Anisa loves you all."

Umalingawngaw ang kaniyang mahinang bulong sa hating-gabi ngunit hindi malaman kung totoo nga ba ang sinasabi o pagpapanggap lamang.

Adventures in Efarial ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon