Chapter 16

102 85 58
                                    


        "Pumayag ka."

        "Kanisha? Akala ko ba ay... masama ang iyong pakiramdam?" Tanong ng kaniyang asawa na si Haring Batromonio. Habang papalapit ng papalit si Reyna Kanisha sa kanila agad siyang tumingin kay Grovioza at sa kasama nitong si Zelar.

        "Salamat naman at muli ko kayong nakita at muli kong naramdaman ang iyong presensiya, Grovioza." Natutuwang tugon ni Reyna Kanisha kay Grovioza.

        Umupo sa tabi ng Hari ang Reyna at umasta itong para bang mas mataas pa ang kaniyang katungkulan sa Hari.

        Si Reyna Kanisha ay kampon ng kadiliman at kasamaan. Isa rin siya sa mga gustong maghiganti dahil nabalot na ng kasamaan, kalungkutan at sama ng loob ang kaniyang buhay.

Ngayon, gusto niyang makipagkampihan kay Grovioza sapagkat parehas sila ng ninanais, ang makapaghiganti at itaas ang kasamaan at kadiliman.

       "Ano ba ang gusto mong mangyari sa pamilyang De Fleune at gusto mo rin na ikaw ay maghiganti sa kanila?" Tanong ni Haring Batromonio sa kaniyang asawa.

        "Hindi ba pwedeng maghiganti? Gusto kong tumulong dahil kakampi niyo ako. Gano'n kasimple." Ang sabi ni Reyna Kanisha ngunit hindi sinabi ang totoo niyang dahilan kung bakit ba gusto niyang maghiganti, alam ng Hari na may mas malalim pa na galit at dahilan si Reyna Kanisha kung bakit gano'n na lamang ang gusto niyang gawin, paghihiganti.

        Tumingin si Grovioza kay Reyna Kanisha at hindi komportableng ngumiti dito.

~••••••~

        "Iba na siya, iba na siya, Ina." Ang sabi ni Prinsesa Serenity habang hinahaplos-haplos ang likurang bahagi ng kaniyang anak na masama ang loob sa pangyayari kanina lamang.

       "Huwag ka na malungkot. Malapit na ang iyong kaarawan tapos ganiyan pa ang iyong nararamdaman sa ngayon." Ang sabi naman ni Reyna Caelia sa kaniyang anak. Sinusubukang tulungan ang kaniyang anak na malimutan ang pangyayari kanina.

        Tumingin sa kaniya ang kaniyang anak at niyakap siya ng mahigpit. Tanging ang Ina lamang niya ang nakakaintindi ng kaniyang nararamdaman kaya rito niya ito lahat sinasabi.

       "Maghahanda tayo para sa iyong kaarawan. Iimbitahan natin ang lahat ng tao at kung gusto mo makipagkaibigan sa kung sino man, ayos lamang basta't babae lamang at kilalanin mo silang maigi." Ang sabi ng Ina nito sa kaniya.

        Matagal nang gusto ni Prinsesa Serenity ang magkaroon ng kaibigan, mga babaeng kaibigan sapagkat siya ay laging nakakulong sa kanilang kaharian at pinagbabawalan lumabas dahil nga delikado at hindi siya protektado.

Hanggang sa nawawala ang kanilang kuwintas hindi siya papayagan ng Haring Vesonto na lumabas.

        "Papayag po ba si Ama kung tayo po ay magpapapasok ng mga taong maaaring makapunta sa aking kaarawan?" Tanong ni Prinsesa Serenity sa kaniyang Ina.

      "Oo naman, para sa kaniyang anak. Upang makita lamang niya muli ang iyong masayang ngiti at kalooban. Mahal na mahal ka ng Ama mo kaya huwag na huwag ka magtatanim ng sama ng loob sa kaniya dahil isa ka sa taong sobrang nagbibigay kasiyahan sa kaniya." Paliwanag ni Reyna Caelia sa kaniyang anak.

        Hindi naman sa kalayuan ay nadinig ito ni Haring Vesonto. Nalungkot siya nang madinig niya ang kaniyang anak na nangangamba kung papayag ba siya.

Adventures in Efarial ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon