Chapter 24

85 75 36
                                    


Habang papalapit ang apat na babae kay Prinsesa Serenity, hindi nila maiwasang kabahan. Ni isa sa kanila hindi kayang sumakay sa kabayo.

Mabuti na lamang at may biglang sumigaw na babae mula sa malayo, ito si Anisa. Narinig ito ng apat na babae at pati na rin si Prinsesa Serenity. Agad silang tumingin kay Anisa at agad na lumapit dito.

"Kumusta ka na? Ano ang sabi sa'yo ng Hari at Reyna?" Tanong ni Ysella kay Anisa.

"Siguro mas mabuti kung makausap din kita." Ang sabi ni Prinsesa Serenity rito.

Tumingin sila sa isa't-isa at mabagal na tumango si Anisa sa kaniya.

Ngayon ay naroroon sila sa gitna ng hardin, nakaupo at nag-uusap tungkol sa pinag-usapan nina Anisa, ng Hari at ng Reyna.

"They asked me if I know what happened to the missing necklace but I told them, no." Ang sabi ni Anisa sa kaniyang mga kasama at lalo na kay Prinsesa Serenity.

"Matagal na bang nawawala ang kuwintas, Prinsesa Serenity?" Tanong ni Heather.

"Oo, matagal na matagal na. Hindi namin alam kung paano ito nanakaw. Siguro ang taong nagnakaw ng kuwintas na iyon ay alam na alam ang palasyo, alam kung paano makakalabas ng mabilis at hindi mahuhuli ng mga guwardiya. Ang taong iyon ay matalino at mayroong mga kasabwat. Matalino man ngunit hindi niya iyon kayang gawin nang mag-isa lamang." Ang paliwanag ni Prinsesa Serenity sa kaniyang mga kasama.

"You know, I won't risk my life just because of a powerful necklace. I mean, why would I take it? It's not mine." Ang sabi naman ni Anisa sa Prinsesa.

"Maybe for you, but for the others, they will risk their lives for that necklace even though it doesn't belong to them. Risking their lives for the powerful necklace doesn't matter to them at all as long as it's in their hands." Ang tugon naman ni Prinsesa Serenity kay Anisa.

"Wow, hindi ko alam na magaling ka pala mag-Ingles, Prinsesa Serenity." Manghang-manghang sabi ni Elora kay Prinsesa Serenity.

"Nag-aral akong mabuting ng Ingles kaya naman marunong ako kahit papaano." Ang sabi naman ni Prinsesa Serenity.

"Speaking in English isn't really that hard guys." Ang sabi ni Diane sa kanila.

"Para sa'yo." Ang sabi naman ni Ysella.

~••••••~

Nang matapos makausap ni Haring Vesonto ang kanilang ibang panauhin, muli niyang naisip ang kaniyang anak. Hindi niya ito makita sa kaniyang paligid kaya naman tinanong niya ang isa sa kaniyang guwardiya kung nasaan si Prinsesa Serenity.

"Nasaan ang anak ko?" Tanong niya sa kaniyang guwardiya.

"Naroroon po siya hardin kasama ang kaniyang mga kaibigan." Ang sagot naman ng kaniyang guwardiya.

"Siguraduhing maayos ang kaniyang kalagayan doon. Huwag niyo silang pababayaan." Utos ng Hari sa kaniyang guwardiya. Agad naman itong tumango at pumunta sa kung saan naroroon ang anak ng Hari.

~••••••~

Masama ang loob at pakiramdam ni Zelar. Hindi niya alam kung ano ang gagawin niya. Alam naman niyang galit sa kaniya si Grovioza kaya hindi niya ito makausap ng maayos.

Wala na lamang siyang magawa kung hindi ang matulog at manahimik sa kaniyang payapang higaan. Hindi pwedeng makipagtalo si Zelar aky Grovioza dahil alam niya ang kaniyang kahahatungan kung gawin niya iyon.

Payapang ipinikit ni Zelar ang kaniyang mga mata at gano'n na nga lang siya nakatulog. Payapa at mahimbing.

Habang si Zelar ay payapang natutulog sa kaniyang kuwarto. Si Grovioza naman ay abala sa pagsusulat ng liham para kay Anisa. Kailangan na nilang kumilos dahil kung mabagal ang kanilang pagkilos, hindi nila magagawa sa oras ang kaninang plano at mahihirapan rin silang magtagumpay.

Nang matapos ni Grovioza ang kaniyang liham. Agad niya itong tinabi. Ginamit niya ang kaniyang kapangyarihan upang ayusin ang kaniyang magulong paligid.

Muli niyang naisip si Zelar, alam niyang napakasama ng kaniyang bibig kanina sa babae ngunit hindi niya napigilan ang kaniyang galit.

      Nang buksan niya ang pinto ng kuwarto ni Zelar, nakita niya itong natutulog na. Alam niyang mali ang kaniyang ginawa kanina ngunit nangyari na, hindi na pwede pang ibalik.

~••••••~

"Kayo na muna ang mamalengke. Busy kami sa araw na ito. Naririto naman ang listahan para mabili niyo ang dapat na bilhin." Ibinigay ng Mama ni Remie ang listahan sa kanila at nang tignan nila ito, mahaba at madami ang nakasulat sa listahan.

Wala naman silang magawa kung hindi ako sumunod. Dalawa naman sila kaya hindi na ito mahirap para sa kanila.

"Oo nga pala, Loreen. Makukuha mo na next week ang laptop mo. Napaaga ang pagbigay dahil nagawa na nila ito pero sana 'wag na ulit masira. Nako, ang mahal ng bayad natin doon." Ang sabi ng Mama ni Loreen.

"Tsaka yung internet natin bibilis na 'yan sa isang araw. Tiis-tiis muna kayo sa ngayon." Ang sabi naman ng Mama ni Remie.

Nang sila ay makalabas ng bahay agad silang naglakad papuntang palengke. Madami man ang kanilang bibilhin ngunit masaya ito para sa kanila, parehas silang loko-loko kaya naman maghaharutan ang dalawang 'to sa palengke.

Habang si Remie ay bumibili ng isda, natatawa si Loreen sa reaksiyon nito. Diring-diri at mukhang masusuka na. Hindi kasi gusto ni Remie humawak ng isdang malansa, nang makita niya si Loreen na natatawa, napikon ito.

"Humanda ka talaga. Ikaw bumili ng baboy ah!" Ang sabi naman ni Remie kay Loreen na may halong pagkainis.

Nang matapos silang makabili ng isda, doon naman sila sa tindahan ng baboy nag-punta. Ngayon si Loreen naman ang naaasar at si Remie ang natutuwa.

       Naiinis na si Loreen dito ngunit hindi na niya masyadong pinagpapapasin, baka kasi masapak niya lang.

Nang matapos nilang mabili ang kanilang bibilhin, si Loreen ay nakahawak sa basket at si Remie naman ay tinitignan kung naroroon na lahat sa basket ang kanilang pinamili.

      Sa 'di inaasahang pagkakataon, napatigil si Loreen sa paglalakad at napatulala na lamang. Nakita niyang muli ang babaeng binibisita siya sa kaniyang panaginip.

      Duguan ito at masama ang tingin sa kaniya. Nanlaki ang mga mata niya at hindi na nakalakad pa ng maayos.

"Hoy! Loreen! Hoy! Nakalimutan natin bumili ng mantika, tara na!" Ang sabi ni Remie, nang ibalik niya ang tingin niya sa kung saan niya nakita ang babae, bigla itong nawala.

Alam niyang hindi iyon normal ngunit hindi na lamang niya ulit pinansin. Alam niyang magkakaroon na naman ng hindi magandang kinalalabasan ito kapag sinabi niya ito sa kung sino man.

~••••••~

Payapang natutulog ang asawa ni Haring Batromonio. Hinahaplos-haplos ang kaniyang buhok at hinalikan ang kaniyang noo. Mahal na mahal niya ito simula pa nang una niya itong makita. Namangha siya sa kaniyang kagandahang taglay at alam niya sa sarili niya noon na hindi niya na dapat sayangin ang pagkakataon.

Isa lamang ang hindi pa niya naibibigay sa kaniyang asawa, ang magkaroon sila ng sariling anak na kanilang palalakihin at aalagaan. Iyon ang tanging kagustuhan ng Reyna Kanisha. Ang magkaroon ng anak.

Adventures in Efarial ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon