Special Chapter

154 61 17
                                    


Ang kabanatang ito ay pagpapasalamat ng manunulat sa inyo sapagkat binasa niyo ang istoryang isinulat at ginawa ng manunulat kung saan naroroon din siya.

Ang nilalaman ng istoryang iyon simula sa unang kabanata hanggang sa katapusan ay purong kathang-isip lamang.

Ang naging matalik niyang kaibigan na nagngangalang Remie ay isang fictional character lamang. Hindi totoong nabubuhay sa mundong ating ginagalawan ngayon. Siya ang tauhang nagbibigay ng palatandaan na ang pagmamahal sa kaibigan ay dapat na pinapangalagaan dahil hindi sa lahat ng pagkakataon ay mayroon kang maaasahang tulong mula sa ibang tao.

Ang karakter naman na si Anisa ay nagbibigay ng palatandaan sa mga mambabasa na hindi masamang magkaroon ng pagkakaunawa sa lahat ng bagay at intindihin ang mga ito sapagkat doon tayo mas matututo, ang unawin ang lahat ng bagay.

Si Haring Batromonio naman ay karakter sa libro na nagsisilbing hindi masamang maging mabuti lalo na sa kapwa. Hindi masamang magbago ng ugali kung kinakailangan sapagkat hindi kailanman matatalo ng kasamaan ang kabutihan.

Sina Diane, Elora, Heather, Ysella, Serenity at Zelar ay ang palatandaan ng pagkakaroon ng mabubuting kaibigan. Walang iwanan at kahit malayo na sa isa't-isa ay hinding-hindi kailanman malilimutan ang bawat isa dahil ang totoong magkakaibigan ay walang iwanan, walang limutan.

Simple lamang ang gustong ipahayag ng istoryang ito, pagmamahal, pagpapahalaga sa mga kaibigan, pagpapatawad at pagiging mabuti, panlabas man o panloob.

Ang totoo naman ukol sa manunulat nito ay siya ay nagsusulat lamang sa kaniyang cellphone, walang laptop para ro'b magsulat ng kaniyang draft bago niya ilagay rito sa kaniyang wattpad account.

Tanging ang cellphone lamang ang gamit niya sa pagsusulat ngunit hindi naman siya naghahangad na magkaroon ng mga bagay na iyon upang doon siya makapagsulat ng kaniyang nais na maisulat.

Nakahiligan na rin ang kategoryang pantasya sapagkat lahat dito ay posibleng mangyari. Everything is likely to happen.

Hindi rin siya nagsusulat sa kahit ano mang mga kuwaderno ng draft niya, tanging ang cellphone lamang ang katapat niya tuwing siya ay magsusulat.

At tanging ang Wattpad App lamang ang plataporma na ginagamit niya upang siya ay makapagsulat. Maibahagi ang kaniyang naiisip sa lahat at masabi ang gusto niyang masabi sa pamamagitan ng mga salita.

Ang manunulat na ito ay si Loreen. Oo, ako.

Alam kong hindi ako kagalingan sa pagsusulat ngunit alam kong umpisa lamang ito ng aking writing journey. Lahat ay pinaghihirapan bago makamit ang hangarin at makaakyat sa itaas.

Lahat ng aking isinulat sa kuwentong ito ay purong kathang-isip lamang. Naroroon man ako sa istorya, iyon ay isang kathang-isip lamang na pangyayari.

Mas lumalawak ang aking imahinasyon sa tuwing ako ay nagsusulat at nakatutulong pa ang aking pagiging manunulat sa pag-aaral ko kaya naman uulitin ko, hinding-hindi ko bibitawan ang aking panulat kahit ano man ang mangyari.

Hinding-hindi ko ipagpapalit ang talentong binigay sa akin ng Diyos sa kahit anumang bagay sa mundong ito. Mananatili itong akin, akin lamang.

Isa akong manunulat, manunulat sa kategoryang, teen fiction, romance at syempre ang fantasy. Mananatiling manunulat para sa aking mga mambabasa at lalong-lalo na sa aking sarili. Hindi man mangyari sa ngayon ang pangarap ko, alam ko naman na balang araw magiging gano'n din ako.

Pangako.

Uulitin ko,

"A writer is the mind, her pen is her skills, her paper is her ability, and her heart is the story." -Loreen Del Monte

Adventures in Efarial ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon