Chapter 54

85 61 20
                                    


Isang magandang umaga ang sumalubong sa magkaibigan. Naunang nagising si Loreen, nang maimulat niya ang kaniyang mga mata agad siyang umupo sa kaniyang kama at pinagmasdan ang kaniyang paligid at doon niya nakita ang kaniyang kaibigan na mahimbing pa ang tulog.

"Ano 'yon? Panaginip?" Tanong niya sa sarili niya habang hinahawakan ang kaniyang mukha kung totoo na ba talaga ang kaniyang nararamdaman sa ngayon.

"Parang panaginip." Bulong pa niya ngunit dali-dali naman siyang tumayo sa kaniyang kama at pumunta sa baba ng kanilang bahay.

Nakita niyo roon ang kaniyang Ina na nagluluto ng kanilang almusal at kausap ang Mama ni Remie. Napatulala na lamang si Loreen sa kanilang dalawa sapagkat hindi nito alam kung ano ang kaniyang masasabi.

Hindi nito alam kung ano ang kaniyang maaaring sabihin sapagkat matagal silang nawala ngunit imbis na magsalita siya, nagtaka lamang siya sapagkat parang wala namang kakaibang napansin ang kaniyang mga kaharap.

"Loreen, ang sarap ng tulog niyo ni Remie." Nakangiting tugon ng Mama niya sa kaniya at dito pa mas lalong nagtaka si Loreen.

"Mama, hindi po ba kami nagpunta kung saan-saan ni Remie?" Pasimpleng tanong ni Loreen, nagtaka naman ang kaniyang mga kausap at nagtinginan sa isa't-isa.

"Hindi naman, hija. Nandoon lang naman kayo ni Remie sa kuwarto niyo." Ang sagot naman ng Mama ni Remie.

"Ang alam ko kahapon ng hapon nakatulog kayo tapos sa gabi naman nanood lang kayo pero naiwan niyong bukas yung iPad niyo kaya pinatay ko." Ang paliwanag naman ng Mama ni Loreen.

Naalala naman ni Loreen ang sinabi sa kanila ni Haring Vesonto.

"Pagbalik niyo ay hinding-hindi magtataka ang inyong mga magulang, magtiwala kayo."

"Gano'n po ba? Sige, gigisingin ko na po si Remie para makakain na kami ng almusal." Ang sabi naman ni Loreen at agad nang tumakbo paakyat sa kuwarto nilang dalawa ni Remie.

Nang buksan niya ang pinto, agad niyang nakita si Remie na nagmumuni-muni rin at nakatulala sa kawalan. Hindi na nagtaka si Loreen sapagkat ito ay nangyari na rin sa kaniya kanina lamang.

Nang hawakan niya si Remie sa kanang balikat nito agad namang napunta ang atensiyon ni Remie kay Loreen. Ngumiti naman si Remie rito at agad niyang niyakap si Loreen.

"Ano 'yon? Panaginip na 'yon o totoo talagang nangyari? Ang angas naman no'n!" Sigaw ni Remie habang kayakap si Loreen.

"Hindi e, alam ko totoo talaga 'yon. Totoong-totoo." Ang tanging sagot lamang ni Loreen.

Binitawan ni Remie si Loreen at agad nang bumaba. Nang makita silang dalawa ng kanilang mga Ina, nagkaroon ng katahimikan na para bang may kasalanan silang nagawa.

"Uuwi na tayo mamayang hapon." Pagpapaalam ng Mama ni Loreen sa kanilang dalawa.

Nagtinginan sina Loreen at Remie at ngumiti. Agad na silang umupo sa upuan upang kumain at sabayan na ang kanilang mga kasama.

"Nasaan po si Papa?" Tanong naman ni Remie at agad na sinubo ang kaniyang pagkain.

"Nandoon sila sa labas, mamaya na raw sila kakain." Ang sagot naman ng Mama ni Remie.

"E, Mama sina Lola at Lolo po?" Ang tanong naman ni Loreen.

"May pinuntahan sila, dyan lang naman sa plaza. May ginagawa lang atang importante. Uuwi na rin sila maya-maya." Ang sagot ng Mama ni Loreen.

Adventures in Efarial ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon