Chapter 8

127 107 103
                                    


"Kailan ko po ulit 'yan makukuha?" Tanong ni Loreen sa lalaking gumagawa ng gadgets na gagawin na rin ang laptop niya.

"Siguro mga after 2 weeks, magaan lang naman ang sira ng laptop mo. Huwag ka po mag-alala, 'di ko papalitan ang mga parts ng laptop mo." Ang sabi naman nito sa kaniya habang bitbit ang laptop.

      "Sige kuya, basta pakiayos na lang po. Kailangan ko kasi talaga 'yan eh. Dyan lang kasi ako nakakapagsulat ng updates ko sa wattpad." Banggit ni Loreen at napatingin naman sa kaniya ang lalake, napatigil sa paglalakad at ngumiti.

      "Ay gano'n ba ma'am? Huwag ka mag-alala. Maayos na maayos ito pagbalik sa inyo ma'am." Ang sabi naman sa kaniya ng lalake.

      ~••••••~

      Habang nagliligpit ng mga gamit si Loreen sa kuwarto agad na pumasok ang kaniyang kaibigan na manggugulo na naman sa kaniya.

      "Sipag naman, 'wag mo kalimutan mag-update ng diary mo." Paalala ni Remie sa kaniya at kahit naman hindi ito ipaalala ni Remie, likas na kay Loreen ang pagsusulat sa kaniyang diary, gano'n talaga kapag isa kang manunulat, lahat ng related sa pagsusulat ay ginagawa.

      Nang lumabas si Remie ang sumunod naman na pumasok ay ang Mama ni Loreen para magwalis ng kanilang kuwarto.

      "Mama, baka naman ibalik sa akin 'yon na pinalitan na yung parts ng laptop." Ang sabi ni Loreen sa Mama niya, nag-aalala na baka mas lalo pang masira ang kaniyang laptop.

      "Hindi naman, mabait naman 'yon eh. Kilala siya ng Lolo mo." Ang tugon ng Mama niya sa kaniya.

      "Ano ito?" Tanong ng Mama niya, nang tingnan ni Loreen ang hawak ng Mama niya agad na nanlaki ang mga mata niya at nag-isip ng pwedeng sabihin.

      "A-ano 'yan Mama, nakita ko lang sa bukid. Ang ganda di'ba?" Tanong ni Loreen sa Mama. May halong kaba sa kaniyang boses.

      "Oo, tago mo lang. Minsan lang tayo makakita ng ganitong bato, kulay violet." Kinabahan si Loreen ng saglit pero nang makapanas ang Mama niya agad siyang nakahinga ng malalim.

      ~••••••~

      Ilang oras na ang makalipas simula nang magsimula ang digmaan, saglit na munang huminto ang kanilang paligid at tanging ang paghinga lamang nila ang kanilang nadidinig sa ilalim ng silong.

      "Kumain na kayo, 'wag niyo nang isipin ang mga naririnig niyo. Minsan mas mabuting manahimik kaysa sa magsalita dahil maaaring mapahamak kung ibubuka ang bibig." Ang sabi sa kanila ni Manang Felicia.

      Tumingin si Anisa sa kaniyang mga kasama, puro abala sa pag-uusap at tanging siya lamang ang nananatiling tahimik. Nang mapansin siya ni Ysella agad siyang niyaya nito makipag-usap sa kanila upang mas makilala pa nila ang bagong dating nilang kaibigan.

      "Kumain ka na ba?" Tanong ni Ysella sa kaniya, hindi masyadong nagsasalita si Anisa dahil nga sa hindi pa niya sila masyadong kilala at hindi niya alam kung tutulungan ba siya ng mga taong ito.

"Let me talk to her, maybe she will speak to me." Bulong ni Diane kay Ysella at agad namang tumango si Ysella at iniwan muna ang dalawa.

"Hi, I know we are not really close that much but I am Diane, this one is Ysella, that is Elora and the other one is Heather. We are willing to be your friends if you would let us." Ang sabi ni Diane kay Anisa, maigi niyang pinagmasdan ang mga mukha ng apat na babae at muling bumalik ang tingin niya sa mukha Diane.

      "I... um... sure. I'd love to. I'm so sorry if I'm very shy infront of you. I just don't talk to people that much... n-normally." Napatulala na lamang si Diane kay Anisa ngunit nang mapagtanto niya ang ibig sabihin ng babae agad siyang ngumiti.

      "No worries, we all go to that stage. Feel free to talk to us whenever you feel lonely or you want entertainment." Ang sabi ni Diane sa kaniya.

      "I... I will..." Mahinang tugon ni Anisa.

      "Englishera rin pala siya." Bulong ni Elora kay Heather habang sila ay naghuhugas ng plato.

      "Oo nga, okay na 'yon na dalawa silang Englishera para hindi lonely yung isa, di'ba?" Hindi alam ni Elora kung matatawa ba siya sa sinabi ni Heather kaya naman hindi na siya muling sumagot.

~••••••~

      "Nakatakas?" Tanong ng Reyna sa kanilang mga tauhan.

      "Pasensya na po, mahal na Reyna ngunit nakatakas ang babaeng bilanggo sa gitna ng digmaan." Ang sabi ng isa sa kanilang tauhan, takot na takot at nanginginig.

      Napatayo na lamang ang Reyna at hindi mapigilan ang kaniyang galit sa mga tauhan.

      "Kahit na kailan talaga ang mga kilos at gawa niyo ay laging palpak! Hindi pwedeng makalayo ang babaeng iyon dahil siya lamang ang nakakaalam kung nasaan ang kuwintas at siya lamang ang nakakaalam kung sino ang mga sangkot sa likod ng pagnanakaw ng kuwintas! Kumilos na kayo at hanapin ang babaeng iyon!" Sigaw ng Reyna sa kanila at agad namang kumilos ang kanilang mga tauhan.

Ngayon lamang nagalit ng sobra ang Reyna sapagkat ang bagay na kanilang pinahahalagahan ng sobra ay nawala na lamang na parang bula at hindi malaman kung saan napunta.

      Pumunta si Reyna Caelia sa kaniyang kuwarto at doon nagkulong, kita niya sa kaniyang bintana ang kanilang magulong kaharian. Hindi na niya alam kung paano pa ito aayusin at gagawing tahimik ang paligid kasama ang kaniyang asawa.

      Napabuntong-hininga na lamang siya sa sobrang pagod nang bigla niyang marinig ang boses ng isang babae.

      Ang kahariang Swatrimana, ang mga tao, ang mga hayop at lahat ng sakop ng kahariang ito ay apektado sa nangyaring digmaan, saglit lamang na digmaan ngunit napakadaming nawalan ng buhay at naapektuhan.

      "Hindi ko na alam kung ano pa ang gagawin ko, wala na akong alam na solusyon kung hindi ang pakinggan ang aking asawa na nagsisilbi sa kaniyang mga nasasakupan at magpakatapang." Bulong ni Reyna Caelia sa kaniyang sarili.

      "Magpahinga ka na muna, kailangan mo na sigurong magpahinga." Ang sabi sa kaniya ng kaniyang asawang alalang-alala sa kaniya.

      "Paano ako makakatulog ng mahimbing kung ganito ang nangyayari sa ating lugar? Hindi ba't mas lalo tayong mabahala na maaari pa itong lumala?" Tanong ng Reyna sa kaniyang asawa. Ang mga mata na nito ang nagpapakita na siya ay pagod na pagod na sa kakaintindi sa mga pangyayari

      "Lahat ng nangyayari ay may dahilan at alam kong mas mapapalitan pa ng magandang pangyayari ang sitwasyong ito sa ating paligid ngayon. Huwag ka mawalan ng pag-asa dahil tayo-tayo ang magtutulungan dito." Ang sabi ng Hari sa kaniyang asawa sabay halik sa kaniya sa noo. Umaasang giginhawa ang pakiramdam ng kaniyang asawa.

~••••••~

      "Ang kuwintas?"

"Ano kaya ang kanilang mararamdaman kung nasa ibang mundo na ang kuwintas at ang salamangkerong nagnakaw ay dati pala nilang tauhan." Ang sabi ni Grovioza, ang salamangkerong tinalikuran ang pagiging tauhan ng pamilyang De Fleune sa kadahilanang nagkaroon ito ng sobrang inggit sa pamilyang De Fleune.

      "Lahat ng kapangyarihan ninyo ay mawawala at lahat ng kasiyahan niyo ay hindi na kailangan man babalik pa." Bulong niya sa kaniyang sarili habang pinagmamasdan ang kaharian ng pamilyang De Fleune.

Matuwid na nakatindig sa tulay papunta sa kastilyo ng pamilyang De Fleune.

      "Lahat kayo, magbabayad... kasama na rin ang kung sino ang may hawak ng kuwintas." Bulong niya na may halong ngisi.

Masama ang intensyon at lahat ng gusto niyang mangyari ay dapat na mangyari.

Adventures in Efarial ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon