Chapter 22

84 81 29
                                    


Tinulungan ni Remie si Loreen na tumayo at nang kausapin niya ito, ang mga sinasabi ng kaniyang kaibigan ay nakakakilabot.

"Teka lang, relax lang. Huwag ka papadala sa mga katatakutan. Sagabal lang 'yan. Ano ba talaga ang nangyari?" Tanong ni Remie kay Loreen habang ito ay nakapamewang pa.

"Bukas, patay ang ilaw tapos maya-maya may nakita na akong babae na may binubulong na magbabayad daw ako at kung ano-ano pa." Mabilis na pagpapaliwanag ni Loreen sa kadahilanang ito ay kinikilabutan.

"Baka naman may utang ka tapos 'di mo nabayaran?" Tanong ni Remie kay Loreen ngunit si Loreen ay napabuntong-hiningi na lamang.

"Alam mo, wala akong oras para makipagbiruan, Remie. Masama ang nangyari sa akin kanina at alam kong dahil iyon sa bato. Sa salot na batong 'yan." Tinuro ni Loreen angbato at tiningnan naman ito ni Remie.

Muli niyang binalik ang tingin niya kay Loreen at tumango.

"Ikaw naman kasi ang kumuha ng batong 'yan kaya naman ikaw rin ang magbalik kung saan 'yan nararapat." Ang sabi naman ni Remie, nawawala na ang kaniyang kabaitan sa ngayon.

"Pwede namang ihagis lang 'yan sa kung saan. Bakit hindi natin magawa?" Tanong ni Loreen na natataranta na.

"Ba't di mo ihagis? Total ikaw rin naman ang nakakuha, ikaw na rin ang maghagis. Ikaw naman nakaisip e." Ang sabi naman ni Remie ngunit nawawalan na ng pag-asa si Loreen.

"Mas maganda kung tayong dalawa magtutulungan paano 'yan mawala sa buhay natin! Intindihin mo naman ako! Lagi na lang ako nagkakaroon ng masamang panaginip at bangungot dahil sa batong 'yan!" Sigaw ni Loreen na ikinagulat naman ni Remie.

"Sigurado ka bang 'yan ang dahilan no'n?" Tanong ni Remie kay Loreen.

"Ano pa nga ba?"

"Sige, tutulungan kita basta ang plano ihahagis lang 'yan. Hagis sa kung saan mahahagis basta malayo sa atin." Ang sabi ni Remie kay Loreen.

Napatingin sila sa isa't-isa at hindi maintindihan ang dapat na gawin.

"Paano kapag bumalik?" Tanong ni Loreen.

"Edi namiss ka." Ang sagot ni Remie.

"Punyeta naman! Kahit kailan talaga hindi ka makausap ng matino!" Inis na inis na tugon ni Loreen dito.

~••••••~

"Mahal kong mga tauhan sa umagang ito. Nais ko kayong pasalamatan sa pagpunta sa kaarawan ng pinakamamahal kong anak na si Prinsesa Serenity De Fleune." Ang sabi ni Haring Vesonto sa harapan ng maraming tao. Pinalakpakan siya ng mga taong naroroon at pati na rin si Prinsesa Serenity at si Reyna Caelia.

"Maligayang kaarawan para sa aking anak, huwag ka sanang maging suwail at kung ano man ang iyong magandang nagagawa sana ay ipagpatuloy mo lamang iyan. Hindi ka namin pipigilan at patuloy ka naming susuportahan." Ang sabi ni Reyna Caelia sa kaniyang anak.

Ngayon naman si Prinsesa Serenity na ang magsasalita sa harapan ng maraming tao.

"Salamat po sa pagpunta. Pasensya na po kung ang iyong oras ay ginugol niya sa araw na ito. Gusto ko po na marami tayo sapagkat ako ay nangangarap na makilala ang karamihan sa inyo at magkaroon ng mga kaibigan na maaari kong ituring na aking pangalawang pamilya. Tamasahin natin ang araw na ito, hindi lamang para sa akin kung hindi para na rin sa inyo. Salamat sa pagpunta." Pinalakpakan siya ng maraming tauhan na naroroon at masayang dumalo sa kaniyang kaarawan.

Nang matapos niya ang kaniyang pagsasalita agad siyang pupunta sa kaniyang mga kaibigan na nakilala niya kani-kanina lamang.

~••••••~

       Nakarating si Zelar sa piitan ng palasyo kung saan dating kinukulong si Anisa, nag-lakbay siya roon, madilim man ngunit may mga ilaw sa gilid nito upang makita ang daan.

       Hindi niya napansin na mayroong mga guwardiya na nakabantay roon kaya naman agad siyang sinita ng mga ito.

      "Hindi po kayo maaaring magpunta rito." Ang sabi ng isa sa kanila, laking gulat ni Zelar nang madinig niya ang boses ng guwardiya.

       "Pasensya na." Ang tanging sagot niya lamang at muling bumalik sa taas ng palasyo upang pumunta sa kung saan sinabi ni Grovioza na sila ay magkikita.

       Habang nag-aantay kay Grovioza, nakita niya ang mga taong pinakamamahal niya. Hindi niya maintindihan ang kaniyang nararamdaman ngunit masaya siya. Hindi niya kayang yakapin sapagkat iniisip niya ang kanilang plano ni Grovioza.

       Ang kaya lamang niyang gawin sa ngayon ay pagmasdan sila, ang kanilang kasiyahan at kung paano ang mga ito ngumiti.

~••••••~

       Ninanais ni Grovioza na makapasok sa mga kuwarto ng mag-asawang De Fleune at kuwarto ng Prinsesa. Nang makita niya ang mga pinto papasok sa kanilang kuwarto agad siyang nag-madali ngunit nakita niya ang ilang mga guwardiya ba nagbabantay rito.

       "Mga salot!" Bulong niya sa sarili niya.

       Wala na siyang magawa kung hindi ang umalis dahil may mga bantay rito. Ang nasa isip na lamang niya ay ang espada, ang importante ay nakita niya kung saan nakalagay ang espada, mas madadalian na sila kung paano nila ito makukuha sa loob ng kastilyo.

~••••••~

       Sina Manong Conor at Manang Felicia ay masayang nakikipag-usap sa kanilang mga kaibigan.

       "Kumusta naman ang inyong mga anak?" Tanong ng kaibigan ni Manang Felicia.

      "Ayos naman sila. Wala namang masamang nangyayari sa kanila, iyon nga lang... ni isa sa kanila, walang bumibisita kaya minsan nalulungkot din naman kami kapag hindi nila kami naaalala." Ang sagot ni Manang Felicia rito.

      "Nakakalungkot din ang pagkawala ng inyong panganay. Nalulungkot ako para sa inyo. Sana ay maging maayos na kayo sa lalong madaling panahon." Ang sabi ng kaibigan ni Manong Conor.

       "Gano'n talaga ang buhay, hindi naman natin 'yan maiiwasan." Ang sagot lamang nito.

       Ramdam ng mag-asawa ang lungkot ngunit hindi nila ito hinayaang mangibabaw. Kung masaya ang kanilang paligid, dapat sila rin ay masaya.

~••••••~

       Nilapitan ni Haring Batromonio ang kaniyang asawa na malungkot. Hindi na niya mapigilan pang titigan lamang ito. Nang makita siya ni Reyna Kanisha, agad niyang pinunasan ang kaniyang luha at tumingin kay Haring Batromonio.

       "Bakit malungkot na naman ang aking mahal na asawa?" Tanong ni Haring Batromonio.

      "W-wala, hindi ko lang mapigilang isipin ang ating mga pinagdaanan." Ang sagot naman ni Reyna Kanisha.

       "Gusto kong magbayad ang kahariang Swatrimana dito. Paghihiganti ang ating gagawin sa mga salot na iyon. Hindi kailan man nananalo ang mga traydor."Dagdag pa ni Reyna Kanisha.

       Dama rin ni Haring Batromonio ang galit ng kaniyang asawa ngunit alam niyang may iba pang dahilan kung bakit malungkot ito kanina.

      Para kay Haring Batromonio, ang pamilyang De Fleune ay magbabayad at hindi niya hahayaang sila ay mamuhay ng payapa. Ang mga taong namamayapa ay ang mga taong hindi traydor. Kaya naman ang naiisip ni Haring Batromonio ay hindi ito para sa kaharian ng Swatrimana. Magbabayad sila sa kanilang katrayduran.

Adventures in Efarial ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon