Chapter 53

80 61 46
                                    


Maagang nagising ang mga babae at pinaayos nila ang kanilang buhok at ng kanilang mga bestida dahil may isang surpresa na nag-aantay para kay Zelar at lalong-lalo na na kay Anisa.

Ito na ang huling araw nila sa mundo ng Efarial kaya naman susulitin na nila ang pagkakataon na siyasatin ang mundo ng Efarial.

"Ang gaganda naman ng mga batang ito." Natutuwang sambit ni Reyna Caelia sa kanila habang pinagmamasdan ang mga dalaga sa kaniyang harapan at inaayusan ng mga katulong nila.

Ito ay sina Loreen, Remie, Zelar, Anisa, Elora, Diane, Heather, Ysella at Prinsesa Serenity. Iba't-iba ang kanilang ayos ng buhok at iba't-ibang bestida rin ang kanilang suot pati na rin ang kulay.

"Hindi ko na po maantay ang surprise na sinasabi po ninyo ni Haring Vesonto, Reyna Caelia." Saad ni Elora, maligalig na pumapalakpak ngunit ang totoo naman ay alam niya na ang surpresang iyon.

Ang surpresang iyon ay para talaga kay Anisa. Na muling babalik sa kaniyang sariling libro na wala ng buhay sapagkat ang kaniyang karakter sa libro niya ay isa na siyang patay.

"Ikaw, Anisa? Gusto mo na bang malaman ang surpresa?" Tanong naman ni Reyna Caelia na nagpapahapyaw ng kaunti ngunit hindi pa rin alam ni Anisa ang surpresang ito.

"I am looking forward to it." Ang sagot naman ni Anisa.

"Malalaman mo rin." Ang sagot naman ni Reyna Caelia.

Pumasok si Haring Vesonto sa kuwarto kung saab naroroon sa loob ang lahat at nakangiting pinagmamasdan ang mga dalagang itinuturing na rin niyang kaniyang mga anak.

"Habang kayo ay abala mamaya, kami namang matatanda ay mag-uusap tungkol sa isang importanteng bagay." Ang sabi naman ni Haring Vesonto.

Nadinig iyon nina Manang Felicia at Manong Conor. Hindi na rin sila makapag-antay ngunit mayroon pang sinabi si Haring Vesonto sa mga kababaihan na dapat nilang sundin at malaman, lalo na si Anisa.

"Anisa, alam mo naman na ikaw ay babalik na sa iyong sariling mundo at libro sa ngayon." Tugon ni Haring Vesonto kay Anisa.

Malungkot na tumingin si Anisa sa lahat ng kaniyang mga kasama ngunit pinakita pa rin ang kaniyang matamis na ngiti.

"I know, your highness. I am ready to face what really is my destiny." Ang sagot naman ni Anisa.

Kahit na alam niyang hindi na siya muling mabubuhay, masaya pa rin siya sapagkat nadanas niya ang lahat ng mga ito kahit sa saglit na panahon lamang kaya naman isa itong magandang pangyayari na naganap sa kaniyang buhay.

"Bago lumubog ang araw kailangan mo nang makapasok sa portal upang makabalik ka sa takdang oras sa iyong mundo at libro." Ang paliwanag ni Haring Vesonto.

Kita sa mga mukha ng kaniyang kaibigan ang lungkot na nararamdaman nila ngayon sapagkat isa-isa na rin silang babalik sa kanilang mundo pagkatapos ni Anisa.

"Hindi ka namin kakalimutan, Anisa." Mahinang tugon ni Prinsesa Serenity kay Anisa. Tumayo naman si Anisa mula sa kaniyang pagkakaupo at niyakap ang Prinsesa nang mahigpit.

"Me too. I hope for you the best. We all do." Ang sabi naman ni Anisa.

"I'm glad I became one of your friends," Dagdag pa ni Anisa. "One of your best friends."

Ngumiti naman si Prinsesa Serenity at bumuntong-hininga. Masaya siya, masayang-masaya, na nakasama niya ang mga taong mayoong ganitong ugali.

~••••••~

Pumunta sila sa labas ng kuwarto at sinabihan si Anisa na buksan ang pintuan ng palasyo. Upang makita ang maligayang araw... sa huling pagkakataon.

Adventures in Efarial ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon