Chapter 35

97 62 80
                                    


      Isang magandang umaga ang bumungad kay Zelar, wala siyang naramdamang anumang masama sa kaniyang paligid kaya naman agad na siyang tumayo mula sa kaniyang higaan at inayos ang kaniyang tinulugan.

      Magandang simulan ang araw sa pag-inom ng madaming tubig para kay Zelar.

       Maganda ito para sa kaniya, ito ang turo ng kaniyang Ina sa kaniya simula pa noong siya ay bata pa ngunit hindi na niya iyon muli pang madidinig mula sa Nanay niya mismo.

        Pagkatapos uminom ni Zelar ng dalawang basong tubig, agad naman siyang nagluto ng almusal nilang dalawa ni Grovioza, habang si Zelar ay nagluluto si Grovioza naman ay mahimbing pa ang pagtulog. Wala pang kamalay-malay sa mundong kaniyang ginagalawan.

        Napuyat ito kagabi sapagkat abala siya sa pag-aasikaso ng kanilang plano para sa kanilang darating na paghihiganti. Hindi na siya makapag-antay pa. Kumukulo na ang dugo niya sa loob lalo na kay Reyna Kanisha.

      Gusto man niya itong isunod na patahimikin, hindi niya ito pwedeng gawin sapagkat malalagot siya kay Haring Batromonio kung ito ay kaniyang gagawin.

       Maya-maya bumukas ang mga mata ni Grovioza at dali-daling umupo sa kaniyang kama, ang pawis ay tumatagaktak mula ulo hanggang sa kaniyang katawan. Mabilis ang paghinga nito at ang kaniyang reaksiyon ay natataranta na hindi alam ang gagawin.

       "PRODÓTIS!" Sigaw ni Grovioza mula sa kaniyang kuwarto. Galit na galit ang mukha at gustong-gusto na manakit.

       Ikinagulat naman ito ni Zelar sapagkat inaakala niyang mahimbing pa rin ang tulog ni Grovioza. Agad siyang tumakbo papunta sa kuwarto ni Grovioza at nang buksan niya ang pinto agad namang lumabas si Grovioza at nakuha pang sanggiin si Zelar.

       Habang naglalakad nang padabog si Grovioza, pinagmamasdan lamang ito ni Zelar, nagmukha siyang multo kay Grovioza, hindi pinansin at walang pakialam sa kaniya.

       Ngunit nang sundan ito ni Zelar, pumunta si Grovioza kung saan naroroon ang kaniyang bolang kristal at tinitigan ang mga biktima niya. Hindi na niya mapigilan ang kaniyang galit at inis kaya naman muli nagdabog sa harapan pa ni Zelar.

        "Isang mangmang!" Sigaw ni Grovioza habang hinahagis ang mga bagay na kaniyang mahahawakan, muntik nang matamaan si Zelar at 'buti na lamang ay nakaiwas siya.

         "G-Grovioza? Ano b-ba ang... nangyari?" Tanong ni Zelar, sinusubukan niya itong kausapin ngunit hindi ito nagsasalita.

       "Mga hangal!" Muli pa niyang sigaw at binato ang kaniyang diary na naglalaman lahat ng kaniyang sikreto.

       Nakita ito ni Zelar na binato ni Grovioza at alam niyang importante ito kay Grovioza kaya naman agad niya itong pinulot ngunit bago pa man niya ibigay ito kay Grovioza, agad na itong inagaw ni Grovioza sa mga kamay ni Zelar.

        Kinikilabutan na si Zelar sa nangyayari kay Grovioza. Ayaw rin naman kasi nitong magsabi sa kaniya.

      Nagulat na lamang siya nang lapitan siya ni Grovioza, akala niya'y siya ay sasaktan nito kaya napapikit na lamang si Zelar sa takot ngunit nadinig niya ang boses ni Grovioza.

       "Subukan mo ring maging tulad ni Anisa... malalagot ka sa akin." Bulong ni Grovioza kay Zelar ng may galit at pagtitimpi.

     Agad namang umalis si Grovioza sa harapan niya at padabog na sinara ang pintuan ng kaniyang kuwarto.

       Dito na namulat sa katotohanan si Zelar, na si Anisa ay nagsabi na ng kanilang sikreto. Hindi niya alam ang kaniyang gagawin, at hindi niya maintindihan kung bakit iyon nagawa ni Anisa.

Adventures in Efarial ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon