Chapter 34

132 62 45
                                    


      Abalang-abala si Reyna Kanisha sa paggawa ng sarili niyang plano dahil hindi nakikinig ang dalawa pa niyang kakampi sa kaniya at malamang sa malamang ay mandadamay ng tao kahit na inosente pa man ito.

       Kahit papaano naman ay may awa pa rin si Reyna Kanisha sa mga taong wala namang kasalanan sa kaniya dahil para sa kaniya hindi lahat ay dapat idamay sapagkat hindi naman lahat ay nagkasala.

       "Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na lahat ay madadamay? Inosente man o hindi." Nagulat na lamang si Reyna Kanisha nang marinig niya ang boses ng kaniyang asawa, papalapit sa kaniya at halata sa mukha nito ang pagkaseryoso.

      "Batromonio, maawa ka naman. Wala namang kasalanan si Serenity rito. Walang kasalanan ang anak nila at ang mga tauhan nila. Parang awa niyo na ni Grovioza... 'wag niyo idadamay ang inosente." Nagmamakaawang sabi ni Reyna Kanisha sa kaniyang asawa.

         "Kanisha, hindi naman tayo pwedeng sumugod sa kanilang kaharian na hindi madadamay ang iba. Lahat ay madadamay sapagkat iyon ay digmaan."

"Kaharian laban sa kaharian. Kapangyarihan laban sa kapangyarihan." Mahinahong pagpapaliwanag ni Haring Batromonio kay Reyna Kanisha ngunit tumutol ito at hindi nakinig.

        "Batromonio! Kailan ka ba makikinig sa akin?! Bakit hindi mo ako kayang panigan!" Sigaw ni Reyna Kanisha sa kaniyang asawa.

        "Paano ka maghihiganti kung ayaw mong idamay ang nakararami?!" Galit na galit namang tanong ni Haring Batromonio.

        "Hindi lahat ng gusto niyo ay nasusunod, maling-mali ang iniisip niyong idamay ang walang kamalay-malay sa nangyari sa nakaraan." Ang sabi naman ni Reyna Kanisha.

        Napabuntong-hininga na lamang si Haring Batromonio at dahan-dahang tumango. Napahawak sa kaniyang noo at minasage ito. Inintindi niya na lamang ang kaniyang asawa sapagkat nirerespeto niya ito at mahal niya si Reyna Kanisha.

        "Pasensya ka na..." Agad namang niyakap ni Reyna Kanisha ang asawa niyang patuloy pa rin sa pag-iintindi sa kaniya kahit na minsan ay mahirap siyang intindihin at panigan.

        Ngunit ginawa lamang ito ni Haring Batromonio upang manahimik na ang kaniyang asawa at hindi na sila magtalo pa. Hindi na niya gusto pang marinig ang asawa niyang sumisigaw, masakit sa tainga at nakakarindi.

~••••••~

       Hindi pa rin makapaniwala si Prinsesa Serenity na nangyari ito sa kaniyang ina. Ngayon ay nasa tabi siya ng kaniyang Ina, nakaupo sa gilid ng kama at hawak-hawak ang kanang kamay nito habang hinahaplos-haplos.

        Nabigla pa rin sa kaniyang nasaksihan kanina at umiiyak pa rin siya sa ngayon. Si Reyna Caelia naman ay hindi pa rin gumigising ngunit inaalagaan siya ng iba nilang katulong upang magkamalay ito sa madaling panahon.

        Si Haring Vesonto naman ay nakatayo lamang sa tabi ni Prinsesa Serenity, pinagmamasdan ang asawa niyang walang malay at ang anak niyang nasasaktan at nahihirapan sa mga pangyayari sa kasalukuyan.

        "Serenity, sa tingin ko ay kailangan mo na magpahinga. Hayaan mo nang ang mga katulong natin ang umasikaso sa Nanay mo. Magpahinga ka na, anak ko. Hindi ko gugustuhin na ikaw rin ay magkasakit." Ang sabi naman ni Haring Vesonto sa kaniyang anak.

      Tumingin si Prinsesa Serenity sa kaniyang Ama at nakita ni Haring Vesonto na ito ay luhaan. Ganito ang pagmamahal ni Prinsesa Serenity sa kaniyang Ina.

Kahit na minsan ito ay nagagalit sa kaniya, alam niyang ginagawa iyon ng kaniyang Ina upang ituwid ang mga kamalian niya sa buhay.

        "Magiging maayos po ba ang kalagayan niya?" Tanong ni Prinsesa Serenity habang humihikbi pa ito.

Adventures in Efarial ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon