Chapter 25

86 74 30
                                    


       "Siguro kailangan na namin umuwi, Prinsesa Serenity. Isang karangalan na ikaw ay aming makilala at maging kaibigan." Ang sabi ni Ysella rito. Natuwa naman ang Prinsesa sapagkat ang kaniyang mga taong nakilala ay mababait.

       "Sasamahan ko na kayo at gusto ko kayong muling ipakilala sa aking mga magulang." Ang sabi ni Prinsesa Serenity.

       "Sumunod kayo sa akin." Pinagbuksan ng pinto si Prinsesa Serenity ng mga guwardiya at muli silang pumasok sa loob ng palasyo.

       Habang hinahanap niya ang kaniyang mga magulang, nakita niya ang mga ito na walang ginagawa. Kakaunti na lamang ang taong naroroon at siguradong pauwi na rin sila.

      Nang makita nina Manang Felicia, Manong Conor at ang limang babae kasama ang Prinsesa, agad nilang nilapitan ang mga ito.

      "Paumanhin na po, kukunin ko lamang po sila, Prinsesa Serenity." Ang sabi ni Manang Felicia.

      "Hayaan niyo po akong ipakilala sila sa aking mga magulang bilang mga kaibigan ko." Saad naman ng Prinsesa.

      "Ama, Ina, ito nga po pala ang aking mga kaibigan. Ito si Ysella, Elora, Heather, Diane at si Anisa." Pagpapakilala ni Serenity sa kaniyang mga kaibigan.

      "Ah, kaibigan mo na rin si Anisa. Isang karangalan ang maging kaibigan ka ng aking anak at syempre kayo ring iba niyang kasama. Salamat at kayo ay nakadulo at naging kaibigan ng aking anak. Salamat sa inyo." Ang sabi ni Haring Vesonto.

       "Hindi ba't ikaw si Manang Felicia? Ang dati naming katulong dito?" Tanong naman ni Reyna Caelia kay Manang Felicia.

      "Ay, opo, opo. Ako po iyon. Salamat po at ako po ay inyong naaalala pa." Ikinagalak naman ni Manang Felicia ang muling pagkilala sa kaniya ng mag-asawa.

        "Walang anuman, isang karangalan ang muli kang makita at makausap." Ang sabi naman ni Reyna Caelia.

       "Kami po ay uuwi na, sigurado po akong napagod din ang Prinsesa sa kaniyang kaarawan. Maligayang kaarawan muli sa'yo." Ang sabi naman ni Manong Conor.

       "Salamat po." Ang sagot ni Prinsesa Serenity.

       Hinatid sila ng Hari, Reyna at ng Prinsesa papalabas ng palasyo at may sinabi pa ang Hari bago pa man sila makauwi.

       "Maaari kayong bumisita muli sa aming palasyo. Ang pintuan ng palasyo ay laging bukas para sa inyo." Ang sabi ng Hari sa kanila.

       Isa-isa silang nag-pasalamat sa pamilyang De Fleune at umalis na.

~••••••~

       Pagkauwi na pagkauwi nina Loreen at Remie, agad silang naligo dahil nainitan sila sa palengke, matindi ang sikat ng araw at tagatak ang kanilang pawis habang sila ay namamalengke.

       Nang matapos maligo ang dalawa. Agad silang nag-pahinga. Muling naisip ni Loreen ang nangyari kanina, ang kaniyang nakita. Inisip niyang mas maganda kung hindi ito sabihin kay Remie ngunit ang pangyayari kanina ay talagang binabagabag siya.

       "Remie... may nakita na naman akong kakaiba kanina sa palengke." Sa wakas at nag-salita na siya.

       "Ano na naman ang nakita mo?" Tanong ni Remie, hindi na ito bago sa kaniya dahil lagi namang may kinukuwento si Loreen na kababalaghan sa kaniya.

       "Basta isang babae, duguan. Ang sama ng tingin sa akin, parang gusto akong patayin. Hindi ko maintindihan kung bakit nakikita ko siya, parang siya rin yung babaeng nakikita ko sa panaginip ko." Ang paliwanag naman ni Loreen kay Remie.

       "Baka naman imagination mo lang 'yon. Malay mo crush ka, lagi kang sinusundan, ayiee." Biro ni Remie ngunit hindi natuwa si Loreen dito.

       "Alam mo hindi ko ba alam kung kailan ka titino. Ang sarap mong ihagis kasama yung bato." Sabi ni Loreen dito, may halong pagkagigil.

       "Ito naman high blood lagi, nagbibiro lang naman. O, siya, kailan mo ba balak itapon 'yang batong 'yan? 'Yan kasi siguro ang nagdudulot ng mga nangyayari sa'yo, nightmares and everything." Ang sabi ni Remie kay Loreen.

        "Basta kapag sinabi kong itatapon na, itatapon na at dapat kasama ka. Ang umangal 'di crush ng crush niya." Ang sabi ni Loreen kay Remie.

       Hindi na nakapagsalita si Remie kay naman ngumiti na lamang siya kay Loreen. Baka kasi hindi siya magustuhan ng crush niya.

~••••••~

       Bago pa man makaalis sina Grovioza sa kanilang bahay, ginamit na niya ang kaniyang kapangyarihan upang ipadala kay Anisa ang liham na kaniyang sinulat. Mahaba ang kaniyang sinulat doon kaya dapat lang na intindihin at basahin ito ng maigi ni Anisa.

       "Maraming pasikot-sikot ang kanilang palasyo ngunit ito ay aming napuntahan at tinandaan ni Zelar." Tumingin si Grovioza kay Zelar at agad na tumango si Zelar sa kaniya.

       "Ang espada? Nalaman mo ba kung nasaan ang espada?" Tanong ni Haring Batromonio.

       "Oo naman, ako pa ba? Napakadali lamang makuha ng kanilang espada at napakadaling tandaan kung saan ito nakapwesto. Kayang-kaya kuning ng bata." Ngumisi si Grovioza at tumingin kay Reyna Kanisha.

       "Malapit na tayong maghiganti sa traydor mong kaibigan. Hindi ka na malulungkot, siya naman ang makakaramdam ng lungkot at pighati. Kaunting pag-aantay na lamang ang iyong gagawin, Reyna Kanisha." Ang sabi nito sa Reyna.

        "Nag-padala na rin ako ng liham kay Anisa, sa isa pa nating matalinong kakampi. Naroroon na ang kaniyang dapat na gawin sa liham kaya walang dapat na ipag-alala."

"Ang ating plano ay unti-unti na nating naayos at ang ating dapat na lamang na pag-usapan ay kung kailan natin sila susugurin." Ang sabi ni Grovioza sa kaniyang mga kasama.

       "Siguraduhin mo lang na hindi tayo mabubuking at gagawing tanga ng Anisa na 'yan dahil kung siya ay kumaliwa, damay tayong lahat." Ang sabi naman ni Reyna Kanisha sa kaniya.

       "Hindi niya iyon kayang gawin dahil babalik siya sa kaniyang permanenteng mahimbing na pagtulog kapag siya ay naging isang traydor rin." Ang sagot naman ni Grovioza dito.

       "At saka alam naman ng kabilang kaharian at gusto niyong kunin at nakawin ang kanilang espada kaya hindi na masyadong nakakatakot para sa inyo ang darating na digmaan dahil alam naman nila ang inyong dahilan kung bakit gusto ninyong magkaroon ng digmaan." Ang sabi pa ni Grovioza.

       "Iyon nga lang mahihirapan kayo dahil bukod sa prino-protektahan ito ng nakararami sa kanila, ang Hari ang isa sa pinakamahirap na inyong makakalaban." Dagdag pa ni Grovioza.

       "Ang plano ay susugod tayo sa kanilang kaharian nang wala silang kaalam-alam. Lahat ay papatayin ngunit ang Prinsesa lamang ang hindi, kailangan natin siya dahil si Prinsesa Serenity ay mahina, madali nating makukuha ang kaniyang loob kapag nalaman niyang siya na lamang ang natitira sa kanilang kaharian." Ang paliwanag ni Haring Batromonio.

        "Hindi, mayroon pa akong ibang mga plano na mas makatutulong. Ang kuwintas, naibigay ko sa iba ang kuwintas... mayroon pa akong ibang plano sa kung sino man ang may hawak ng kuwintas at sa kung sino man ang nasasakupan ng may hawak nito, sila ang mga tinatawag kong biktima." Ang sabi ni Grovioza.

       Samantalang si Zelar ay nakikinig lamang sa kanilang usapan. Alam niya ang lahat ngunit hindi niya pwedeng sabihin sa iba. Matapang na babae ngunit takot sa taong muli siyang binuhay, mas gusto niyang mabuhay kaysa sa mamatay nang tapat.

Adventures in Efarial ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon