Chapter 28

86 75 50
                                    


       "Mama!" Nagulat na lamang si Manang Felicia nang buksan ni Heather ang pinto.

        Naroroon ang kaniyang tatlong anak, sina Rhea, Leifana at Jude. Sinama ni Jude ang kaniyang nag-iisang anak at nag-iisang apo nina Manang Felicia at Manong Conor.

Natuwa sa sobrang saya si Manang Felicia nang makita niyang muli ang kaniyang mga anak. Hindi niya aakalain na sa araw na ito ay muli niyang mayayakap at makakasama ang mga anak niyang matagal na niyang gustong makita.

Naroroon din si Manong Conor na halos hindi mapigilan ang sarili sa sobrang saya at niyakap ang kaniyang tatlong anak at pati na rin ang kaniyang maliit na apo.

"Pasensya na Mama kung ngayon lang kami nakabisita ulit." Ang sabi ni Jude, ang pangalawa sa magkakapatid.

"Pinagplanuhan talaga namin na sabay-sabay kaming bibisita dahil mas masaya kapag lahat kami makikita niyo sa isang araw." Ang sabi naman ni Leifana.

Napansin ni Rhea ang limang babae na hindi niya kilala at tinuro sila.

"Sino po sila Mama?" Tanong ni Manang Felicia, tumingin siya sa limang babae na nanahimik at ngumiti sa kaniyang mga anak.

"Ay ito si Diane at Anisa, ang marunong na marunong magsalita ng Ingles. Ito naman si Heather, ang magaling sa gawaing bahay, si Elora ang mahilig magtanim sa aming hardin at ito naman si Ysella ang pinakamaalaga sa kanilang lahat." Pakilala ni Manang Felicia sa limang babae.

"Mababait sila at mas matanda sa inyo sina Ysella, Anisa at Diane kaya naman bigyan niyo sila ng respeto at pati na rin si Heather at Elora." Ang sabi naman ni Manong Conor.

"O, siya! Magluluto muna ako ng inyong makakain. Dito muna kayo mag-usap-usap." Ang sabi ni Manang Felicia.

"Kumusta kayo? Jude ang pangalan ko, ang pangalawa sa magkakapatid. Ito naman ang anak kong si Saed." Ang sabi ni Jude sa kanila.

Nagtaka naman si Heather sa pangalan ng batang lalaki at tumingin kay Jude.

"Saed? Magandang pangalan iyon, unique." Ang sabi ni Heather sa nanay ng bata. Ngumiti naman si Jude at maya-maya kinalong ni Heather si Saed.

"Ako naman si Leifana, ang pangatlo. Kasal na rin ako ngunit hindi pa nagkakaroon ng anak. Mama at Papa ko muna ang pagsisilbihan ko sa ngayon. Gusto kong makatulong sa kanila." Ang sabi naman nito sa lima.

"Parehas tayo, wala pa rin akong anak ngunit kasal na ako." Ang sabi naman ni Ysella kay Leifana.

"Maganda ang magkaroon ng anak lalo na kapag baby pa lamang. Napakacute at masarap yakapin." Ang sabi naman ni Elora sa dalawa.

"Ako naman si Rhea, kakatapos ko lang mag-aral at agad naman akong nagkaroon ng trabaho. Wala pa sa isip ko ang pagkakaroon ng asawa dahil mas gusto ko muna mapag-isa sa ngayon." Ang kuwento naman ng bunso na si Rhea.

"It's okay, you don't really have to rush yourself into something you aren't ready yet." Ang sagot naman ni Diane ngunit si Anisa ay tahimik lamang na nakikinig sa kanila.

Hindi man lang nagsalita at maya-maya habang abala ang lahat sa pag-uusap siya naman ay dahan-dahang lumabas ng pinto at hindi nagpahuli sa kaniyang mga kasama.

Nang makalabas siya, agad siyang tumakbo nang mabilis, nakasulat sa liham na sila ay magkikita ni Zelar sa araw na ito sapagkat mayroong importanteng detalyeng sasabihin si Zelar sa kaniya, ayaw niyang magsayang ng panahon at oras kaya naman minadali niya ang kaniyang pagtakbo.

Adventures in Efarial ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon