[10]

2.8K 66 0
                                    

[Chapter 10]

"Sorry i got carried away." Pinagmasdan ko si Mariele na tumatawa sa harapan ko. Tumigil na sa pagpatak ang mga luha niya at naiwan na lang ngayon ng bakas ng kanyang pag iyak ay ang namumula niyang mata at ilong.

"Elle eto na yung listahan." Lumabas mula sa kusina si Matilda hawak ang isang papel.

"Anong nangyari? Bakit ka umiiyak?" Tanong nito ng mapansin niya siguro ang pamumula ng mata at ilong ni Mariele.

"Wala, may kinuwento lang si Tara na ikinaiyak ko." Tumawa ito at inabot ang papel sa kamay ni Matilda.

"Eto na lahat?" Tumango si Matilda. "Okay."

"Tara mamimili lang ako sandali." Paalam niya at tumayo. Bigla akong nakaisip ng ideya. Tutal ay wala naman akong ginagawa buong maghapon rito kung hindi tumingala sa kisame bakit hindi nalang ako sumama sa kanya?

"Pwede ba akong sumama?" Tanong ko. Nagkatinginan silang dalawa. 

"Huwag na, mabilis lang naman ako." Sabi niya pero tingin lamang ang isinagot ko sa kanya. Hindi kaya sinabihan siya ni Carver na huwag akong palabasin dahil baka tumakas ako at masayang ang limang milyon niya?

"Alam ko yang iniisip mo. Hindi sinabi ni Carver na ikulong ka namin dito okay?" Sabi ni Matilda na ikinabuka ng bibig ko. Paano niya nalaman ang iniisip ko?

"I'm not a mind reader if that's what you're thinking, halata lang sa mukha mo." Nakangiting aniya. Tumango naman ako at nilipat ang tingin kay Mariele.

"Pwede ba kong sumama?" She let out a sigh.

"Fine, basta wag kang lalayo sakin at baka maligaw ka." Aniya na siyang ikinatuwa ko. Maliit akong ngumiti sakanya at tumayo na.

Nagtinginan pa silang dalawa na tila nagdadalawang isip bago sumunod sa akin palabas si Mariele.

"Take care, Tara huwag kang lalayo kay Elle ha?" Bilin ni Matilda na para bang isa akong bata. Mabilis akong tumango sa kanya.

"Don't worry Nay akong bahala sa kanya." Matalim na ibinaling ni Matilda ang tingin kay Mariele.

"Nanay mo muka mo!" Bahagya akong natawa habang nakatingin sa kanya.

"Sige na bye bye baka gabihin pa kami ng uwi." Hinila na ako ni Mariele. Lumingon ako kay Matilda at ngumiti ng bahagya bago siya tinalikuran.

"Mag e-excercise tayo ngayon." Sabi ni Mariele habang diretso ang paningin sa daan.

"Lalakarin pa natin hanggang palabas ng subdivision." Nilibot ko ang paningin sa paligid. Ngayon lang ako nakalabas sa malaking bahay na yon ni Carver at hindi ko inakala na subdivision pala ito.

"Bakit walang mga bahay kung subdivision to?" Inilipat ko ang tingin kay Mariele.

"Hindi ko rin alam, siguro walang taong gustong magpagawa ng bahay dito." Aniya habang diretso parin sa daang tinatahak namin ang tingin.

"Pero sa bintana ng banyo kita yung—"

"Nasa bandang dulo na kasi yung bahay ni ser Carver at kung di mo kita may pader doon sa likod at sa likod ng malaking pader na yun ay ang parang bayan ganon. Doon tayo pupunta." Sabi niya at ngumiti sa akin. Tumango na lang ako at tumingin na ng diretso sa daan.

TAHIMIK kong itinutulak ang pushcart na kinuha ni Mariele habang siya naman ay seryosong nakatingin sa papel na ibinigay ni Matilda. Kadarating lang namin dito sa grocery store dahil mahigit 20 minutes ang nilakad namin palabas ng subdivision. Sobrang higpit pala sa subdivision na yun dahil napaka daming guards ang nagbabantay sa main gate. At nagulat pa ako ng tatlo ang gate na nadaanan namin bago kami tuluyang makalabas.

"Ano ba to? Nakakainis naman yun ang panget ng handwriting." Reklamo ni Mariele habang kunot noong binabasa ang nasa papel na hawak niya.

Tumingin ako sa paligid at tumama ang tingin ko sa isang bata na naglalakad sa dulong parte ng seasonings section. May hawak itong isang pack ng jelly ace sa maliliit na kamay nito. I think she was only four or five years old.

"Mama!" Sigaw nito habang nakatutok ang mga mata sa babaeng nasa likuran ko. Lumingon ito sa bata at ngumiti dahilan para tumakbo ang bata palapit rito. Malaki ang tiyan nito na sa tingin ko ay pitong buwan na.

"Ma bili natin to please?" Ngumuso ang bata sa ina dahilan para mas lalong mapangiti ang kanyang ina.

"Ilagay mo na. Tama na yan ha?" Saad ng ina. Tumalon talon sa saya ang bata.

"Mommy i want this!" My mom look at me with frown on her face.

"No baby, you have too many sweets na oh look." She pointed the cart full of items.

"But i want this mommy!" I put the pack of my chocolates on the cart. My mom grabbed it and place it again in the stall.

"I said no!" May galit sa boses nito na nagdala ng emosyon sa akin. My tears began to form on my eyes.

"I hate you! I love Daddy more!" I shouted. She was froze in a moment but when she realised what i said she immediately look at me with a death glare.

"You brat—"

"Hon i found the frozen section—why are you crying baby?" My dad bend his knees and carry me.

"I want chocolates, daddy." My tears began to fall ng maramdaman kong may kakampi na ako.

"Where is it?" He asked but my mother immediately disagreed.

"No Taro, huwag mong i-spoiled ang anak mo." She said na lalong nagpaiyak sa akin. I want my chocolates!

"Shh don't cry, here daddy will buy it for you." Mabilis na ibinigay sa akin ni Dad ang paketa ng chocolate dahilan para agad akong tumigil sa pag iyak.

"You keep on spoiling that brat, magsama kayong mag ama." Galit na sabi ni mommy at mabilis na naglakad. Nagkatinginan kami ni Daddy.

"Mommy got mad at us." He said. Tiningnan ko ang pack ng chocolates sa kamay ko at muling hinabol ng tingin si mommy.

"W-we can buy this t-tomorrow daddy." Sabi ko at inabot sa kanya ang pack of chocolates. Ngumiti siya sa akin at natawa ng bahagya.

"I promise to buy you a lot tomorrow okay?" Mabilis akong tumango sa kanya.

"Go and chase your angry mom." Ngumiti ako at mabilisna tumakbo palayo sa kanya. I want to say sorry to mom!

If only i knew that my father will end the life of the most beautiful woman i had in my life, i will never say that to my loving mother. A single pat made me come back to my senses.

"What are you staring at? Kanina pa kita tinatawag." Kunot noong tanong sa akin ni Mariele. Ngayon ko lang napansin na wala na ang mag ina sa likuran ko.

"Naiintindihan mo ba to? Hindi ko maintindihan eh." Itinapat niya sakin ang papel at agad ko naman naintindihan ang nakasulat.

"Fresh milk." She gasped.

"How can you read this so easily?" Umiling iling ito bago nagpatuloy sa paglalakad patungo sa section ng dairy products. Tahimik naman akong sumunod sa kanya.

___________________________________

@ Kimonokun

Chase of DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon