[13]

2.7K 68 0
                                    

[Chapter 13]

Gabi na at nakaupo ako ngayon sa counter bar habang pinagmamasdan si Matilda na hinihiwa ang sangkap para sa lulutuin niyang kare kare daw. Si Mariele naman ay nasa kwarto nila at naliligo.

"Are you waiting for him?" Mula sa hinihiwa niya ay inangat ko ang tingin ko kay Matilda. Saglit niya akong tiningnan bago muling ibinalik sa hinihiwa ang tingin.

"Hindi naman." Pinagkrus ko ang dalawang braso ko sa ibabaw ng counter bar at ipinatong dito ang baba ko.

"Hindi daw pero kanina ka pa panay sulyap sa pinto." Sumilay ang ngiti sa mga labi niya. Malalim akong bumuntong hininga. I'm just curious.

"Nagtataka lang ako kung bakit lagi siyang wala sa sarili niyang bahay. Is he really that workaholic?" She shrugged.

"Ang alam ko, bawat minuto at segundo sa kanya ay mahalaga. He doesn't want to waste his precious time watching a series in his room." She said na para bang natatamaan ako ng bahagya. Halos inubos ko na kasi ang oras ko sa maghapon kapapanood ng tv noong mga nakaraang araw.

Pumangalumbaba na lamang ako at tahimik na pinanood siya. Alam kaya nila na nakakabit na sa pangalan ko ang apilyedo ni Carver? I wonder if they already knew about it.

"Sa totoo lang, this isn't his house." She put the chopping board and knife in the sink.

"What do you mean?" Ipinatong niya ang parehong palad sa counter table at tumingin sa akin.

"Well this was his parents house. His real house is where he usually works." She smiled at me before she continue what she was doing. Binuksan niya ang kalan at nagpakulo ng tubig sa kaldero.

"Kaya ba wala akong nakikitang kahit isang picture man lang na madalas nakasabit sa mga bahay?" She nodded. Why? There's no trace of them being in this house.

"Where are they?" Tanong ko pa. saglit siyang natigilan.

"They died 20 years ago. Car accident." I felt like i was sink in a cold bath of water. I was totally froze for about a minute. I didn't expect that.

"Never bring up this topic to Sir Carver. I told you what happened because I don't want you to ask him." I slowly nodded.

If his parents died 20 years ago then it means he was only 5 years old when he became an orphan. Same age as me. Is that why he bought me? Because he felt like we have the same experience from the past?

"Gusto mo turuan kita magluto?" Ngumiti ako ng bahagya at tumango. Tumayo ako sa kinauupuan ko at lumapit sa tabi niya.

IT'S BEEN four days since i last saw Carver. I mean since the last time he went home. Tatlong araw na rin kaming nagpapana pana ni Mariele at halos nasasanay na ang kamay ko sa paghawak ng pana at palaso. Hindi naman ako nasusugatan dahil kumpleto ang safety equipment na isinusuot sa akin ni Mariele.

"Tara tikman mo to." Tumabi sa akin si Mariele at inabot ang isang pirasong cookie sa kamay niya.

"Anong lasa?" Tanong niya agad ng abutin ko ito.

"Hindi niya pa nga natitikman." Singit ni Matilda na kalalabas lang sa kusina.

"Go ahead Tara!" Nakangiting sabi pa ni Mariele. Kumagat ako ng kapiraso sa cookie at ang inaasahan kong ang lasa nito ay matamis o di kaya ay may tamang tamis.

"Masarap right? Matilda keeps saying that I'm not a good baker—" Natigil siya ng makita ang ekspresyon sa aking mukha. Para akong kumain ng isang buong asin.

"You have a lot to improve Mariele." I gave her a small smile at pinilit na nilunok ang kapirasong cookie na kinagat ko.

"Told you!" Sigaw ni Matilda bago tatawa tawang bumalik na sa Kusina.

Chase of DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon