[20]

2.3K 65 4
                                    

[Chapter 20]

Maaga akong gumising kinabukasan. Ala sais pa naman ang pasok ko kaya alas singko palang ay mulat na mulat na ko. Halos hindi nga ako nakatulog kagabi dahil iniisip ko ang mga pupwedeng mangyari ngayong araw. Isa rin sa bumabagabag sa akin ang dahilan kung bakit ba para akong nalugi kagabi. Ano bang inaasahan kong gagawin ni Carver? Bakit ako nakaramdam ng ganun?

Sinuklay ko ang hanggang dibdib kong basang buhok. Isinukbit ko ang maliit na bag ko sa likod at lumabas na ng kwarto. Pagkababa ko ay bumungad agad sa akin ang nakangiting si Mariele at Matilda.

"Ayan na si school girl." Sabi ni Mariele. Bahagya akong natawa at dumiretso na sa counter table.

"Ala sais na, diba alasyete ang pasok mo? Half hour pa ang biyahe mo kaya bilisan mo na." Paalala ni Matilda bago ibinigay sa akin ang isang basong kape. Kinuha ko naman yun at ininom.

"Hindi ko alam papunta." Napatulala ako sa kanilang dalawa. Ni hindi ko alam ang daan at sasakyan papunta sa school na yun. Kahit nga ang pangalan ay hindi ko pa alam. Tinawanan ako ni Mariele.

"Ihahatid ka ni sir Carver siyempre." Sabi ni Mariele. Si Carver? Bakit si Carver?

"Hindi ba pwedeng si Mang—"

"Nope! Si sir Carver lang ang maghahatid sayo palagi. For safety na rin siguro." Saglit akong humigop sa kape ko.

"Hindi ba siya maaabala kung araw araw niya akong ihahatid?" Mabilis na umiling si Mariele sa harap ko.

"Hindi naman." Humikab siya at humigop sa hawak niyang baso ng kape. "Muka ka talagang elegante tingnan sa uniform na yan." Ngumiti lang ako ng kaunti.

Maya maya pa ay bumaba na si Carver. Nakasuot siya ng black suit at agad akong sinenyasan na sumunod na sa kanya. Mabilis naman akong tumango at nagpaalam na kila Mariele.

"Mag iingat ka ha?" Sabay na paalala ng dalawa bago ako sumakay sa front seat ng kotse ni Carver. He told me to sit here not in the back.

Kumaway ako sa bintana kila Mariele bago paandarin ni Carver ang sasakyan. Isinara niya na ang bintana at tahimik na kaming bumyahe.

"I want you to remember three things." He suddenly said in the middle of silence. Nilingon ko naman siya.

"First, i dont want you talking to anyone outside the university." His eyes were still focusing on the road. Tumango ako bilang sagot sa kanya. Wala rin naman akong ibang kakausapin at lalo na sa labas ng university dahil wala naman akong ibang kakilala.

"Second, i want you to inform me if you ever feel or see any suspicious student inside the university." Napakunot ang noo ko.

"What do you mean?" He take a quick glance at me. "If someone keeps asking you about your information or anything that might be related to me since you're now using my last name."

"Okay." Naagaw ang pansin ko ng mga estudyanteng nagsisimula na magsidatingan. We're here?! Biglang nanlamig ang mga kamay ko. Bigla akong kinabahan.

Tumigil ang sasakyan sa gilid ng building kung saan malapit sa entrance. Ilang beses ang nagbuntong hininga bago nilingon si Carver na ngayon ay mukang kanina pa nakatingin sa akin.

"W-what's the third rule?" Nakatingin lang ito sa akin na para bang binabasa ako.

"Are you okay?" Mabilis akong tumango sa kanya.

"Kinakabahan lang ako." Pinaglaruan ko ang kamay ko habang pinapasadahan ng tingin ang iilang mga estudyante.

"Don't be, you will be fine. No one will hurt you inside." He held my shaking hand and make me feel the warmth on his hand. Marahan akong tumango sa kanya at ngumiti ng bahagya. I hope he's right, i hope no one will really hirt me here.

"Mauna na ko." Paalam ko at binuksan na ang pinto sa tabi ko.

"W-wait." Pagpigil niya na para bang nabigla pa ito ng magpaalam ako. Hawak niya ang kamay ko kaya agad ko siyang nilingon ng may pagtatanong.

Mabilis niyang hinila ang kamay ko at siniil ang mga labi ko. Nanlaki pa ang mga mata ko sa pagkagulat. Ramdam ko ang malambot at nakakahumaling niyang labi sa labi ko. Ang labing kagabi ko pa tinititigan, ang labing dahilan ng pagkadismaya ko kagabi. Kusang pumikit ang mga mata ko ng hindi ko man lang namamalayan. His lips were moving in a very slow rythm. I can feel myself accepting his kisses and following every moves of his lips.

Ilang segundo pa bago nito putulin ang halik na halos ikagulo ng mga paro parong tahimik na natutulog sa tiyan ko.

"Take care." He said in a very low tone of his voice. Wala ako sa sariling tumango at lumabas ng sasakyan.

Naglakad na ako patungo sa entrance ng hindi na muli lumilingon pa sa likuran ko kung nasaan ang kotse ni Carver. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko at alam kong hindi na ito dahil sa nerbyos na nararamdaman ko kani kanina lang. Dahil na to sa ginawa ni Carver. Sa ginawa niyang hindi ko maintindihan kung bakit.

Ramdam ko ang dugo kong umaakyat sa pisngi ko. Malamang ay pulang pula na ang mukha ko kung titingnan. Nakakabigla yung nangyari. Hindi kaya nakainom ulit ng maling gamot si Carver? Pero mukang ayos lang naman siya at mukang normal naman siya kanina.

Nakatakip ng palad ko ang bibig ko habang papasok ako sa loob ng unibersidad.

What did you just do Carver?


___________________________________________

Kimonokun

Chase of DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon