[48]

2K 49 5
                                    

[Chapter 48]

    
Hila hila ako ni Carver palabas ng office niya. Dinala niya ako sa ibabang parte ng lugar kung saan nakita ko kagabi ang mga tauhan niya pero nakakapagtaka dahil bilang na lamang sa daliri ang nakikita kong tao ngayon dito.

Pinaupo niya ako sa isa sa mga upuan at dumiretso siya sa cashier. The place looks like a canteen. May counter na napupuno ng ibat ibang klase ng pagkain na halatang masasarap base sa mga itsura at amoy nito na kumakalat sa kapaligiran habang nakalined up naman ang mga upuan at mesa sa paligid. May mga iilang mga kalalakihan rin ang kumakain at halos lahat sila ay ngumingiti at yumuyuko kay Carver kapag dumadaan o nakikita nila ito. Hindi ko tuloy maiwasang maisip na ganun pala talaga kataas ang tingin at respeto nila kay Carver para galangin nila ito ng ganito. Napapailing na lamang ako habang pinagmamasdan ang likuran niya habang kinakausap niya ang babaeng cashier, nakakamangha ang otoridad na meron siya.

Sabagay kahit ang pagtindig at pananalita palang nito ay nagsusumigaw na ng otoridad na tila kapag inutusan ka ay wala kang magagawa kung hindi sundin ang anumang sasabihin nito. Lalo na kapag dumapo sayo ang malalalim na mata nito na talaga namang nakaka intimidate. Para kasi itong bubuga ng apoy sa tuwing dadapo ang umaapoy nitong mata sayo.

"Thank you." Saad ko sa binatang naglapag ng platong may lamang masarap na putahe sa harapan ko na mukhang mas bata ng limang taon sa akin. Ngumiti lamang siya sakin bago siya umalis sa gilid ko.

Tila naglaway ako ng maamoy ko ang masarap na bbq chicken thigh sa harapan ko. Grabe amoy palang ay ang sarap sarap na, pakiramdam ko ay busog na ako dahil sa amoy lang nito. Hinawakan ko na ang kutsara at tinidor ko at akmang kakain na pero nagtaka ako ng makita kong ako lang ang may pagkain. Nag angat ako ng tingin sa kaharap kong si Carver at nakitang tahimik lang siyang nakatingin sa akin.

"Hindi ka ba kakain?" Tanong ko.

"I'm fine, go ahead and eat." Tumango na lang ako sa sinabi niya at nagsimula na kumain. Nagugutom na talaga ako at ramdam ko na rin ang pagwawala ng sikmura ko dahil sa gutom kaya naman hindi ko na inintindi si Carver.

Inilapag ko sa mesa ang baso ng tubig at napahawak sa tiyan ko. Grabe! Sobrang nabusog ako sa pagkain. Pinunasan ko ang bibig ko gamit ang tissue na nasa mesa at ibinaling kay Carver nag tingin. He was still staring at me! Hindi ba siya nagsawang titigan ako habang walang habas akong kumakain? Itinapat ko ang nakakuyom kong kamao sa tapat ng bibig ko ng hindi ko napigilang dumighay.

"You've been staring for quite long." I said and i saw the corner of his lips twitched because of what I've said.

"Are you uncomfortable with that?" Umiling ako sa tanong niya. Ang totoo ay unti unti na akong nasanay sa mga tingin niya. Mula pa noon ay tinatapunan niya na ako ng mga ganyang tingin niya, tingin na para bang nanghahalukay ng loob. Palagay ko ay medyo immune na ako sa paraan ng pagtitig niya kaya naman hindi na ako naiilang pa dito.

Matapos kong makapagpahinga mula sa pagkain ay niyaya na rin ako ni Carver na umuwi na siyang sinang ayunan ko naman. Hindi ko na ulit nakita pa sila Xiara sa paligid kaya naman hindi ko na nagawang makapagpaalam pa sa kanila bago kami umalis. Nang makalabas kami ni Carver sa base ay namangha parin ako sa kakaibang pagkakagawa sa lugar na ito. Kahit sa mga movies na pinanood namin nila Mariele ay hindi ako nakakita ng isang bahay o kung ano mang secret base sa ilalim ng lupa na talaga namang hindi mahahalata ng kahit na sino.

Pagkahatid sa akin ni Carver sa bahay ay umalis din siya agad dahil may mahalaga raw siyang pupuntahan at aasikasukin. Pumasok ako sa bahay at nakita ko naman agad sa sala si Matilda na mukhang nagpapahinga.

"Anong nangyari? Saan ka galing?" Tanong sa akin ni Matilda ng mapansin niya ang pagpasok ko.

Ikinuwento ko sa kanya ang nangyari sa loob ng main base na iyon at ang mga pag uusap namin ni Carver. Hindi ko na sinabi pa ang iilang mga detalye, yung mga bagay lang na sapat na para malaman niya ang buong pangyayari. Noong una ay nagulat pa siya dahil hindi daw niya inakala na dadalhin ako ni Carver sa main base nila para lang ipamukha sa akin na isa siyang masamang tao. Kahit naman ako ay hindi rin makapaniwalang ginawa niya iyon. It's their base, alam kong sobrang ikinatatago tago nila iyon at hindi nila ito agad agad na sinasabi sa kung sino sino lang.

Chase of DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon