[22]

2.2K 50 1
                                    

[Chapter 22]

"You sure?" Tanong sakin muli ni Caleb. He keep insisting that he want to give me a ride but i told him it's fine and someone will pick me up.

"Oo mauna ka na." Kumaway ako sa kanya kaya naman napilitan nalang siyang tumango.

"Alright I'll go ahead, take care." He waved at me and leave. Tahimik lang akong naghintay ng mga sasakyan na dumaraan sa tapat ng university. It's already 3pm and tapos na lahat ng klase ko. I'm just waiting for Carver to arrive.

Halos kalahating oras na akong naghihintay but there's still no sign of Carver. I got the phone from my bag and check if he called me but i saw nothing. Hindi ko alam ang daan pauwi at maging ang address ng bahay ay hindi ko rin alam. Paano ako uuwi?

Dumaan ang isang oras bago ko namataan ang isang pamilyar na white SUV na laging naka park sa garahe ng bahay. Huminto ito sa harap ko at bumaba ang bintana. Sumilay sa akin ang nakangiti si Kuya Miguel. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng pagkadismaya.

"Sorry Tara nahuli na ako, inayos ko pa kasi ang makina nitong kotse." Paumanhin nito.

"Ayos lang po." Ngumiti ako at sumakay na. Habang nakatanaw ako sa bintana ay hindi ko maiwasang maisip na bakit hindi man lang niya sinabi na hindi siya makakarating? Para naman ako nalang mag isa ang umuwi at hindi na inabala pa si Kuya Miguel.

Maybe something came up on his work that's why he didn't make it. Malalim akong huminga at isinandal na lamang ang ulo ko sa bintana habang tahimik na tinatanaw ang kalsada.

"Tara!" Masayang bungad sa akin ni Mariele ng makarating na kami sa bahay.

"Grabe nakakamiss ka! Hindi ka naman maingay para mamiss kita pero feeling ko kulang yung bahay pag wala yung presence mo." Sabi niya na ikinatawa ko ng bahagya. Lumabas si Matilda mula sa kusina na may dalang platong puno ng cookies.

"Ang drama neto." Sabi niya habang tinatawanan rin ang nakasimangot nang si Mariele.

"Mas masarap ang cookies ko kapag natuto ako." Bulong ni Mariele ng kumuha ako sa platong dala ni Matilda. Nakita ko namang siniko siya ni Matilda.

"Talaga ba? Kelan ka naman kaya matututo?" Pang aasar nito kay Mariele. Inilapag ko ang bag ko sa sofa at tumuloy na sa counter bar. Nagbuhos ako sa isang baso ng juice at ininom ito.

"Matututo na ko. Actually kasabay ko si Tara, magbebake kami para matuto kami ng sabay." Tumingin ito sakin at kumindat. Ngumiti naman ako at tumango. Gusto ko rin matuto tulad ni Mariele.

"Sabi mo eh. Siya nga pala kamusta ang pasok mo?" Bumaling silang dalawa sa akin. Nakita ko ang pagka interisado ni Mariele sa ikukwento ko tungkol sa unang araw ko.

"Ayos lang naman. Hindi ako gaano nahirapan humabol sa lesson." Pumangalumbaba si Mariele sa counter table at tumingin sa akin.

"May nakilala ka na bang kaibigan? How about the school? Maganda ba? Mabait ba yung mga kaklase mo?" Biglang bweltang tanong nito. Nakita kong natawa si Matilda bago ito nagsalin rin ng juice sa kanyang baso.

"Oo may nakilala akong isa. Maganda yung school at malaki. Malinis rin tapo—"

"Sino yung nakilala mo?" Bigla kong naalala si Caleb. Para pala siyang male version ni Mariele. Madaldal at palangiti.

"Si Caleb. Kaklase ko siya sa second at last subject ko." Tumango si Mariele.

"Is he nice?" Tumango ako bilang sagot.

Ikinuwento ko kay Mariele at Matilda ang nangyari buong araw ko tulad ng hiling nila sa akin kahapon. I told them about my subjects and those story of the school history that Caleb told me.

"Magpahinga kana." Ibinaba ko ang baso ko na may lamang tubig at lumingon kay Mariele.

She's wearing a facial mask. It's 9 o'clock and I don't know why am i hoping for Carver to come home. Alam ko naman na pasulpot sulpot lang siya ng uwi dito kaya naman nagtataka ako kung bakit umaasa akong makita siya ngayong gabi. Gusto ko lang naman sigurong itanong sa kanya kung bakit niya ako hinalikan kanina. Oo yun nga.

"You too." Sinubukan ngumiti ni Mariele sa akin pero nahirapan siya dahil sa facial mask na suot niya. Nagpaalam na ako sa kanya at umakyat na sa kwarto para makapagpahinga.

Sinarado ko ang pinto ng kwarto at dumiretso na agad ng higa sa kama. Nang makahiga ako ay tumapat ang tingin ko sa cellphone na nakapatong sa side table. Bumuntong hininga na lamang ako at ipinikit na ang mga mata.

What's going on Tara? You're not familiar to this feeling that is slowly growing inside you. I'm so confused about this feeling, this feeling is bothering me. I want an answer but I don't know where i can get answers from my unanswerable questions.

___________________________________________

Kimonokun

Chase of DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon