[16]

2.6K 62 0
                                    

[Chapter 16]

"Shit where is he?" I heard Niall's voice outside my room. After a minute the door opened with Niall's worried face.

"He fell asleep." I said when his eyes landed on the sleeping Carver. Tila ba nakahinga ng maluwag si Niall ng makita niyang nakadamit pa ako.

"I thought he did something, come on Matilda wanted me to call you for dinner." Tumango ako sa kanya at dahan dahang tumayo sa kama para hindi magising si Carver. Sabay na kaming bumaba ng tahimik ni Niall at nagtungo sa kusina. Naabutan naming nagtatawanan ang mga babae.

"Sino namang mag aakala na ganun ko lang kadaling matatapos yun?" Rinig kong sabi ni Mariele kaya Xiara. Tumayo si Matilda sa pagkakaupo niya sa sofa ng makita niya akong kasama ni Niall.

"Let's eat!" Sambit ni Xiara ng mapalingon ito sa akin.

Lahat kami ay nakaupo na sa hapagkainan. Napapagitnaan namin ni Matilda si Mariele. Sa harap ko naman ay si Xiara at katabi nito si Niall habang katabi naman ni Niall si Adrham. Nagsimula na kaming kumain at napapangiti ako ng bahagya sa tuwing nagbibiro ang mga ito.

"By the way Tara, we didn't have a proper introduction." Xiara said. "I'm Xiara Leroi."

"Adrham Ismael." Ngumiti sa akin si Adrham sabay subo sa kanyang kutsara.

"I'm Niall Zij Quiller, as you can see I'm the—" Naputol ang kasunod na sasabihin nito ng sabay sabay na magsalita ang lahat. Yes, including Matilda and Mariele.

"Most handsome in our group!" They all said in chorus. Nagtawanan kami at nagpatuloy na sa pagkain. Halatang malapit talaga sila sa isa't isa dahil kumportableng kumportable sila sa pagbibiruan at paglalaitan nila.

Halos napuno ng tawanan at kwentuhan ang hapagkainan. Napapangiti lang ako kapag natatawa ako sa mga kwento nila. Hindi naman ako makasabay sa kwentuhan nila minsan dahil hindi ko rin gaano alam ang ilang mga bagay na sinasabi nila.

"May kwarto pa naman sa itaas, doon nalang kayo matulog." Sabi ko habang pinagmamasdan ang tatlo na nakahiga sa mga two seaters na sofa sa sala. Mayroon kasing dalawang two seater at isang four seater. It's already 10pm. Napagpasyahan kasi nilang dito na matulog para nandito daw sila kung sakaling may gawin si Carver na siya namang ikinatawa ko. Mukhang wala silang tiwala kay Carver dahil sa sitwasyon nito ngayon.

"Okay na kami dito Tara, don't worry." Xiara smiles at me.

"Sigurado ba kayo?"

"Yup, you should rest na." Tumango nalang ako at nagpaalam na sa kanyang aakyat na. Kanina pa nagpahinga si Mariele at Matilda. Hindi pa naman kasi ako inaantok kanina kaya hindi ako sumabay magpahinga sakanila at nanood muna ako ng movie kasama sila Xiara.

I will spend the night in the guest room. I don't want to disturb Carver on his sleep dahil malamang na magigising siya kung pipilitin ko siyang umurong para makahiga ako o kaya ay palipatin siya sa kwarto niya. Malamang na hindi na siya matutulog at mangungulit lang buong gabi. I don't know if the drug he take really affect his sexual desire, because i think the drug affect his thinking that's why he keep on acting like a child. A clingy child.

Saglit kong sinilip ang kwarto ko at nakita ko namang mahimbing parin ang pagkakatulog niya habang yakap yakap ang isang unan. Dumiretso na ako sa guest room na siyang katabi lang rin naman ng kwarto ko at nagpahinga na.

IN THE morning, all of us are already awake except for Carver. We're all waiting for Matilda to finish cooking our breakfast. Xiara was sipping her coffee in the counter table while the boys are sitting in the four seater sofa in the living room while their eyes are still sleepy. I bet that Xiara force them to wake up.

Chase of DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon