[19]

2.4K 59 0
                                    

[Chapter 19]

Halos mag aalas dos na rin ng hapon nang makabalik kami sa bahay ni Carver. Agad kaming sinalubong ni Matilda ng makita niya ako kasama ni Carver. Ngumiti ito at agad na nagpresintang kuhain ang mga naipamili.

Dahil medyo hapon na at lagpas na sa oras ng lunch ay agad na naghain si Matilda ng pagkain at sinabing siya na ang bahala sa mga naipamili. Pinilit ko pa siya na ako na ang maglalagay ng mga stock sa cabinet pero ayaw niya pumayag at pilit akong itinataboy mula sa kusina. Sumuko na ako at naupo na rin sa hapag kasama si Carver.

Tahimik kaming kumakain at halos tunog lang ng mga kubyertos ang maririnig. Hindi ko alam na ganito pala ka awkward kapag dalawa lang kaming kumakain at ni isa ay wala pang nagsasalita. Lumipas ang ilang minuto bago nito naisipang basagin ang katahimikan.

"Tara, do you want to continue your study?" Bagay na siyang ikinagulat ko. What did he say? Study? You mean school? Bahagya akong natahimik at napaisip. I'm already 23 and halos wala naman akong natapos noon. The last graduation I experienced was when i was in kindergarden. Puro home study nalang ako at hindi pa tuloy tuloy.  

"I don't think i can still study, masyado nang late para sa edad ko." Tiningnan niya lang ako ng mahigit isang minuto.

"I will fix your papers and enter you on a good university." He said that made me curious about him. Siya kaya? Ano kayang natapos niya?

"I will put you on bachelor's degree program that requires only two years of studying. You'll graduate at the age of 25." Napatitig lang ako sa kanya at hindi nakapagsalita. Napangiti ako at tumango sa kanya. It's one of my dream to enter college but my dream was shattered when my life was begun to pass on different monsters.

"Thank you." I said with a genuine smile on my face. I saw how his expression was softened.

"I'm really thankful Carver, i never expected that someone like you will do this things to me." Ramdam kong galing sa puso ko ang pasasalamat ko sa kanya. Hindi ko inaasahan na may isang taong magiging mabait sa akin, na hahayaan akong mabuhay. Hindi iniisip kung papaano ako papatayin o pahihirapan.

"You are the opposite of the people I've met." Yumuko ako at tumitig sa plato ko. "You're too kind and words can't express how thankful i am that you're not one of them." 

I lift my face and look at him. The softness in his expression fades. It became strong and dark. But sadness was still visible on his eyes. His hands were clenched in the table and his eyes was staring blankly at me.

"I'm not kind Tarasandra." Nanatiling nakatitig ang mga mata ko sa kanya. "I don't want you to say that again."

He stand up and leave me in silence. I was left in the table alone with full of unanswered questions. There's still a lot of things I don't know about him, I mean i don't really know him. That's why i can't really understand.

•••

It's been a week since Carver told me about the college thing. He was gone for three days and when he came back he told me that everything is fixed. Maaari na daw akong pumasok next week, kasisimula palang naman daw ng klase sa first term kaya hindi ako ganoon mahihirapan. Sobrang natuwa ako at halos mayakap ko na siya nun. Hindi ko inakala na makakaranas na akong mag aral sa normal na paaralan after all this years.

Naaalala ko parin yung sinabi sa akin ni Carver that he's not kind. Iniisip ko na lang na ayaw niyang masabihan ng mabait or any compliment just like me. Para hindi na ako pilit na maghahanap ng sagot sa mga tanong na bumabagabag sa akin since that day.

"Kapag may assignments ka just ask me kasi alam mo ba sobrang talino ko. Marami akong medals sa amin." Sabi ni Mariele habang tinutulungan niya akong ayusin ang blouse ko. I was wearing the school's uniform, sinusukat ko ito para makita ni Mariele dahil kanina niya pa ako kinukulit na sukatin ko ito.

It was a white feminine blouse with a black bow collar. It's also paired with black high waisted skirt. Umaabot ang haba nito sa tuhod ko.

"This uniform makes you look so elegant Tara." Nakangiti si Mariele habang nakatingin rin sa malaking salamin sa kwarto ko.

"Excited ka na ba?" Masayang tanong niya na sinagot ko ng sabay sabay na tango.

"Promise me ikukwento mo sakin agad lahat ng mangyayari bukas ha?" Nakangiti siya habang sinasabi ito. Tumango ako at ngumiti rin sa kanya. Totoong naeexcite ako, ito ata ang unang beses na mag aaral ako at makakakilala ng mga tao. Pero medyo natatakot at ninenerbyos din ako sa naiisip kong baka saktan nila ako. I don't know maybe i just got too scared na sa tingin ko lahat ng tao ay gusto akong saktan.

May pumasok sa pinto kaya naman agad kaming napalingon dito ni Mariele. Bahagya akong ngumiti kay Carver. "Sige mauna na ko Tara, magpapahinga na rin ako para maaga akong magising bukas at maabutan kita."

Ngumiti ako kay Mariele bago siya lumabas. Naiwan naman kami ni Carver na ngayon ay simpleng nakatingin lang sakin.

"It suits you." He said as he walk towards me. Naramdaman ko nanaman ang kakaibang bagay na umiikot sa sikmura ko. I used to hear this on Mariele's favorite series on tv. I'm having butterflies in my stomach.
  
"Thank you." Ngumiti ako sa kanya at hinubad ko ang sapatos na suot ko na siyang gagamitin ko rin bukas.

"Here." He handed me a box.

"This is for you to contact me." It's a phone. Kinuha ko ito at tinitigan. Malamang na mahal ito base na rin sa ganda ng picture nito sa box.

"Thank you." Muling sagot ko. Lumapit pa ito sakin at tinitigan ako. Bumuka ang bibig niya na tila may sasabihin pero agad rin iyon sumara. My eyes was fully captivated on his lips.

Hindi ko maalis ang mga tingin ko sa labi niya. I even want to slap myself for staring. Nakailang kurap ako bago umiwas ng tingin. Napalunok na lang ako at bahagyang umatras. Bakit bigla ata akong nauhaw.

"You should sleep." He said and stepped backwards. I suddenly felt so dismayed. Ang kaninang masayang ako ay napalitan ng pagkadismaya sa hindi ko malamang dahilan.

"You too." He nodded and turn around. Making me face his back. Napabuntong hininga ako at tahimik na napaupo na lang sa kama. Narinig ko pa ang pagsara ng pinto. Mariin akong napapikit at napasabunot sa sarili kong buhok.

What am i thinking?!
  
____________________________________________

Kimonokun

Chase of DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon