[53]

1.9K 41 0
                                    

[Chapter 53]

Inabot ng halos 15 minutes bago dumating ang isang sasakyan. Sakay nito si Denson,  Adrham at si Niall na siyang nagmamaneho sa sasakyan.

"O shit!" Saad ni Niall ng makita ang mga bangkay sa paligid. Inabot niya kay Carver na nasa tabi ko ang susi ng minaneho niyang sasakyan.

"Boss confirmed mga tao nga to ng Lertex base sa nga tattoo sa braso nila." Rinig kong saad ni Denson bago ako pinapasok ni Carver sa sasakyang dala ni Niall.

Isinarado niya ang pinto sa tabi ko at kinausap ang mga ito. Nakaramdam agad  ako ng kakumportablehan ng isandal ko ang likuran ko sa sandalan ng upuan. Hindi parin ako makapaniwala sa mga nakita ko kanina, kung papaano nagawang matalo ni Carver ang dosenang mga tauhan ni Mandolin. Sadyang nakakahanga ang pagiging bihasa niya sa pakikipaglaban. Alam kong natural lang sa mundo nila ang pakikipag patayan pero hindi ko inaakala na ganito ang kakayahang meron si Carver.

Halos nakailang hikab rin siguro ako bago ko nakaramdam ng antok. Hindi ko na namalayan na dahan dahan na pala akong nahila ng antok hanggang sa makatulog ako.

•••

NAGISING na lamang ako ng masinagan ang mata ko ng kaunting liwanag na nanggagaling sa kurtina. Mukhang nasa direksyon ngayon ng bintana ko ang tutok ng araw. Agad akong nagmulat ng tingin at bumangon sa kama. Napagtanto ko na iba na ang suot kong damit. I am now wearing a white shirt and a cotton shorts. Wala naman akong naaalalang nakapagpalit ako ng damit kagabi, ang huling naalala ko lang ay nakatulog na ako ng mahimbing sa kotse.

Naghilamos at nagsipilyo muna ako bago ako tuluyang bumaba sa sala. Nasa hagdan palang ako ay naaamoy ko na agad ang mabangong pagkain na mukhang niluluto pa lang mula sa kusina. Tumaas ang kilay ko ng makita ko si Carver na nagluluto sa kusina habang walang suot na pang itaas. What is he doing here? Ngayon ko lang ata ulit siya naabutan na nandito pa sa umaga. Usually kasi ay lagi naman siyang wala at bigla nalang nauwi matapos ang isa o dalawang araw. Kaya naman hindi maaalis sa akin ang magtaka sa tuwing nandito siya sa umaga.

"Goodmorning Tilly." He smiled charmingly when he saw me entering the kitchen. Binalik ko naman ang pagbati niya bago dumiretso sa ref para kumuha ng tubig.

"What are you doing here?" Pinagkrus ko ang dalawang braso ko sa tapat ng dibdib ko at bahagyang sumandal sa kitchen counter para matingnan siya.

"And why are you top less?" Saad ko matapos pumikit ng halos tatlong segundo. I'm trying my best to not be captivated by the perfection of the way his body was built. Nilingon niya ako at mabilis akong napaiwas ng tingin nang mahuli niya akong nakatingin sa katawan niya. It's just for five seconds!

"Don't you have work to do?" Tanong ko habang pinipilit ang sarili kong ibaling sa iba ang tingin. Narinig ko ang mahinang pagtawa niya bago pinatay ang kalan.

"I wanted to make it up to you."

"Hmm?" Lumapit ako sa kanya at tiningnan ang niluto niya.

"What is that?"

"An Italian Spicy breakfast dish." Aniya. Tumango tango ako. Base sa amoy palang ng niluluto niya ay halatang maanghang nga ito.

Itinukod ko ang kamay ko sa kitchen counter para mas maamoy pa ang niluto niya. Bigla tuloy akong nagutom—idagdag mo pa ang katawan sa gilid ko na pilit kumakaway sa paningin ko.

Naramdaman ko ang kamay niya sa bewang ko at inikot niya ako ng marahan paharap sa kanya. "I wanted to apologise for what happened last night."

"It's alright."

"No it's not, you shouldn't have witnessed something horrible like that." Punong puno ng pagsisising saad nito kaya naman tumingala ako sa kanya dahil hanggang balikat lamang niya ako. Hinawakan ko ang pisngi niya at ngumiti sa kanya.

Chase of DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon