[59]

1.8K 37 1
                                    

[Chapter 59]

Napakagat ako sa labi ko habang pinagmamasdan ang sarili kong repleksyon sa salamin. Hindi ko alam kung ano ba dapat ang ireact ko. Am I supposed to be happy? Satisfied with what am I wearing? Saglit kong nilingon ang nakasaradong pintuan ng banyo. Sa likod noon ay ang naghihintay na si Carver. Muling bumalik sa whole body mirror ang tingin ko. I was wearing a black sando and white shorts.

Nang magising kasi si Carver ay medyo hindi na tirik ang araw kaya naman niyayaya niya akong lumabas at maligo sa dagat. Napakamot ako sa gilid ng noo ko kahit hindi naman ito nangangati. Maybe he was expecting me to wear those bikini that is for sure he bought for me. Bumuntong hininga ako bago pumihit patugo sa pinto. I really can't.

Nang buksan ko ang pinto ay tumambad sa akin si Carver na tahimik na nakaupo sa kama habang naghihintay. Nag angat siya ng tingin nang marinig niya ang pagbukas ko ng pinto. I didn't see any kind of dissapointment on him, instead he gave me a warm smile. Ibinalik ko ang pag ngiti niya bago lumapit sa kanya. Tumayo na siya mula sa pagkakaupo niya sa kama at sabay naming tinahak ang pinto.

"I don't know how to ride this." Nahihiyang saad ko kay Carver na ngayon ay natayo sa harapan ko habang may iniaayos sa Jet ski. Ramdam ko ang pag hampas ng maliliit na alon sa paanan ko habang nakatayo at pinagmamasdan si Carver.

"Don't worry, you have me." Sabi niya bago inihagis sa direksyon ko ang isang life vest na kulay orange. Hindi ko maiwasang matitigan ang mga braso't katawan niya. He was wearing a short and loose white sando. Malalaki ang butas sa magkabilang gilid ng sando niya kaya naman kapag umiihip ang hangin ay natatangay ito dahilan para sumilip ang magandang pangangatawan niya. Medyo nadismaya ako ng kaunti nang suotin niya ang life vest niya, Natakpan na tuloy ang magandang tanawin ko.

Isinuot ko na rin ang life vest ko at lumapit na sa kanya. Halos mga bandang alas kwatro na ng hapon kaya medyo hindi na ganoon kainit. Naunang sumakay si Carver sa jet ski bago niya inabot ang kamay niya para maalalayan ako sa pagsakay sa likuran niya. Siya mismo ang nagpulupot ng mga braso ko sa bewang niya bago sinimulang paandarin ang sinasakyan namin.

"Omygod." Naiusal ko nang mabilis ang ginawang pagpapaandar ni Carver. Halos malaglag ang puso ko sa tuwing tumatalbog ako sa likuran niya kapag nasasalubong namin ang mga alon. Kulang nalang ay paliparin na ni Carver ang jet ski dahil hindi siya nakukuntento sa bilis nito.

Naririnig ko ang mga sigaw niya na dala ng kasiyahan habang kabaligtaran naman ang nararamdaman ko. Halos kulang nalang ay ibaon ko na ang sarili ko sa likuran niya habang nakapikit at natatakot na bigla nalang akong tumalsik sa karagatan. Napansin ko rin na medyo malayo layo na rin mula sa isla ang narating namin.

"Hold my hand." Naramdaman kong tumigil ang sinasakyan namin kaya nagmulat at nag angat ako ng tingin. Nakita ko ang kamay ni Carver na nag aabang na abutin ko. "Stand up." He added.

"W-why?" Kunot noong tanong ko nang abutin ko ang kamay niya.

"Let's switch." Halos lumuwa na ang mga mata ko sa panlalaki dahil sa sinabi niya.

"H-hindi ako marunong, baka tumaob tayo." Sabi ko pero hindi niya ako sinagot. Sa halip ay hinila niya pataas ang kamay ko at wala akong choice kung hindi tumayo dahil tataob kami kung hindi ako tatayo sa kabilang side.

Nakita ko ang ngiti niya nang matagumpay niyang mapagpalit ang posisyon namin. Siya na ngayon ang nasa likuran ko at ako ngayon ang magpapatakbo. Kinuha niya ang kamay kong nababalisa dahil sa kaba na baka mamali ako ng pagpihit at bigla nalang kaming tumaob. Nakapatong ngayon ang kamay niya sa kamay ko habang mahinang pinipihit ang manubela, kasabay ng pagpihit niya ay ang pag andar ng jet ski na sinasakyan namin.

"Slowly." He whisper. Tumagal ang mahinang pagpihit niya kasama ang kamay ko hanggang sa hindi ko namalayang inalis na pala niya ang kamay niyang nag gaguide sa kamay ko.

Chase of DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon