[63]

1.7K 37 0
                                    

[Chapter 63]

Tara's POV

Nagbuntong hininga ako habang nakatingin sa madilim na kalangitan. Madilim na ang langit ngunit kahit isang kislap ng bituin ay wala akong makita, masyadong makapal ang mga ulap dahilan para hindi magawang makasilip ng buwan. Bukas ng hapon ang araw kung saan kinakailangan kong magtungo kung nasaan si Carver. Wala akong pinagsisisihan sa naging desisyon kong iyon, ang tanging iniisip ko lang ay kung kamusta na ang kalagayan niya. Halos dalawang araw na rin siyang hawak ng mga kalaban at dalawang araw na rin ang nakaraan simula nang huli ko siyang mayakap at makita. Sanay akong laging wala sa tabi ko si Carver sa bawat araw na lumilipas noon pero sa mga oras na to ay iba ang pakiramdam. Pakiramdam na walang oras na hindi siya sumasagi sa isip ko, walang oras na nawala ang kaba sa dibdib ko.

I remember what Xiara told me earlier, kung bakit matindi ang di niya pag sang ayon sa plano at ang dahilan niya. I understand her concern and i appreciate everything she told me. Kahit papaano ay nakaramdam ako ng kaunting saya nang sabihin niyang isa ako sa pamilyang gusto niyang ingatan. I didn't expected her to say those words but i can tell how much those words helps me to have a strong courage for tomorrow. I know i don't have any knowledge when it comes to physical fight but this is the only way i can see to save Carver. The only thing i can do to save him.

Muli akong nagbuntong hininga habang dinadama ang bawat dampi ng malamig na hangin sa balat ko. Kasalukuyan akong nasa itaas ng base at nagpapahangin. Pakiramdam ko kasi ay hindi ko magawang huminga ng malaya sa loob ng base dahil sa tinging ibinibigay sa akin ng five star reapers lalo na si Fox. That woman--what is her problem?

Simula nang matapos ang pagpaplano nila ng gagawin bukas ay hindi niya na inalis ang masama at matatalim na tingin niya sa akin na para bang anu mang oras ay handa niya akong sunggaban. Madalas rin niya akong paringgan ng salitang 'Mahina.' sa tuwing makakasalubong ko siya. I don't know but i can see anger in her eyes everytime she's looking at me. I admit that all she said was true, kumpara sa kanila ay walang wala ako. Mahina ako sa paningin nila dahil iyon naman talaga ang totoo.

Muli nanaman akong napabuntong hinga, halos hindi ko na mabilang kung ilang beses na ba ako nagbubuntong hininga mula ng umakyat ako dito sa labas. Pakiramdam ko kasi ay sobrang bigat ng pakiramdam ko at nababawasan lang iyon sa tuwing nagbubuntong hininga ako. Buo na ang plano para bukas. The five reapers will accompany me to that place while Xiara and the others will wait for their signal. They plan to launch an attack when they verified Carver's safety. Muling tumutol si Xiara sa naging plano pero sa huli ay wala rin siyang nagawa upang ibahin ito.

I was hoping that this plan will turn out to be successful.

===

Wednesday, 5:19pm.

"Remember what i've told you, press the earpiece if something bad happens. I will enter that warehouse to protect you." Nilingon ko si Xiara na siyang mahinang bumulong sa akin. Bahagya akong ngumiti sa kanya at marahang tumango.

"Thank you." Mahinang saad.

"Let's move, update me when everyone is in your respective positions." Nilingon ko ang nagsalitang si Fox. Tumama ang tingin niya sa akin pero agad rin siyang sumiring na para bang nakakita siya ng isang nakakadiring bagay.

Hindi ko na lamang pinansin ang tinging iyon ni Fox, nilingon ko na lamang ang halos kalahati sa mga tauhan ni Carver na diretsong nakatayo sa aming harapan na tila ba isang mga sundalo. Lahat sila ay nakaitim--kahit maging ako ay pinagsuot nila ng itim na leather jacket, sa ilalim nito ay may suot akong puting sando na tinernohan rin ng itim na jeans at itim na sapatos. They also hand me a gun even though i don't know how to use it. Tinanggap ko nalang ito ng walang angal dahil alam kong may masasabi si Fox sa oras na tanggihan ko ito.

Chase of DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon