[57]

1.9K 48 1
                                    

[Chapter 57]

Third Person's POV

Kunot noo at pabalik balik ang tingin ng binatang si Niall kay Carver na kasalukuyang kalaban niya sa chessboard at kay Tara na kasalukuyan namang naglalaro ng archery kasama ang ibang babae na sila Xiara. They're now currently above their base, the empty lot. Kanina pa niya napapansin ang palihim na pagngiti ng kalaban niya sa tuwing si Tara ang titira at makakapuntos ito.

Tumikhim siya at matagumpay naman niyang nakuha ang atensyon ng kalaban. Tumingin ito sa kanya ng may kunot sa noo at tila ba naiirita na agad sa kanya. Ngumiti siya rito nang ituro niya ang chessboard dahil ito na ang titira. Ang totoo ay kanina niya pa ito dinuduga at hindi man lang siya nito napapansin dahil nasa iba ang atensyon at tingin nito. Gusto man niya magreklamo ay hindi niya magawa dahil bukod sa natatakot siyang bigla nalang saksakin nito ay magmumukha rin siyang nagseselos na girlfriend nito kapag sinita niya ito.

"Boss talo kana." Sabi ni Niall dito matapos niyang alisin ang dalawa sa mga pawns nang hindi nalalaman ng kalaban niya dahil nasa iba nanaman ang tingin nito.

Niall flinched when Carver gave him an irritated glare. "I know what you were doing, you idiot." Saad nito at sumandal sa kinauupuan.

Napakamot na lamang si Niall sa kanyang ulo kahit hindi naman ito nangangati. Ang buong akala niya ay wala sa laro nila ang atensyon ng kalaban pero mukhang nagkamali siya dahil napansin parin nito ang ginagawa niyang pandaraya dito kanina pa.

Mukha pala akong gagong nandadaya habang alam naman niya ang ginagawa ko. Tch!

Sumandal na rin si Niall sa kanyang kinauupuan at saglit na pinagmasdan ang kanyang boss. How odd, he never really saw him being crazy like this.

Look at that creepy smile. Niall said on his head while he was looking at him. Kung hindi lang niya ito kilala ay malamang na matatakot siya rito at iisiping isa itong manyakol na stalker ng isang dalagita.

"You fell so hard boss, you nearly look like a gay inlove right now." Kulang na lamang ay ihambalos na ni Carver ang mesang nasa harap nila ngayon sa paraan ng pagtingin nito kay Niall. Natawa at napailing na lamang si Niall sa nakikita niyang ikinikilos ng kanyang bossing.

Actually Carver isn't just his boss but also his brother. Lumaki siya sa bahay ng mga ito dahil isa ang ama niya sa pinaka pinagkakatiwalaang tao ng ama ni Carver. Halos sabay lang silang lumaki at natuto sa mga bagay bagay at nasaksihan rin niya ang masasakit at mapapait na pinagdaanan nito. He saw how Carver grow to a different man from the boy he used to play with. Because instead of trying to adapt to the darkness and overcome it alone, Carver chose to completely surrender himself to it. He had fallen into the stained darkness that was marred by violence and he completely lost himself to it.

He can feel the relief when he are now starting to see his brother again. He remember the first time Carver ask him a question that surprised him.

"Who is she?" Niall asked as he look at Carver quietly sitting on his chair.

"Who?"

"They might use her against you Carver."

"Who would dare?" Ipinatong ni Carver ang kanyang baba sa kanyang kamao.

"Everyone Carver. You said romance isn't part of your world—"

"Who told you?" Blanko lamang itong nakatingin sa kanya na tila ba buryong na buryo ng kausap siya at tanging gusto na lamang nito ay ang lumayas na siya sa harapan nito.

"Tch!" Huling angil na lamang ni Niall. Humarap siya sa malaking bintana ng opisina nito at pinakatitigan ang madilim na kalangitan. Madilim man ay sumisilip parin ang liwanag ng iilang mga bituin. Saglit na katahimikan ang namayani sa buong kwarto at hindi niya naman na binabalak pang kwestyunin ang kaibigan sa naging desisyon nito.

Chase of DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon