[52]

1.9K 58 1
                                    

[Chapter 52]

Napansin kong madilim na at wala akong makitang ibang sasakyan na nakakasabay namin sa daan. Nasa isang highway kami at sobrang bihirang may makasabay kami dahil kung meron man ay sobrang layo ng mga ito mula sa kinaroroonan namin. Napansin ko rin na kanina pa papalit palit ang tingin ni Carver sa side mirror at sa rear view mirror ng kotse.

May nag iisang kotse ang nasa likuran namin at hindi ito nawawala mula pa kanina. Namumukadtangi itong natira sa lahat ng mga sasakyang nakasabay namin. It's a black SUV van with a tinted windows.

"May problema ba?" Kunot noong tanong ko kay Carver. Sinulyapan niya ako saglit bago mas binilisan pa ang pagmamaneho.

Halos mahigit ko ang hininga ko ng bigla bigla siyang nagpapalit ng lane kaya medyo napapagewang gewang ako. Buti nalang talaga at nakasuot sa akin ang seatbelt dahil kung hindi ay malamang na kanina pa ako tumilapon palabas ng sasakyan. Napasigaw ako at napatakip sa magkabilang tenga ng makarinig ako ng sunod sunod na putok ng baril.

"Get down and cover your head!" Utos sa akin ni Carver. I saw him opened the compartment infront of me and take out a hand gun.

Natatarantang yumuko ako at pumikit. A lot of gunshots are echoing in the silent night. Mukhang nanggagaling sa itim na Van sa likuran namin ang mga putok ng baril. Napasinghap ako ng mabilis na nag u turn si Carver at siya naman ang nagpakawala ng sunod sunod na putok ng baril mula sa bintana sa tabi niya. Saglit na tumahimik ang paligid kaya naman nag angat ako ng tingin. May mga ilaw na siyang papalapit sa direksyon namin at kung hindi ako nagkakamali ay mga sasakyan ito.

"Fuck!" Angil ni Carver at mabilis na inalis ang seatbelt niya. May kinuha siya sa compartment at inilagay ito sa kamay ko. Headphones and a small nano ipod.

"Wear this and close your eyes."

"A-anong nangyayari?" Tanong ko at hinarap siya habang pabalik balik ang tingin ko sa mga sasakyang papalapit sa amin.

"Mandolin's men are attacking us." He said while busy changing the magazine of his gun. "I want you to stay here and hide no matter what, do you understand?"

"W-who's Mandolin? A-anong gagawin mo?" Nakaramdam ako ng matinding pagkatakot dahil sa mga ilaw na tumatama sa amin. Hindi ko man tuluyang nakikita ang mga sasakyang palapit sa amin, nasisiguro ko naman na higit sa tatlo ang mga ito.

"I have to fight and i need you to hide." I felt his hand when he touched my cheek and planted a small kiss on my forehead.

"I'll be back after twenty minutes." He said. "Everything's going to be fine." The last thing he added before he stormed out from the car.

Inabot ako ng halos isang minuto bago tuluyang nag sink in sa utak ko ang mga pangyayari. Sunod sunod ang narinig kong putok ng baril at halos mabingi na ako sa mga ito. Naglingalinga ako sa paligid at hindi ko na makita si Carver. Nakita ko ang pagtigil ng mga sasakyan at isa isang nagsibabaan ang mga armadong lalaki na may bitbit na malalaking baril.

Nanginginig ang kamay na isinuot ko sa ulo ko ang headphone at naluluhang pinlay ang ipod.

Another day without your smile
Another day just passes by

I saw Carver came out from nowhere and started to fire his gun towards those men. I can't hear anything but the song. The beautiful song playing in my ears.

But now i know how much it means
For you to stay right here with me
The time we spent apart will make our love grow stronger
But it hurts so bad i can't take it any longer

My tears started to form in my eyes because of fear. Ipinikit ko ang mga mata ko kasabay ng pagtulo ng mga luha ko, yumuko ako at naramdaman ko ang malakas na impact ng pagkabasag ng binatana sa back seat. This is unexpected, everything was perfectly fine earlier. Why does this have to happen now?

Chase of DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon