Chapter 2: Happy Baby Devil

6.8K 34 0
                                    


Lunes sa unang klase ko ng umaga napakaboring pagkat kay daming sinulat sa blackboard ng guro at kailangan daw namin kopyahin. Bakit pa kasi hindi nalang ipa photocopy kaya nainis ako. Tinesting ko ang powers ko at sinubukan ko kontrolin ang utak ng matanda naming propesor. Ilang sandali pa biglang nagtawanan ang klase, lumingon ang propesor namin para tignan kami lahat. "Why are you laughing?! Keep Quiet!" sigaw niya.

"Mam, yung sinulat niyo po sa last" turo ng isang kaklase kong babae. Tinignan ng guro ang blackboard at napasigaw siya. "Gusto ko ng titi" ang nakasulat kaya tawa kami ng tawa. Napahiya ang propesor at agad nya binura ang board pero ayaw mabura ng sinulat niya. Tumindi ang tawanan pagkat nagkakandara siya at pilit tinatakpan ang board. Dahil sa kahihiyan pinalabas na kami ng maaga at pinatawag ang janitor para tulungan siyang burahin ang board. Tuwang tuwa ako sa nagawa ko pero bigla ako kinilabutan dahil ginamit ko ang powers ko para matuwa ako.

"Relax, it doesn't count" may bumulong sa akin at katabi ko nanaman si daddy. "Ilang beses ko sasabihin na wag kang susulpot bigla!" sabi ko. "Hello! Bakit may doorbell bang nakakabit sa katawan mo? Gusto mo kabitan kita sa pwet para tuwing susulpot ako pipindutin ko?" tanong niya at nagtawanan kami. "Hey dad, so pag kalokohan pwede ko gamitin powers ko?" tanong ko at ngumiti sya. "Of course, ikatutuwa ko pa, madadagdagan ang sins mo at demon points mo, sa ngayon baby devil ka palang so with that gimik nakapuntos ka" sabi nya. "I see, im enjoying it already dad" sabi ko. "Look akala nila siraulo ka, kinakausap mo sarili mo" sabi nya. Lahat ng tao nakatingin sa akin sa campus, "Don't tell me hindi ka nila nakikita" bulong ko at tumawa siya. "Syempre hahahaha, e pano yan napuntusan kita nyahahahaha! Ciao!" sagot niya sabay nawala siya.

Friday ng hapon niyaya ako ni Art na gumimik, wala daw si Cristine kaya dating gawi daw. Pag wala si Cristine nag uuwi si Art ng ibang babae sa apartment, ilang beses ko na gusto isumbong kay Cristine ito pero sigurado ko ako paghihinalaan niya kaya di nalang ginagawa. Hindi ako sumama dahil tuwing sumasama ako lagi akong out of place at lagi ako tinutukso ng mga barkada niya. Umuwi nalang ako sa apartment at tuklasin ang ibang powers ko.

Pagdating ko sa apartment nagulat ako at nandon si Cristine, "Hi friend, nasan si Art?" tanong niya. "Ah, akala niya kasi wala ka so gumimik sila" sabi ko. "Nanaman, hay, teka bakit di ka sumama? Balak ko pa naman sana siya surprise kasi di kami natuloy sa pagpunta sa province" tanong niya. "Di ko type ang ganon na gimik, madami masyado tao at di ko kavibes mga tropa niya" sagot ko. "Siya nga pala, magluluto sana ako pero wala nang food, wala naman ako pera" sabi nya. "Ako meron, sige ilista mo nalang at ako pupunta sa grocery" sabi ko. "Ikaw may pera?" tanong niya at tumawa ako.

"Oo naman, may ipon din naman ako" sabi ko pero ngayon ko na susubukan ang binigay na ATM ng dad ko. Pumunta ako sa pinakamalapit na ATM, agad ako nagwithdraw ng 4000, nagulat ako nang makita ko ang resibo na may 66 million pesos na laman yung account. Sa sobrang tuwa ko nagwithdraw pa ako ng 6000, pero di pa ako nakuntento kaya sumubok pa ako. "Sorry, you have reached you weekly allowance" sabi ng machine kaya natawa nalang ako. Ten thousand a week pala ang allowance ko galing kay daddy, masaya na ako pagkat first time ko makahawak ng ganitong kalaking pera.

Agad ako nagpunta sa grocery at namili, naalala ko si Art kaya agad ko siya tinext, sabi ko nasa apartment si Cristine. "Shet! Badtrip! Pre may hot date ako, sige thanks for the info, paki sabi nalang na kay Roger ako matutulog pero wag mo na sabihin muna" text back niya. Masaya ako pagkat masosolo ko si Cristine kaya nagmadali ako mamili at bumalik sa apartment.

Masarap ang niluto ni Cristine, nang ihanda niya ang lamesa, may plato pa si Art kahit dalawa lang kami sa apartment. Mahal na mahal talaga niya si Art kahit nag anon yung mokong na yon. Guilty tuloy ako, gusto ko sabihin sa kanya ang katotohanan pero baka isipin naman niya na sinisiraan ko lang si Art. Inenjoy ko nalang ang pagkain na niluto niya, lagi siya napapatingin sa plato ni Art habang kumakain.

saturninoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon