Chapter 22: Island Escapade 2

2.3K 19 0
                                    


Pag gising ko ng umaga nakayakap ako kay Michelle, nakatalikod siya at malapit ang katawan ko sa kanya. Hinahawakan niya ang kamay ko at pagsilip ko mahimbing ang tulog niya. Naakit nanaman ako sa bango niya, ang tamis talaga tulad ng tamis na naamoy ko kay Jana. Sinubukan ko pa ilapit ang ulo ko sa leeg nya para lalo ko pa siya maamoy.

Nasobrahan ko ang amoy naidikit ko ang mukha ko sa batok niya, gumalaw siya at nanigas ako. Ang bilis niyang humarap sa akin at nagkaharap ang mga mukha namin. “Good morning demonyong Benjoe” landi niya at napatingin ako sa dibdib nya at umuusli ang isang nipples niya pagkat nalihis konti ang isang cup ng bra niya. Nahuli niya ako nakatingin doon, napatingin siya sa dibdib nya sabay tinignan ako. Nilapit ko kamay ko sa bra niya at inayos ito sabay tingin sa malayo. Pagtingin ko sa kanya ngumiti siya at tumawa nanaman. “Feeling inosente pa o, akala ko hahawakan mo” sabi nya.

“Tempted to…focus lang…deep breathing” biro ko at dinikit niya ang dibdib nya sa dibdib ko at nilapit niya ang mukha niya sa mukha ko. “Alam mo namimiss ko yung pagiging naughty mo…bakit ang bait bait mo na bigla?” tanong niya habang ang mga mata niya nakatitig sa mga mata ko. Palipat lipat ang tingin ko sa mata niya at labi, masyado na kasi siya malapit sa akin.

“Ah…siyempre if you like someone di mo na sila pwede biruin ng ganon” sagot ko at ngumiti siya. “Torpe” sabi nya bigla. “Ah…eh…yeah I like you too” sabi ko at tumawa siya. “Alam ko naman yon e…napakatorpe mo…instead of looking why don’t you do what you feel like doing” sabi nya sa akin. “Ha…eh…oo nga nagugutom na ako tara breakfast na tayo” palusot ko. “Torpe” bulong niya ulit at lalo niya nilapit ang mga labi niya sa labi ko. “Michelle masyado ka na malapit” sabi ko sa kanya.

“E di lumayo ka” bulong niya kaya umatras ako pero sumunod naman siya. Umatras ulit ako at lumapit ulit siya, paulit ulit namin ginawa yon hanggang sa naabot ko ang dulo ng kama at muntik na ako nahulog. Tumawa siya bigla at naaliw ako tignan siya, di ko na natiis at agad ko siya hinalikan sa labi. Nabigla si Michelle at nanlaki ang mga mata niya, magkadikit ang aming mga labi, akala ko magagalit siya pero niyakap niya ang ulo at bumigay siya at nakipaghalikan sa akin.

Iba ang nararamdaman ko habang hinahalikan ko si Michelle, parang the same feeling nung halikan ako ni Cristine pero higit pa doon. Masaya ako at parang dumadaloy ang nakakakiliting kuryente sa buong katawan ko. At kahit na nakabra at panty nalang siya di pumapasok ang libog sa isipan ko, gusto ko lang siyang halikan, nasasarapan ako sa paghahalik niya, first time ako makaramdam ng ganito, nakikipaghalikan pero walang halong libog.

Napatigil kami para maghabol ng hininga, nagngitian kami saka kami naghalikan ulit. “Akala ko ba gutom ka?” bulong niya pero muli ko siya hinalikan at tumawa siya. “I don’t know why I like kissing you…dapat noon hinalikan mo na ako” sabi ko sa kanya. “Kapal mo alangan na yung babae ang mag first move no” sabi nya. “So gusto mo na pala ako halikan noon ha” biro ko sa kanya at tumawa siya. “Oo bakit may angal ka?” tanong niya at ngumisi ako. “Uy pero gutom narin ako, sila kaya kumain na sila?” tanong niya. Bumangon kami at naligo na, kinatok namin ang kwarto nila pero walang nagbubukas.

Sinubukan ko sila tawagan at namasyal na daw sila kaya kami nalang ang nagbreakfast ni Michelle. Namasyal namin kami pero sa malayo nakita ko makakasalubong namin si Cristine. “Wag tayo dito makakasalubong natin si Cristine, bad trip na ako diyan” sabi ko sa kanya. Bigla niya inalis ang tapis niya, nakabini na si Michelle at hinawakan ang kamay ko, tinignan niya ako at nginitian, “Salubungin natin” sabi nya at pati ako napangiti. Taas noo ako lumakad, pasexy naman si Michelle at lahat napapatingin sa kanya.

Nang kaharap na namin si Cristine pareho silang natulala ng boyfriend niya, tinitignan niya ako pero bumawi ako at kunwari di ko siya kilala. Masaya ako sa nangyari pero mas masaya ako at kaholding hands ko si Michelle, tinignan niya ako at ang mga kamay namin saglit, bibitaw sana ako pero lalo niya hinigpitan ang hawak sa kamay ko at nginitian niya ako.

saturninoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon