Tatlong araw kami nagkulong sa bahay para makapagbonding kami. Madami ang gusto bumisita sa akin pero di pinapapasok ng mommy ko. Nakiusap siya na ngayon lang kami magsasama kaya kung pwede kami muna daw ang magsama. Madami akong natutunan tungkol sa langit, tungkol sa katotohanan ng mundo at ang aking mapanganib na misyon.Sa ika apat na araw nagpasya ang mommy ko na turuan na ako, dumating si Angela para bumisita at ang dami niyang kasamang anghel. "Angela samahan mo nga si Alyssa today at may pupuntahan kami ng anak ko" sabi ng mommy ko. "Opo mam, Alyssa tara, madaming spa dito, tapos madami din center na pampaganda, libre lahat tara" sabi ni Angela. "Hoy Alyssa, wag ka masyado magpapaganda ha" biro ko at dinilatan niya ako.
Lumabas kami ng mommy ko ng bahay at ang daming anghel na sumunod sa amin. "Kita mo na anak celebrity ka dito, yung iba matagal ka na sinubaybayan, yung iba gusto lang nila makakita ng demonyo" bulong niya sa akin. "E ma saan ba tayo pupunta?" tanong ko. "sa training grounds, doon kita tuturuan" sabi nya kaya diretso kami sa training ground at nagulat ako pagkat ang gandang lugar yon. May batis din siya at ang gaganda ng bulaklak sa paligid. "Mommy eto ang training grounds? E parang napaka peaceful naman dito e" sabi ko.
"It looks peaceful anak pero this is where the power of light comes from, it comes from nature and the goodness of life" sabi niya pero nahiga ako agad sa damuhan at pinagmasdan ang maliwanag na langit. "Ay look, si Ayana! Ayana! Halika iha!" sigaw ng mommy ko at napaupo ako at nakita ko ang isang napakagandang anghel na patakbong papalapit. "Hi tita...wait...is this..." sabi nya at tinitigan niya ako at biglang namula ang mga pisngi niya.
"Ayana, this is my son Saturnino. Saturnino eto si Ayana, she wanted to meet you for a long time now" sabi ni mommy kaya tumayo ako at inabot ko ang kamay ko pero bigla ako niyakap ng mahigpit ni Ayana at gulat na gulat ako. Niyakap ko din siya at napangiti ang mommy ko. "Ayana bitaw na iha, I have to teach Saturnino many things today" sabi ni mommy. "Tita can I help?" tanong niya at napakasarap pakinggan ang boses ni Ayana, at ang bango bango niya. "Saturnino bitaw ka na anak" sabi ni mommy at natawa tuloy si Ayana.
Naupo kaming tatlo sa tabi ng batis at sinawsaw namin ang paa namin sa tubig. "Saturnino, alam mo nature will give you all the power you need. Alam ko tinuruan ka ng dark arts pero the concept is the same. Sa dark arts you learned to manipulate things pero ang di mo naisip is all those things come from nature. What you see in this place will give you power beyond your imagination, ang problema lang ay kailangan malaman mo pano mo gamitin.
Tumayo si Ayana at naglakad papunta sa gitna ng batis, ang ganda talaga niya. Ang haba ng buhok niya na diretso at kutis niya napakakinis. "Panoorin mo si Ayana anak, she will show you" sabi ni mommy kaya pinagmasdan ko si Ayana at nginitian niya ako.
Tumayo siya ng tuwid at pinikit ang mga mata niya, ilang sandali pa nagbagang dilaw ang mga kamay niya at nagsimulang kumulo ang tubig sa harapan niya. May namumuo sa tubig at nagkakaroon ng hulma ng bata. Ilang saglit pa nabuo ang figure ng isang batang lalake at napapalakpak ako. "Siya lang ang nakakagawa ng mga human clones out of water, air, earth and fire, favorite niya gawin yan and alam mo ba sino yang batang yan? That is you anak" sabi ni mommy at naglakad si Ayana hawak hawak ang kamay ng bata palapit sa amin.
"Oh wow, ako yan nung bata ako?" tanong ko at tinignan ako ng bata na gawa sa tubig at inabot ang kamay ko. "Buhay ba siya?" tanong ko ulit at tumawa si Ayana. "No anak, Ayana is controlling it" paliwanag ng mommy ko at bilib na bilib ako kay Ayana. "Wow ang galing mo Ayana, pero ma how can this help?" tanong ko. "Anak, that is just a sample, para makita mo ang tunay na kapangyarihan ng liwanag you have to fight Ayana so she can show you" sabi ni mommy.
"Ayaw ko po" sabi ni Ayana. "Ayana, hindi mo naman siya sasaktan e, you will just show Saturnino our power" sabi ng nanay ko. "I don't want to hurt him tita" sabi ni Ayana. "Ayana...its just like training iha, alam ko di mo naman sasadyain na sasaktan siya. This is the only way we can help Saturnino" sabi ni mommy. Nagsimangot si Ayana at naglakad ulit papunta sa gitna ng batis, lumapit sa akin yung bata sabay hinalikan ako sa pisngi, tumawa ako at pati si Ayana tumatawa. Kinawayan ako ng bata at tuluyan itong naglaho. "Did I tell you she was controlling that?" bulong ng mommy ko. "Yes ma, so that kiss was from her" bulong ko din at nagngitian kami ng nanay ko.