Umaga nagising ako feeling ko hinang hina ako at nasasakal. Katabi ko sa kama si Yammy, agad ako bumangon pero bagsak ako agad sa sahig. Feeling ko wala talaga ako lakas sa mga paa ko at di ako makahinga sa kwarto. Di ako makabangon, nagsnap ako para magdamit, nakadamit ako pero parang lalo ako nanghina. Nagsnap ulit ako para iteleport sarili ko sa kwarto ni Jana. Pagmulat ko ng mata ko sa nasa kalsada lang ako sa tapat ng bahay nina Yammy. Hinang hina na talaga ako at nahihilo, mamatay na ata ako.Nahiga lang ako sa kalsada, di ko na ako gumalaw para makaipon ako ng lakas. May narinirig akong mga yapak na mabilis, pagtingin ko may babaeng nakatayo at tinitignan ako. May third eye din siguro to, "help" sabi ko at lumuhod siya at binanong ulo ko. Naramdaman kong hinawakan niya ako ng mahigpit at bigla kami nawala. Pagmulat ko ng mata ko nasa loob kami ng isang kwarto, di parin ako makahinga. "Wait here" sabi nya at narinig ko siya tumakbo paalis.
Ilang sandali pa at naririnig kong may nag aaway na dalawang boses ng babae. "Hay naku Trina pag niloloko lang ako tignan mo lang" sabi ng isa. "Ate promise he is one of us, nakita ko siya nakahiga sa road nung nagjogging ako" sabi ng boses ng tumulong sa akin. Pagmulat ko ng mata ko nakatayo sila at tinitignan ako. Nakita ko yung tumulong sa akin, kahawig niya yung katabi niyang babae, pareho sila maganda at mukhang artista. "Oo nga wala pa siyang tatak sa kamay, fine sige itayo mo siya" sabi ng isa. Binuhat ako ni Trina, wala na talaga akong lakas. Hinawakan ng isang babae ang mukha ko sabay agad ako hinalikan.
Parang malakas na kuryente ang pumasok sa buong katawan ko, mata ko mulat na mulat at nararamdaman ko bumabalik ang lakas sa katawan ko pero kakaiba. Kapareha niya si Jana pero di ko maexplain itong kakaibang lakas at siglang pumupuno sa katawan ko. Bumitaw ang mga labi nya sabay tinitigan mga mata ko, muli niya ako hinalikan at nag uumapaw na katawan ko sa lakas. "Ate! Exag ka na!" sigaw ni Trina at bumitaw ang ate niya. Ngumiti siya at tinitigan ako, "Sorry got carried away, kakaiba ito at matamis siya" sabi ng ate niya.
Tumayo na ako mag isa at napansin ko hindi na ako invisible. "Ano nangyari bakit malakas na ulit ako?" tanong ko kunwari at nagtawanan sila. "Hinalikan ka na ni ate e, yan ang power ni ate" sabi ni Trina. Tumawa ako at napakamot, "Tulog ata ako, anong power?" tanong ko at lalo sila nagtawanan. "Don't tell me you don't know what you are" sabi ng ate ni Trina.
"Tao ako, like you two" sabi ko. "Nope, demonyo kami at pati ikaw demonyo" sabi nya. Kailangan ko mag acting kundi mabubuking ako, kunwari shocked ako at ayaw ko maniwala. "Ows...naka drugs ba kayo?" banat ko. "So sabihin mo nga sa akin kung bakit ka invisible kanina?" tanong ng ate. "Oo nga no nakita niyo ako? Teka what do you mean demonyo?" hirit ko at tawa ng tawa silang magkapatid.
"Ikaw ilang araw ka na invisible?" tanong ng ate. "Two weeks hehehe bigla nalang ako naging invisible e di ko naman alam pano bumalik pero masaya" sagot ko sabay tawa. "I see, Trina, explain mo sa kanya lahat at may gagawin pa ako. Recruit him kasi medyo type ko lasa niya" sabi ng ate ni Trina sabay kinindatan ako. Super ngiti naman ako kunwari pero binatukan ako ni Trina. "Ogag ingat ka delikado ka sa boyfriend ni ate" sabi ni Trina. "Boyfriend, sus bakit ako matatakot don?" banat ko. "Oo nga di mo pa kasi kilala si kuya Basilio e" sabi nya at kinilabutan ako bigla. Nasa kampo ako ng kalaban, delikado ang kalagayan ko. Kailangan ko mag ingat pero malaking tsansa ko narin ito basta di nila ako makilala.
Pumunta kami sa labas ng bahay nila at naupo sa hardin, tanaw na tanaw ko bahay nina Yammy, "Ano name mo pala?" tanong niya sa akin. "Benjoe" sagot ko at ngumiti siya. Nagkwento si Trina about demons pero alam ko na yon kaya kunwari nakikinig ako at di naniniwala sa una. Kinulit niya ako at kunwari medyo naniniwala na ako. "So you mean to say demonyo talaga ako?" sabi ko. "Yup, just like me" sabi nya. "Hmmm pero ha super ganda ng ate mo, artista ba siya?" tanong ko at nagsimangot siya. "At sinasabi mo hindi ako maganda ganon ba?" sagot niya.