Chapter 20: Being Human

2K 14 0
                                    


Walang tao sa salas kung saan ako sumulpot, napansin ko ang Christmas decorations, di ko na alam anong petsa o anong araw kaya naglibot ako ng bahay at nahanap ko ang mga girls sa kusina. “Hello” sabi ko at nagulat silang lahat at napatingin sa akin.

Unang sumugod sa akin si Jana at agad ako niyakap ako. “Ano ginawa nila sa iyo? Bakit ganyan itsura mo?” tanong niya sa akin. Nakiyakap narin sina Trina at Tanya pero si Alyssa nakatayo lang at nakayuko ang ulo.

“Di ko alam pati pala demonyo nagcecelebrate ng Christmas” biro ko. “Si Jana ang nangulit, we don’t actually celebrate it and you know why siguro” sagot ni Tanya. “Bakit ang tagal mo nawala, di naabutan ang Christmas, at least nandito ka for new year” sabi ni Jana. “Ha? December 31 na?” tanong ko. “Ano ba ginawa nila sa iyo?” tanong ni Trina. “Tsk…wag mo na itanong…gusto ko na din kalimutan ang paghihirap na dinanas ko…pwede ba makiligo ako gusto ko sana lumabas konti namimiss ko na maging tao” drama ko at lalo nila ako niyakap.

“Sige kukunan kita damit sa condo, ahem ate Trina teleport please” sabi ni Jana at game na game naman si Trina na yumakap sa kanya at nawala sila pareho. “Aba parang close yung dalawa ha, ay teka pano napunta dito si Jana?” tanong ko. “Ever since gusto magkaroon ni Trina ng younger sister or brother kaya yan. Tagal mo nawala madami nang nangyari mamaya na kwentuhan, sige ayusin ko panligo mo sa taas” sabi ni Tanya.

Naiwan kami ni Alyssa sa kitchen, tinabihan ko siya at naghihiwa siya ng mga gulay. “Ano lulutuin mo?” tanong ko. “Naghihiwa lang ako, sila magluluto” bulong niya. Bigla ako niyakap ng mahigpit ni Alyssa, humagulgol siya ng iyak. Gulat na gulat ako at niyakap ko narin siya. “Oy bakit ka umiiyak?” tanong ko pero di siya nagsasalita, pilit kong tinitignan face niya pero ayaw niya bumitaw sa akin. “Alyssa okay lang ako, im still alive you know” bulong ko at tumayo nalang kami doon na magkayakap.

Pagkatapos ko maligo nagbihis agad ako sa dalang damit nina Jana. Nagpaalam muna ako sa kanila na lalabas ako saglit. Diretso ako sa condo para kumuha ng pera, madami na akong namiss lalo na Christmas kaya gusto ko sila bilhan ng mga regalo.

Diretso ako sa mall at nagsimula ako maglibot, ang daming tao doon pagkat year end sale. Kailangan ko sila bilhan lahat ng regalo pero ang hirap mamili pagkat di ko alam kung ano ang gusto ng mga demonyo. Si Jana madali lang pagkat tao siya pero nahihiya ako mamili ng gamit pambabae. Naglibot libot pa ako konti nang bay bumangga bigla sa tabi ko. Pagtingin ko si Michelle at diretso ang tingin niya kunyari di siya ang bumangga sa akin.

“Uy ikaw pala” sabi ko pero tinitigan niya ako at tinaasan ng kilay. “Sorry I don’t know you” sabi nya bigla. “Michelle naman nagbibiro ka ulit” sabi ko at talagang ang bilis ng lakad niya kaya hinabol ko siya. “Uy Michelle anong nangyayari sa iyo?” tanong ko. “Di ka nagtetext, di ka tumatawag, di ka man lang magparamdam” sabi niya at tuloy ang lakad niya. “Sorry na I was busy kasi” sabi ko at tumigil siya at tinitigan ako. “Sinungaling! Ganyan naman kayong mga lalake e, siguro may nahanap ka nang iba, fine with me” sabi nya at naglakad ulit siya. Natawa ako pero hinabol ko ulit siya, “Ito naman kung magsalita akala mo kung may namamagitan sa atin” sabi ko at natawa din siya.

“Dahil ba di kita hinalikan that night kaya di ka na nagtetext o tumatawag?” tanong niya. “Of course not, I was busy talaga ano, tignan mo nga I missed Christmas, kaya eto ako first chance to go out nagmamadali ako mamili ng gifts for my friends” sabi ko. “Gutom ako, feed me” sabi nya at napakamot ako. “Demanding ka” sabi ko at tumawa siya. “O e di, Benjoe…nagugutom ako ilibre mo naman ako o” lambing niya at nagtawanan kami. Sa pizza resto kami pumasok at doon kumain, namiss ko na talaga ang ganitong pagkain kaya dalawang malaking pizza ang order ko.

“Michelle may lakad ka ba mamaya?” tanong ko. “Wala naman, bakit?” sagot niya. “Magpapasama sana ako bumili ng mga regalo, e nahihirapan ako kasi panay babae sila e” sabi ko at masama ang tingin niya sa akin. “You see, e di umamin ka din ano” sabi nya. “Relatives and friends only” sabi ko at tinaasan niya ako ng kilay. “The easiest ay damit” sabi nya. “Di ko alam size nila e at di ko alam mga type nila isuot” sagot ko. “Hmmm…mahirap talaga, kailangan alam ko ano talaga gusto nila” sabi nya. “Yun na nga e, kung clothes madali lang sana, kuha lang ako ano uso pero di ko alam kung type nila yon at ano size nila” sabi ko.

saturninoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon