Tumalikod si Saturnino at pinanood niya ang mga abo ni Basilio na inilipad ng hangin. Nakahinga siya ng maluwag at napatingin siya sa langit. "Thy will be done" bulong niya at nagteleport na siya pabalik sa battle area.Tamang tama papagising na ang lahat at nakita nila ang malakas na puting ilaw, pagkahupa ng ilaw nakatayo ang kanilang tagapagligtas, buhok niya sumasama sa agos ng hangin at may ngiti siya sa kanyang mukha.
Mabilis tumakbo papalit sa kanya ang mga kids at siyay niyakap. Sumunod narin ang iba at siya ay pinagkaguluhan. Natumba sa lupa si Saturnino at napahiga, mga kids dinaganan siya at pinagkikiliti. "Is it over?" tanong ni Jenny habang nakatayo sya sa tabi ng anak niya. Nginitian niya ang kanyang nanay at tatay sabay tinignan ang ibang kaibigan niya, "Oh yes it is" sabi ni Saturnino at sobrang sigawan at palakpakan ang lahat.
"Kuya may sugat ka o" sabi ni Danica at pinatong ng bata ang kamay niya sa sugat at bigla ito nagliwanag. Nawala ang sugat ni Saturnino at napatingin siya sa batang anghel, "You are going to be some one's star one day" sabi ni Saturnino at yumakap sa kanya ang bata.
Biglang lumipad sa ere si Danica at nanlaki ang mga mata ng mga ibang kids, sunod sunod nang nagsiliparan sa ere ang mga little angels at nagtawanan sila. Naiwan sa lupa ang mga little devils at lahat naiinggit. Biglang naglabasan ang mga black little wings ng little devils at tuwang tuwa sila, isa isa din sila umangat sa ere at agad sila naglaro ng habulan.
Tumayo si Saturnino at niyakap siya ng magulang niya, nagmistulang party nanaman ang paligid at nagpasimuno si Yaps sa pagsasayaw ng Jai Ho na matuwang sinabayan naman ng mga naghaharutang mga anghel na lalake.
Sa malayo may dalawang nilalang ang lumabas, isang nakaputing matanda at isang nakaitim, lahat ng nagsasayahan biglang napatigil at napatingin sa kanila. Lumapit ang dalawang matanda at kinuha si Saturnino para makausap sandali.
Naglakad silang tatlo palayo at ang iba pinagmasdan sila maigi pagkat first time nila nakita si Bro at Brod na magkasama. "Saturnino...nagpapasalamat kami sa iyo iho. Because of you our friendship with Brod will remain intact...at eto na nilalantad na namin para makita ng iba. I know we will get criticized by our peers" sabi ni Bro at nagulat si Saturnino. "Peers?" tanong niya. "Oo pero wag kang mag alala about that problema na namin ni Bro yon" sabi ni Brod.
"You have done enough iho, and masasabi ko talaga na you deserve to be with me" sabi ni Bro. "Ahem...excuse me...majority ng powers niya galing samin...he deserves to be with me" sabi ni Brod at nagtawanan silang tatlo. "Nagbibiro lang kami Saturnino...as promised look at Alyssa she is now an anghel but with dark wings like you...and your parents...as promised...pero wait...are you sure about this?" tanong ni Bro at nagkatitigan sila.
"Ahem ahem...Ayana ahem" banat ni Brod at tumawa si Saturnino. "Wait anong ibig sabihin nito?" tanong ni Saturnino at tinignan niya ang dalawa. "Ahahahaha joke! Come on its time to celebrate, oo we will grant you your wish that you made before pero that is only one wish, you have one more wish" sabi ni Brod. "Wag kayong magbibiro ng ganyan ha...pero...ah...can I" sabi ni Saturnino at ngumiti ang dalawa at sabay sila nawala.
Sa batis sa langit nakaupo si Ayana at pinagmamasdan ang tubig nang may humawak sa pakpak niya. "What took you so long?" tanong ni Ayana kahit di pa niya nakikita ang nilalang sa likod niya. Niyakap ni Saturnino si Ayana at humarap ang anghel at niyakap hinalikan siya. "I waited here just like you said...I waited for you" bulong niya at yumakap siya ng mahigpit.
"And I came back as promised...sorry natagalan konti ha" sagot ni Saturnino. "Pero halika lets go join the celebration" sabi ni Saturnino. "I cant...diba you know why" sagot ni Ayana. "Halika na, pwede na" sabi ni Saturnino at nagulat si Ayana. "Pwede na? How?" tanong ni Ayana. Ngumiti lang si Saturnino at lumabas ang mga pakpak niya. "Basta, pero I don't want to teleport..." sabi niya at hinawakan niya ang kamay ni Ayana at sabay sila lumipad pababa ng lupa.
