chapter 5: Revelation

3.8K 25 0
                                    


Katatapos lang ng final exams, simula na ng semestral break. Sa campus nagkita kita kami nina Art at Robert, first time nila magkita mula nung nagpunta kami sa bar. Nagpapasikatan sila kung gaano kasarap ang naiuwi nila, parehong mga sinungaling kaya tahimik lang ako at natatawa. Nagyaya si Robert sa bar kaya game na game naman kami pumunta, dating gawi di ako nakisama sa table nila, may nadagit ulit silang magagandang chicks pero alam ko wala din lang mangyayari kahit uminom pa sila ng Viagra.

Umalis ang mga babae, halata ang inis sa itsura nina Art, may dumaan na babae na tinititigan si Art at tinukso siya ni Robert. "Pare type ka niya" sabi nya. "Pwe! Pare ang pangit pangit non, parang inarmalite yung mukha, dami butas" sabi ni Art. May kasama yung babae, di rin kagandahan, bumawi si Art at tinukso si Robert. "O pare yung kasama niya ikaw naman ang gusto" biro niya. "Putulin ko nalang titi ko kesa pumatol ako diyan" sabi ni Robert at nagtawanan sila. Talagang masama ugali nila, kaya ginamitan ko ulit sila ng powers, dinasal ko na mainlove sila sa mga di nila type na babae, mga pangit kung tatawagin nga nila at doon lang sila pwede tigasan ng sobra.

Ilang sandali pa tinawag ni Art yung babae, natatawa na talaga ako, pinaalis ako ni Robert at first time akong lumayo sa kanilang masaya. Tambay ako sa harap ng bar, di ko mapigilan ang tawa ko habang pinapanood sila. "Para kang siraulo tumatawa kang mag isa" sabi ng babae. Paglingon ko si Michelle pala yon, agad siya nakibeso beso sa akin pero agad ko siya niyakap. "Hmmm ang bango bango mo, this is how we greet sa bundok namin, with a hug" palusot ko at tumawa siya. "Hay naku kararating ko palang pinapasaya mo na ako" sabi nya. Nagtabi kami at tinuro ko sina Art at Robert, pati siya nagulat sa itsura ng mga kasama nila.

"Ano nangyari?" tanong niya. "They had a change of heart" biro ko at pareho kami tumawa. Nakita ko nakipaglips to lips si Art, di ko talaga mapigilan ang tawa ko, halos maiyak ako sa tawa nang pati si Robert intimate sa kamasama niya. "Hoy, pinagtitignan ka ng mga tao, para kang baliw pati ako natatawa sa iyo" sabi ni Michelle. Di ko na kaya talaga lumabas ako ng bar at doon tinuloy ang pagtawa, sinamahan ako ni Michelle at halos mahiga na ako sa kalsada, di ko talaga alam bakit ganito katindi ang tuwa ko at saya, nahawa si Michelle at pareho na kami tumatawa at naluluha.
May dumaan na magsyota talagang tinitigan kami sabay tinawanan. Pagkadaan nila tinuro ko sila sabay sigaw "Tisod together!" at biglang natisod yung dalawa ng walang rason. Nagulat si Michelle at tinignan ako, nakalimutan ko sa tuwa na nandon siya, "What a coincidence, I have powers ata" biro ko nalang at humalakhak siya.

After ten minutes napagod din ako, "Bakit ka ba tawa ng tawa?" tanong niya. "E ikaw bakit ka din tumatawa?" sumbat ko. "Ewan ko basta natawa nalang ako kasi nakakatuwa kang tignan" sabi nya. "Kasi si Art at Robert, I cant believe na...basta di ganon ang type nila, actually hate nila mga ganon itsura pero look what they were doing" sabi ko. "Ano yon mga nagayuma?" tanong niya. "Ewan ko, people can change, malay mo they really love each other" sabi ko at nagsimula nanaman ang tawanan.

"Siya nga pala sem break na ha, don't tell me may curfew ka parin" sabi ko. "Wala na, bakit may binabalak kang masama?" biro niya sa akin. "Pinagsawaan na kita sa imagination ko" biro ko at kinurot niya ako. "Gusto mo ba bumalik sa loob?" tanong ko sa kanya. "Hmmm di naman, bakit may gusto ka puntahan?" sagot niya. "Do you consider me as your friend na ba or stranger parin?" tanong ko at napaisip siya. "Hmmm friend na sana e pero di mo naman ako tinetext" sabi nya. "Shoot, oo nga no, nakalimutan ko sorry" sabi ko. "Okay lang, so san mo ba balak pumunta?" tanong niya.

"Well gutom ako e, wanna go to dinner with me?" alok ko at ngumiti siya. "Ano to date?" tanong niya. "Date? Alam mo I have never been on a date ever, di naman kita nililigawan kaya di pwede tawagin na date. Dinner lang with a friend ganon" sabi ko. "So meaning di mo ako type" sabi nya. "Oy di ah, you are prettylicious no" sabi ko. "Ano?" tanong niya. "Pretty and delicious, prettylicious" paliwanag ko at talagang pinagkukurot niya ako. "Asus dinner dinner tapos mamaya yayayain mo ako sa inyo" banat niya. "I told you di ako ganon, dinner lang naman pero pag wala kang tiwala okay lang, mag fishball nalang tayo sa kanto" sabi ko. "Ito naman nagbibiro lang, halika na nga" sabi nya.

saturninoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon