Chapter 9: Evil Sister

3.2K 24 0
                                    


Lunes after classes nagkanya kanya kaming lakad ni Alyssa, nagutom ako kaya dumaan ako sa isang fastfood resto malapit sa school. Pumila ako at kay dami kong gustong kainin kaya di ako makapili. Nung ako ang nasa tapat ng counter nanigas ako bigla, yung babae sa harapan ko si Melissia. "Hello sir may I take your order?" sabi nya at tulala lang ako. "Sir? Ano order niyo?" tanong niya ulit at nakatitig lang ako sa maganda niyang mukha.

"Ah...Melissa" sabi ko at ngumiti siya, "Nabasa niyo name plate ko, ano order po nila?" tanong niya ulit. Nag order ako ng di ko alam basta order ako ng order. May nakapwesto sa malapit na table kung saan nakikita siya, ginamitan ko ng powers para paalisin ang mga nakaupo doon para habang kumakain nakikita ko si Melissa. Dalawang oras ako kumain, ilang beses niya ako nahuling nakatitig sa kanya, pero tuwing titignan niya ako nilalayo ko tingin ko at napapangiti siya.

The next day di ako sumabay kay Alyssa, kumain ulit ako doon at same spot ulit ako. Up to Thursday ganon ginagawa ko hanggang tingin nalang ako talaga sa kanya. Friday maglalakas loob na talaga sana ako, papasok palang ako ng resto ay wala siya sa dati niyang counter. Lumingon ako sa kabilang counter at wala talaga siya. "Day off ko today" sabi ng boses na babae paglingon ko si Melissa yon at nakangiti siya. Nanigas nanaman ako at wala ako maisip na sabihin sa kanya.

"Ikaw si Benjoe diba? Ikaw din yung lagi pumupunta sa dating pinagtratrabahuan ko dati pero bigla kang nagstop pumunta" sabi nya at alam pa niya pangalan ko. Nahihiya talaga ako sa kanya at di ko alam sasabihin ko. "Oh yeah naubos pera e" sabi ko at tumawa siya. "E hanggang kailan ka dadalaw dito? Hanggang maubos din pera mo? Hi I am Melissa" sabi niya at inabot niya kamay niya at super ngiti ako. Kinamayan ko siya at halos napatalon ako at tumawa ulit siya. "Ako si Benjoe, wow speechless" sabi ko at ngumiti siya. "Ayan di naman ganon kahirap magpakilala diba?" sabi nya at napakamot nalang ako sa ulo.

"Di ka ba nagsasawa kumain dito?" tanong niya. "Hindi naman basta may inspirasyon" banat ko at tumawa siya. "Pupunta ako bookstore, ikaw kakain ka ba dito?" tanong niya. "Pupunta din sana akong bookstore, what a coincidence" banat ko at tumawa siya. "O e di sabay na tayo?" alok niya at ngumiti ako. "Ah okay tamang tama madaming masamang tao ngayon kailangan mo ng bodyguard" biro ko at nagpunta na kaming mall.

Di ako makapaniwala kasama ko si Melissa, para akong naglalakad sa ere habang kasama siya. Ang bango bango nya pero sayang di matamis ang amoy niya tulad ni Jana, pero okay lang. Magkasingtangkad lang kami ni Melissa, palangiti siya at matangos ang ilong. Di sya mestiza, di rin tsinita pero maputi siya at pinay na pinay ang itsura maliban sa ilong. Mahinhin siya gumalaw, di siya masyado sexy manamit pero madami napapatingin sa kanya pagkat mukha siyang anghel.

Sinamahan ko siya sa bookstore, wala naman siya binili tumingin lang pala. "Ikaw akala ko ba may bibilhin ka dito?" tanong niya. "Sa totoo wala, gusto lang kita makasama" sabi ko. "Uy masama nagsisinungaling, ayaw ko ng sinungaling" sabi nya kaya napayuko ang ulo ko pero tumawa siya. "Its okay may valid reason ka naman, dahil diyan kailangan mo ako itreat" sabi nya at sumaya ako bigla. "Oo ba, saan mo gusto?" tanong ko at parang nahiya siya. "Hindi na pala, nakakahiya we just met at matakaw ako e" sabi nya. "Matakaw din naman ako ah" sabi ko at tumawa siya. "Sure ka?" tanong niya at kay tamis talaga ng ngiti niya. Kumain kami sa kalaban na fastfood, nakilala ko ng maigi si Melissa, kung sana naglakas loob ako noon pa matagal na sana nangyari ito.

"So pano bukas kakain ka pa ba doon?" tanong niya. "Syempre naman unless day off mo ulit" sabi ko. "One day lang off ko, alam mo what if antayin mo nalang ako makalabas para itreat mo ulit ako?" tanong niya. "Oo ba, I would really like that" sabi ko. "O sige, up to five ako, sige dito na ako ha" sabi nya at naghiwalay na kami ng landas. Tuwang tuwa ako bumalik sa condo, ready na ang dinner pero wala ako gana kumain. Napansin ni Alyssa ang saya ko kaya agad niya ako ininterview. Nakwento ko ang nangyari sa kanya at di ako halos makatulog sa gabing yon.

saturninoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon