Bumalik ako sa condo, doon na ako natulog pero wala si Alyssa. The next day wala parin siya, sinubukan ko tawagan phone niya pero wala sumasagot. Pinuntahan ko si Jana, sa tagal kong nawala Christmas break na pala. Nandon lang siya sa bahay pero sabi nya matagal na daw ako hinahanap ni Alyssa at daddy."Kuya she felt so guilty daw kaya ever since nawala ka hinahanap ka na niya. Pati si daddy hanap ka pero si daddy nakita ko the other day sabi nya may importante siyang pupuntahan kaya mawawala siya" sabi ni Jana. "I have to find Alyssa" sabi ko at niyakap ako ni Jana. "Sama mo nalang me, bored ako dito bakasyon na wala ako magawa e" lambing niya. "Delikado e, pero promise ko pag nahanap ko si Alyssa magbabakasyon tayo" sabi ko nalang.
Bumalik ako sa condo pagkatapos ko maglibot para hanapin si Alyssa. Pumasok ako sa kwarto niya, nahiga ako sa kama niya at inisip ko siya. Alam ko may taglay akong lakas upang makausap siya gamit ang aking utak, sabi nga nila lampas ten percent ang gamit kong porsyento sa utak ko so dapat kaya ko siya makausap. Halos mamaga na mata ko kapipilit at kahit na manigas nigas pa ako wala parin.
Nakita ko ang picture ni Alyssa, kinuha ko ito at agad nagteleport sa bahay nina Trina. Buti naman nandon pa silang tatlo, pinakita ko sa kanila ang picture ni Alyssa. "Sino nanaman yang babaeng yan?" tanong ni Trina. "She is my sister, please help me find her" sabi ko at parang naawa sila. "Please naman o, if ever makita niyo siya tawagin niyo ako. Long story, nag away kami before so she went to find me daw e. So sana pakiusap naman pag nakita niyo" hiling ko at kakaiba ang magic ni Tsupi, agad siya nakagawa ng kopya, mabilis pa niya naitransfer sa phone niya. Isang pindot pa ngumiti sya. "Don't worry papa Saturnino, kumalat na, send to all sa phone ko, pag nakita nila tatawagan nila ako" sabi nya. "Ilan ba talaga ang troops mo?" tanong ko at tumawa siya. "Madaming madami fafa, don't worry, malawak ang federasyon" sabi nya sa akin.
Umalis na ako at naglakad lakad muna, guilty tuloy ako dahil nawawala si Alyssa. Napadaan ako sa bahay ni Yammy, may swing sa likod ng bahay nila kaya naupo muna ako doon at nagswing habang nag iisip. May sumitsit sa akin kaya napatingin ako sa bahay ni Yammy, nakita ko siya sa may bintana at kinawayan ako. Ilang sandali lumabas siya ng bahay at naupo sa kabilang swing, "Long time no see ha, tapos hindi ka na invisible ha" sabi nya sa akin. "Oo nga e, kumusta ka na Yammy?" sagot ko.
"Uy mukhang problematic ka ata, ay alam mo dadating sila mamaya" sabi nya. "Ah kailangan ko na umalis pag ganon" sabi ko. "Wag na dito ka muna, so anong problema mo?" tanong niya. Di ko sinabi sa kanya ang problema ko pero nagkwentuhan nalang kami para maalis konti ang pag aalala ko kay Alyssa. After thirty minutes dumating sina Gladys at yung iba, nakita nila kami at napatingin sa akin si Gladys. "Uy Yammy change of plans, dun tayo ngayon daw kina Vanessa, pumunta kami dito para sunduin ka" sabi ni Gladys.
"Can I bring a friend?" tanong ni Yammy sabay tingin sa akin. Tinignan ako ni Gladys pero medyo nagsimangot siya. "Ikaw bahala, okay lang" sabi ni Gladys pero alam ko naman na ayaw niya. "Sige Gladys, magpapahatid nalang ako sa dad ko mamaya, antayin ko lang sila at magpapaalam ako" sabi ni Yammy. "Promise mo pupunta ka ha" sabi ni Gladys. "Yes, oh by the way nagpaparamdam pa ba sa iyo yung spirit friend mo?" tanong ni Yammy. "Hindi na nga e, namimiss ko na siya" sagot ni Gladys at napangiti si Yammy. "Sige sis sumunod ka nalang ha, magluluto pa kami e. Sunod ka ha" sabi ni Gladys at umalis na sila.
"See I told you pag nakita nila ako they wont like me" bulong ko kay Yammy. Tahimik lang siya at tinuloy ang pag swing. "Alam mo Saturnino you should stop worrying about your sister masyado" sabi nya bigla at nagulat ako. "How did you know...teka di ko sinabi sa iyo yon ha" sabi ko. Tumawa siya at napangiti, "I forgot to tell you I can read minds too" sabi nya. Tumingin nalang ako sa langit at inisip si Alyssa. "Oy bakit parang di ka surprised sa sinabi ko?" tanong niya. "Ever since I turned eighteen I have seen and experienced so many weird things, maski ako nagugulat ako sa mga kaya kong gawin" sabi ko sa kanya.
