Sumabit ako sa likod ni Angela at si Alyssa sa likod ni Venancio, lumipad kami sa ere at sobra akong nag enjoy. "Angela bakit itong wings mo naka steady lang, diba dapat gumagalaw sila?" tanong ko at nilingon niya ako. "Props lang yan para bongga kami tignan, napakaboring naman tignan ang isang nilalang na lumilipad na straight body diba? Pag may wings mas nakakabilib...diyan ka lang sa likod ko kapit ka baka malaglag ka" sagot niya kaya kumapit ako ng mahigpit sa kanya at bigla siya tumawa. "Nag eenjoy ka ano?" tanong niya at tumawa ako, "Oo first time ko lumipad e" sabi ko. "Hindi yung paglipad ang tinutukoy ko, yang pagkapit mo sa breasts ko" sabi niya at lalo ako natawa. "Aminin mo na gustong gusto mo naman, walang ganito sa langit" biro ko at tumawa siya.
Napalingon kami kina Vinz at nakita ko si Alyssa nakalabas ang dark claws niya at pinagpapawisan si Venancio, natawa kami ni Angela at kinawayan kami ni Alyssa. "Teka nga pala, bakit kanina sinabi mo agad sasakay ako sa likod mo e willing naman ako sumakay sa likod ni Vinz...ikaw ha" tukso ko sa kanya at tumawa siya. "Sabi mo nga walang ganito sa langit e...ganyan ba talaga katigas yan?" tanong niya at lalo ko dinikit ang katawan ko sa katawan niya, "oo bakit gusto mo sa harap ako sumakay?" biro ko at bigla siyang nagpaikot at muntik ako nalaglag. "Gusto mo ulitin ko yon?" tanong niya at kumapit ako sa kanya ng maayos. "Bilisan mo na nasusuka na ako" biro ko kaya binilisan niya ang paglipat pataas sa langit.
Isang oras ang biyahe at halos malaglag ang panga namin ni Alyssa pagtungtong namin sa langit. "Holy shet! Ang ganda naman dito" sabi ko at biglang tinakpan ni Angela ang bibig ko. "No bad words dito" sabi nya. Ang ganda ng lugar nila, ang tataas ng puno, ang liwanag ng tubig sa batis, parang yung lugar ni Petina pero mas malawak dito at ang daming nagsisigandahang anghel sa paligid.
"wow, so this is heaven" sabi ko at tumawa si Venancio. "boss, not actually, kasi ito ang nasa isip ng lahat ng tao so ginawa namin ito pero tingin ka sa likod" sabi niya at tumalikod kami at nagulat kami at parang normal lang na siyudad na madaming bahay. "Ha? May mga bahay dito?" sabi ni Alyssa. "Oo naman, e saan kami titira ano?" sumbat ni Angela. "Pero kahit na ang gaganda ng bahay tapos parang ang linis ng hangin at parang ang saya ng lahat ng tao dito" sabi ko. "Hay, sa totoo boring dito, madaming rules pero happy naman kami" sagot ni Angela.
"I want to see my mother" sabi ko at nagtinginan si Angela at Vince, dumating ang ibang anghel at lahat nakatingin sa akin. Nagtago ulit si Alyssa sa likod ko at nagbubulungan ang ibang anghel. "Is he the one?" tanong ng isang anghel. "Yes, sad to say he is the one" sagot ni Angela. "Anong ibig mo sabihin na sad to say?" tanong ko at tumawa siya. "Wala, halika na nga dadalhin na kita don" sagot niya at bago kami makaalis nakikipagkamay sa akin ang ibang mga anghel at may nagpapa autograph pa. Tawa kami ng tawa ni Alyssa, napakamot nalang si Angela at Venancio. "Bwisit, hay, oo na sikat na sikat ka dito" sabi ni Angela at game na game naman akong nagpirma at pinakilala ko si Alyssa sa kanila.
Naglakad kami papunta sa bahay ng mommy ko, ang daming sumamang mga anghel at lahat ng pupuntahan namin mas madami pang sumasama. "Dito ang bahay ng mommy mo" sabi ni Venancio at biglang nagbukas ang bintana pagkat ang ingay ingay ng mga anghel. "Ano bang ingay ito?" sabi ng isang lalake at nagulat ako pagkat si daddy yon.
"Daddy!" sigaw ni Alyssa at nagulat ang daddy ko nang makita kami. "Oh Lord, my children are dead and have gone to heaven!!!" sigaw niya. "Jenny!!! Patay na ang anak natin nandito na siya sa langit!" sigaw ni daddy at biglang may tumabi sa kanyang magandang babae. Nanigas ako at bigla akong naiyak, first time ko makikita ang nanay ko at nakangiti siya sa akin. "Hello Saturnino, halika sa loob. Adolfo he is not dead, they came to visit us" sabi ng mommy ko kaya nagmadali ako tumakbo sa pinto at sinama ko si Alyssa.