Chapter 33: Grand Battle

1.1K 14 0
                                    


(The story changes from a first person perspective it now becomes a third person perspective...hindi na si Saturnino ang nagkwekwento...si Bro na hahaha)

Sumilip na ang araw at lahat nagsimulang bumangon, kakaiba ang ihip ng hangin, malakas at may taglay nang kakaibang lamig. Sa malayo may nakatayong nilalang, ang tagapagligtas, buhok nya at coat sumasabay sa agos ng hangin, diretso lang ang titig niya sa unti unting lumalabas na araw.

Nagsimula magising ang mga babae sa kanyang paanan, lahat lumapit sa kanya at tahimik lang na pinagmamasdan siya. "Get ready, they are coming" sabi ni Saturnino at lahat nagsipaghanda na.

Sa kalayuan naglakad si Basilio papalapit, at sa likod niya may pitong babaeng nakaitim. Madami siyang dalang demonyo sa bawat gilid niya. Naglakad narin papalapit si Saturnino at kasama niya ang mga nagnanais manatili ang tamang ayos ng mundo. Lumakas ang ihip ng hangin, ang lamig naging mainit, at sa gitna silay nagtagpo at biglang tumahimik ang paligid.

Nagkaharap si Basilio at Saturnino, isang ngiti na may taglay na lagim ang nailabas ni Basilio at mula sa ulap nagsibaban ang iba pang kampon niya. Libo libo pang mga demonyo at mga itim na anghel sumama sa kampo niya at pinalibutan ang grupo ni Saturnino.

"Wag ka magtataka Saturnino, oo kumuha ako ng mga kakampon galing sa ibang bansa para tuluyan ka nang mawala" sabi ni Basilio. Naglabas si Saturnino ng isang lumang libro at inabot it kay Basilio. "Basilio! Yang ang tunay na libro ng propesiya!" sabi ng isang babae sa likod. Agad binuklat ni Basilio at binasa ang huling chapter, bigla siya tumawa ng malakas sa kanyang nabasa.

"Kanina ka pa tahimik Saturnino...so nabasa mo din ito at nalaman mo narin na walang point pa para lumaban ka. Papagurin mo lang sarili mo...at kawawa lang ang mga kasama....eto Saturnino...dahil nasa good mood ako...lumuhod ka sa paanan ko at sambahin mo ako...ialay mo ang sarili mo sa akin at hahayaan ko makaalis dito ang mga kasama mo" sabi ni Basilio.

Matagal nagkatitigan ang dalawa, humakbang paharap si Saturnino at lumuhod sa harapan ni Basilio. "Hahahahaha!!! Tanggap mo na pala...wag kang mag alala Saturnino mabilis lang kita papatayin...hindi mo mararamdaman..." sigaw ni Basilio at sa dalawang kamay nya biglang may naumong bolang itim, napalibutan ng pulang apoy at nagbaga ito ng asul. "Saturnino!!! Salamat at pinasaya mo ang buhay ko! Kung wala ka hindi ako nainspire para magpalakas! Eto tikman mo ang ginawa mo sa akin!!!" sigaw ni Basilio at sinaksak niya sa dibdib ni Saturnino ang dalawang asul na bola.

Unti unting naagnas si Saturnino at napaatras ang mga kasama niya. Nang tuluyan na siyang nawala bakas ang takot at gulat sa kanilang mga mukha. Ang lakas ng tawa ni Basilio at tinaas niya ang mga kamay niya sa tagumpay. Napatingin siya sa mga iniwan ng kalaban niya at dinuro niya sila. "I lied! Sige tirahin niyo na sila!" sigaw ni Basilio at biglang dumilim ang kalangitan, bawat demonyo nagliyab ng asul ang mga kamay nila at may tig iisang asul na bola ang nabuo.

Umulan ng asul na bola papunta sa mga naiwan ni Saturnino, wala sila magawa kundi tumingala nalang sa langit at antayin ang kanilang pagwawakas. Bago pa tumama ang mga bola at sabay sabay na naagnas ang mga nilalang na kinagulat ni Basilio at mga kamampi niya. Pagbagsak ng mga bola makalas na pagsabog ang nangyari at malking butas sa lupa ang natira. Naging mausok ang paligid at di parin makapaniwala si Basilio sa nangyayari.

Nang humupa ang usok at lumiwanag ang paligid may nakita ni Basilio si Saturnino naglalakad papalapit mag isa. "Ano ito?!!! Pinatay na kita!!!" sigaw ni Basilio at nagbigay siya ng hudyat at may mga itim na anghel na lumipad at sinugod si Saturnino. Tuloy ang lakad ni Saturnino at isa isang naipatapon sa malayo ang mga itim na anghel. Lumakas ang hangin at muling umusok ang paligid.

Kitang kita nina Basilio ang mga anino na tumayo sa likod ni Saturnino. "Alam ko patraydor ka kung umatake, gusto ko lang makita ang tinatago mong alas...at nailabas mo na agad" sabi ni Saturnino at galit na galit si Basilio at nagdadabog. Mula sa lupa may lumabas na nilalang, isang clone na gawa sa lupa at nagulat si Basilio pagkat feeling niya nakaharap siya sa salamin.

saturninoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon