Chapter 8: Power Trip

3.5K 20 0
                                    


Pagsapit ng umaga ginising ako ni Alyssa, pagmulat ko ng mata ko halos malaway ako sa suot niya. Hapit na hapit na sando sabay panty lang. "Oy gising na malalate tayo sa school" sabi nya. "Alyssa bakit mo ako inaakit umagang umaga?" tanong ko at tinaasan niya ako ng kilay. "Bumangon ka na ayaw ko malate sa school" sigaw niya. "Teka don't tell me same college tayo" sabi ko. "Yes, at same schedule pa, same subject din in short magkaklase tayo!" sabi nya sabay labas ng kwarto ko.

Nang ready na kami umalis bumaba kami at may kotse pala si Alyssa. "Wow, bakit ako walang ganito?" tanong ko at tumawa siya. "Daddy's girl ako e" sagot niya at inggit na inggit ako. Habang nagmamaneho siya papunta school pinagmamasdan ko siya, "Ei, ano sasabihin natin twins tayo?" tanong ko. "Hay, magsyota" sabi niya at bigla ako natuwa. "Wow, cover story natin magsyota, so you mean may holding hands and kissing?" banat ko at tinignan niya ako ng masama. "Holding hands that's it" sabi nya sa akin. "Okay na ako doon, pero pano kung may magduda, o hahamunin nila tayo magkiss" biro ko at tumahimik siya. "O ano?" hirit ko. "No choice diba?" sagot niya at tumawa ako.

Pagpasok palang namin ng gate lahat napatingin na sa amin, first time ko makita na kinaiinggitan ako ng mga tao pagkat may kasama akong magandang babae. "Sis, im so happy today" bulong ko sa kanya. Dinikit niya katawan nya sa katawan ko sabay hinawakan kamay ko, "Happy?" tanong niya at napangiti ako ng todo. "Supper happy sis, thank you" sabi ko at for the first time naenjoy ko maglakad ng campus. Dati kasi nakayuko lang ulo ko, this time taas noo ako at nakangiti.

Friday ng hapon ayaw pa ni Alyssa umuwi, tumambay kami sa roof top ng building at sa edge naupo. Nakakatakot pero sabi nya wag daw ako mag alala pagkat di nya ako hahayaan malaglag. Pinanood namin ang ibat ibang estudyante sa ibaba.

"Tignan mo yung grupong yon, naka black lagi, tapos mahilig mag eyeliner sa mata. Mga demonyo ba yan?" tanong ko at tinaasan niya ako ng kilay. "Ang bobo mo, tawag sa kanila EMO" sabi nya. "Bakit naman EMO?" tanong ko. "Sus, Emo as in emotional, mga feeling depressed kuno, mga suicidal at dramatic" paliwanag niya. "Emo ha, sige nga eto emohin niyo to" sabi ko at nag concentrate ako at dinasal na maging emotional talaga sila.

Ilang saglit pa nag iiyakan sila ng walang rason, super iyak ng iba at lahat napaptingin sa kanila. Biglang tumawa si Alyssa, aliw na aliw siya sa ginawa ko. "Uy first time kitang napatawa ha, uy naka smile pa siya o" tukso ko sa kanya at nginitian niya ako. "Okay ka pala e, pero eto ako naman tignan mo yung grupo don o, mga gang gang, tignan mo pag nagbabatian sila mga fingers nila binabaluktot para ipakita gang signs nila" sabi nya. Nagsnap siya ng daliri at lahat ng gang members tila naging permanente ang gang sign sa kamay nila. Super tawa kaming dalawa pagkat nagpapanic ang mga gang members.

"Sis nakakalipad ka ba kaya kampante ka lang umupo dito?" tanong ko. "Hindi" sagot niya. "E bakit mo sinabi wag ako mag alala?" tanong ko. "Kasi di naman kita itutulak e, pag ibang tao ka kanina pa kita tinulak, kakatuwa siguro yon" sabi nya sabay humalakhak siya.

After dinner pumasok ako sa kwarto niya, nakahiga siya sa kama niya at ngumiti ako. "Sis baka pwede tabi tayo" tanong ko, matagal niya ako tinitigan at ngumiti siya, "Since close na tayo sige halika" sabi nya at agad ako nahiga sa tabi nya pero napasigaw ako sa sakit at tumayo agad. "Shet ano ba yang kama mo?" tanong ko. Tinaas niya ang bedsheet nya at nagulat ako pagkat bed of nails pala sa ilalim. "Grabe ka natutulog ka sa ganyan?" tanong ko at tumawa siya. Tumayo siya at pinakita yung side niya, kutson naman yon, "Ah funny, ginamitan mo ng powers bago ako humiga, how sweet of my sister to do that" sabi ko at tawa siya ng tawa. "Ano gusto mo pa ako tabihan?" tanong niya at naglakad nalang ako papunta sa pinto.

"Saturnino gusto mo labas tayo?" alok niya bigla. "May budget pa ba tayo?" tanong ko. "Wala pero madali lang naman kumuha, ano gusto mo?" tanong niya. "Sige bihis lang ako" sabi ko at after thirty minutes lumabas kami ng condo. Di ko matanggal ang titig ko sa kanya pagkat napakaiksi ng suot niyang dress. "Alyssa guso mo magkulong nalang tayo sa kwarto ko?" alok ko pagsakay namin ng kotse. "Hay naku, kaya tayo lalabas ihahanap kita ng magbubuhusan mo ng libog mo" sabi nya. Nasorpresa ako sa sinabi nya, "Really?" tanong ko at ngumiti siya. "Oo para di ako ang pagtripan mo" sabi nya. "Prettier than you?" tanong ko at tumawa siya. "Kung meron why not" sabi nya. "Alyssa okay ka din pala e. Lets go get money sis!" sabi ko at binarurot niya ang kotse.

saturninoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon