Ginawa naming kampo ang bahay nina Trina at Tanya, nag meeting kami sa garden nila at nandon si Tsupi, Alyssa, Tanya, Trina, Jana, Yammy, Barubal, Raldske, Yapito at si Lord Waps."So nasa kanila ang kapangyarihan ng asul na apoy, wala akong alam na panlaban don" sabi ni Lord Waps. "Dapat sa akin napunta yon pero naloko ako, akala ko nanay ko ang kumakausap sa akin para wag tanggapin ang apoy pero kasabwat pala ni Basilio yon, sino ba yung babaeng yon at sino yung nakaharap niyang nakaputi?" tanong ko.
"Di namin alam, ngayon ko lang nakita yong nakaitim na yon, sana pag nakita yung mukha niya baka namukhaan ko" sagot ni Barubal. "Yung nakaputi itanong mo nalang kaya sa mga anghel" sabi ni Lord Waps. "Malaking problema ito, di ko alam pano ko tatalunin si Basilio pag nasa kanya na ang asul na apoy" sabi ko at biglang yumanig ang lupa at may apoy na namuo. Lahat kami naghanda habang papalaki ang apoy.
Lumabas sa apoy sina Mani-king, Lord Raizen, at si Devilo, handa na kaming umatake pero napansin naming hinang hina sila. "Teka tol...peace...itago mo kami" sabi ni Raizen at nagsara ang apoy at nagbagsakan ang tatlo sa lupa. "Raizen anong nangyari sa inyo?" tanong ni Waps. "Si Basilio, nag power trip, sinubukan niya ang kapangyarihan niyang bago, inubos niya kami...nakatakas kami pero yung iba wala na..." sagot ni Mani-king.
"Don't tell me makikilaban siya mag isa niya" sabi ko at nakita ko talaga ang takot sa mata ng mga tatlo. "Hindi, may bago siyang tropa, madami sila, recruit galing sa ibang bansa yung iba...walang problema sa tropa niya kayang kaya sila pero ang dami nila sobra at si Basilio ang lakas na niya, itong ginawa niya sa amin titig palang niya" sabi ni Devilo.
Nilapitan ko si Yammy at nagets niya agad ang gusto kong mangyari, "Fusion!" sigaw niya at nagsanib ulit ang kapangyarihan namin. Nilapitan ko yung tatlo at binasa ko ang utak nila, totoo ang sinasabi nila at mas nararamdaman ko ang takot na bumabalot sa kanila. "Nagsasabi kayo ng totoo at nararamdaman ko ang takot niyo" sabi ko at tinignan ako ni Mani-king sabay tinignan niya si Alyssa. "Tara Fusion din tayo" sabi niya kaya biglang lumabas ang dark claws ko at nilapit ko ito sa ulo niya. "E kung kayo ng dark claws ko ang mag fusion?" banat ko at napalunok siya at napaatras.
"Itatago namin kayo pero may kondisyon ako, di niyo pwede ipamalas dito ang kamanyakan niyo. Kung lumabag kayo sa kondisyon ipapabalik ko kayo sa baba, naiintindihan niyo?" sabi ko at sumang ayon silang tatlo. "Ano to parang rehab?" banat ni Raizen at bigla siyang binatukan ni Waps, "May angal ka ba?" sabi ni Waps at nanliit bigla si Raizen at naglaro laro nalang ng maliliit na kidlat sa mga daliri niya.
"Tanya, Trina at Tsupi kayo na bahala sa tatlong ito, Yaps bantayan mo sila, wala parin ako tiwala sa kanila" utos ko at agad sila tineleport sa ibang lugar. Naupo ako sa sofa at inisip kung pano ko na kakalabanin si Basilio. Tinabihan ako ni Alyssa at Jana at pareho sila sumandal sa akin. "Nasan na pala yung kwintas mo?" tanong ni Alyssa. "Suot ko, ginawa kong invisible nga lang, eto o" sabi ko at pinakita ko na sa kanila.
"Dalawang tala lang ang umiilaw, di mo parin nahanap yung pangatlo" sabi ni Waps. "Oo nga e, kailangan ko mahanap daw yon, pero pano kung wala? Di ko kaya si Basilio" sagot ko. "At least you can try" sabi ni Waps. "Oo nga eh, at di ko naman din lang alam ano mangyayari kung nahanap ko man yung pangatlong tala e, siguro lalakas ako or whatever pero pano ko naman lalabanan yung kumag na Basilio na yan?" sabi ko at tumawa si Waps.
"I will teach you Dark Arts" sabi niya at nagkatitigan kami. "Pinanood kita lumaban, sayang lang lakas mo, oo nga malaki ang dark flame mo at malakas pero di mo naman ginagamit pa ang ibang lakas mo. Nasasayang ang gifts mo, si Alyssa limited lang ang naituro ko kasi hanggang doon lang lakas niya. Ikaw mas malakas ka sa akin and I can even teach you the things na di ko kaya gawin pero alam ko pano gawin" sabi nya. "Like what? Gawin kong miserable ang mga tao?" sabi ko at tumawa ulit siya.
