Masarap ang aking tulog pero ginising ako ni Ayana, pagmulat ko ng mata ko nasa puting disyerto kami kaya agad ako tumayo at napalingon sa paligid. "Nasan tayo?" tanong ko at takot na takot kumapit sa akin si Ayana. "I don't know" sabi nya. Wala kaming makita ni isang puno, hayop o ibang nilalang. Kahit pilitin namin tumingin sa malayo talaga diretsong disyerto lang.
Naglakad lakad kami ni Ayana at di namin alam saan kami pupunta, after thirty minutes na kalalakad ay napaupo kami sa lupa pagkat wala talaga kami makitang pwedeng puntahan.
Biglang lumiwanag ang paligid at may isang nilalang na sumulpot bigla, matangkad siya at matanda at natawa ako pagkat kamukha niya si Santa Claus. "Do you know why you two are here?" tanong niya bigla at natakot kami pagkat ang baba ng boses niya. Nagtago si Ayana sa likod ko at isang iglap pareho na kami may damit. "Ikaw siguro si Bro...bakit kamukha mo si Santa Claus?" sabi ko at natawa siya.
"Ang itsura ko pabago bago depende sino ang makakakita sa akin, again let me ask you do you know why you are here?" sabi nya at muli ako napalingon sa paligid at hinawakan ko ng mahigpit ang kamay ni Ayana. "Opo, sa tingin ko alam ko bakit kami nandito...pinaparusahan niyo kami" sabi ko at napangiti siya. "Mabuti naman at alam mo, alam niyo din siguro ano ang kasalanan niyo...you shall stay here the rest of your lives...don't worry hindi kayo magugutom" sabi nya at nabalot ang katawan ko ng takot.
"I cant stay here, I have to go back down to earth" sabi ko at ang sama ng tingin niya sa akin. Yumanig ang lupa at may tubig na lumabas, nasilaw kami ni Ayana at ilang saglit may mga demonyo kaming nakikita na sinusugod ang bahay nina Trina at Tanya. "Totoo ba yan?" tanong ko at napatingin ako kay Bro. "Yes, its happening right now as we speak" sabi nya. "Hindi ako maniwala, sabi ni Basilio Holy week pa" sumbat ko. "At naniwala ka naman sa demonyo...oh sa kapwa demonyo mo?" sagot nya at galit nag alit ako pagkat traydor talaga yang Basilio nay an.
"Bro please...kailangan nila ako" sabi ko at di ko na kayang tignan ang visual pond pagkat talagang sinisira nila ang bahay. "Sorry you will stay here for the rest of your life" sabi nya at biglang nawala ang visual pond at lumuhod na ako sa lupa at nagmakaawa.
"Bro please kailangan nila ako sa lupa, ako lang makakatalo daw kay Basilio" sabi ko. "Sorry, kahit anong gawin mo...I have seen the outcome of this battle na wala ka sa tabi nila...gusto mo ba malaman anong mangyayari?" tanong niya at sinuntok ko ang lupa at niyuko ko nalang ang ulo ko. "Mamamatay sila lahat, lahat ng kasama mo. Sorry you were not there to protect them...habang nandito ka yan ang tatatak sa isipan mo...you will remain healthy and free but your mind will not be at ease knowing na naiwasan sana ang pagpanaw nila kung hindi ka nakakulong dito" sabi nya sa akin.
"Ano ang kailangan ko gawin para ibalik mo ako sa lupa?" tanong ko at tinitigan ko siya. "Hmmm...wala" sagot nya at talagang pinagsusuntok ko ang lupa. "Fine, one request before you let me stay here forever...patawarin niyo na si Ayana at ibalik niyo siya sa langit. Let me take the blame at ako nalang ang parusahan niyo" sabi ko at bigla niya tinignan si Ayana. "No! I am staying here with you!" sabi ni Ayana at niyakap niya ako.
Biglang may itim na usok na lumabas galing sa lupa at isang nilalang ang nagpakita. Nakaitim ito na matanda at nginitian agad kami, "So eto pala ang sinasabing tagapagbalik ng balance" sabi nya. "Ikaw si Brod, anong ginagawa mo dito?" tanong ko at tumawa siya. "Excuse me, I have all the right to be here kasi half half ka, so may say din ako sa parusa mo" sagot niya. "Ganun ba, ibalik mo ako sa lupa, kailangan ko sila tulungan" sabi ko. "Hmmm...dapat may kapalit" sabi nya. "Alam ko, pag matapos ako sa laban kahit ano nang gawin niyo sa akin, patayin niyo ako o ikulong niyo ako dito mag isa wala na ako pakialam basta kailangan ko tapusin ang laban" sabi ko at nagtinginan sila ni Bro.
"Nah...pero kung ibibigay mo sa akin yang kasama mong anghel e ibabalik kita agad sa lupa" sabi ni Brod at tinago ko sa likod ko si Ayana. "Mukha mo!" sumbat ko at nanlisik ang mga mata niya pero pinakalma siya ni Bro. "May angking yabang ito ha...hayaan mo sila manigas dito Bro...pero kung ibibgay nya sa akin si Ayana...hmmm" sabi ni Brod. "Bago mo siya makuha dadaan ka muna sa akin...alam ko mas malakas ka pero habang nakakahinga ako di kita aatrasan demonyo ka!" sigaw ko at tumawa siya ng malakas at naramdaman ko nalang na nasasakal ako ng napakalakas na aura niya. "Yan lang ba kaya mo Brod? I bet you don't have the balls to finish me" hamon ko at lalo pa niya ako sinakal at nahihilo na ako at nagdidilim paningin ko. "Brod!!! Tama na!" sigaw ni Bro at bagsak ako sa lupa at naghahabol ako ng hininga. "Tarantado ka...makaalis lang ako dito tandaan mo...kahit ikamatay ko kakalabanin kita" bulong ko.
